"Pare sino yun?" turo ng isang lalaki. Tinuro niya yung lalaking mukang masiyahin at mabait na may kasamang babae.
"Hahaha! pare naunahan ka na ah! Yare tayo dyan! hahaha!" Pang aasar pa ng isa sa mga kaibigan ni Mike.
Si Mike Morales. Sikat. 3rd year student. Good looking. Matalino pero tamad. Maraming trip sa buhay. Ayaw niyang nabobored. At higit sa lahat. Malabo.
"Tumigil nga kayo! tsk." sigaw ni mike sa mga kabigan niya dahil inaasar siya ng mga ito. May kasama kasing ibang lalaki yung babaeng gusto niya. ata.
"Ala. Ayan na galit na si shokoy. Sibat na nga tayo di pa nakakagraduate yan sa torpe university eh! napaiwanan na! HAHAHAHA!" Hirit pa ng isa sa mga kaibigan niya. Naiinis na talaga si Mike. At mas lalo siyang nainis nung nasulyapan na naman niya yung babaeng dahilan kung bakit siya tinutukso ngayon na nakikipagtawanan sa isang hindi pamilyar na muka ng lalaki.
Maaaring bago ang lalaking kasama niya dahil hindi pa nila ito nakikita, ngayon pa lang. "Ayy mga tol tigil na muna. Naiinis na talaga 'tong si Mike." atsaka lumapit si Justine sakanya at inakbayan.
"Pare naman kasi.. Hindi namin malaman sayo kung gusto mo ba talaga si Clarrise. Ang labo labo mo naman kasi!" inalis ni Mike ang pagkakaakbay sakanya ni justine. "Hindi ko nga kasi alam! Pakialam mo ba! alis na nga!" sabi ni Mike atsaka naglakad palayo sa mga kaibigan niya.
"Tingnan mo yun, sabi umalis tayo pero siya umalis! HAHAHAHA! Malakas talaga tama nun ni Mike! parang bading! Hindi gumaya sakin pa easy easy lang! Hahaha!" pagkatapos tumawa ng malakas ni clyde ay nabatukan siya ng isa ni Justine.
"Tumigil ka nga diyan! Palibhasa babaero ka!" sigaw ni justine
"nagsalita ang hindi.." Pang aasar ni Clyde.
"=__=++ Gago! dati yun!" pag aaklas ni Justine. dati kasi ito ay kagaya ni clyde na babaero.
"Pareho kayo ni Mike! ang babading niyo na! Di naman kayo ganyan dati! Ako tingnan niyo, padota dota lang hangga't gusto ko, walang pumipigil." sabi pa ni Clyde.
"Hoy! pinapayagan ako magdota ni Nina! Taga cheer pa nga eh!" pag yayabang naman ni Justine. Pinagmamalaki niya na taga cheer niya ang girlfriend niya. Tumino na kasi itong si justine sumala nung naging sila ni Nina.
"Paki ko ba! Eh teka, sino ba yung lalaking dahilan kung bakit nagkakaganyan ang bading na si Mike?" Pagtatanong ni Clyde. kagaya nga ng sinabi ko, ngayon lang nila nakita ang lalaking kasama ni Clarrise kanina.
"Ah, hindi ko kilala. Basta ang alam ko may bagong student daw. baka ayun yun!" Pagsagot ni Justine sa tanong ni Clyde.
"Ano yun? Close agad sila ni Clarrise? landi naman ng babaeng yun!" at sa pangalawang beses nabatukan ulit si Clyde.
"Sira ulo ka! Yang dila mo nga! pagnarinig ka ni Mike yari ka dun!"
"Pare masakit na ah!"
"Dila mo eh! napaghahalataang dota player eh! Pati hindi naman ganun si Clarrise." sabi pa ni Justine. talagang naniniwala ito na hindi kagaya ng iniisip ni clyde si clarrise dahil ito ay school mate niya nung elementary at alam niyang mabait si clarrise.
"Oo na. Sibat na tayo. mamalate na eh."
-----
"Mike! May laban tayo sa kabilang section ah!" pasigaw na sabi sakanya ni clyde. Salukuyang lumalapit ang dalawa kay mike na nakaupo lamang sa bench sa may cafeteria.
"Oo may laban tayo ng basketball sakanila." naiinis na sabi ni mike.
"Ano? Pre utak mo lumilipad. Dota. Kasasabi ko lang sayo kahapon ah! limot mo agad?! =_="
BINABASA MO ANG
Siguro nga, malabo tayo. (one shot)
Teen Fiction(one shot story) [MEDYO side story ng YLMA] Nalilito ka sa nararamdaman niya? Hindi mo alam kung ano ba talaga yung nararamdaman niya para sayo? Yung pakiramdam na nalilito ka dahil hindi mo alam ang totoo? Na kaylangan mo ng Confirmation?