Counting Raindrops

35 3 0
  • Dedicated kay Ruby Dato-on
                                    

Author's Note :

Another OneShotStory :)) Naiinspire talaga ako ngayon sa uLan ee <3 Please comment kayouu ha ^___^ Enjoy reading

Love,

Ate Lijays<3

____________________________

Nandito ako ngayon sa Library. Napadaan lang ako dito, since tahimik naman dito muna ako. Ewan ko ba, parang ang lungkot ko ngayon. Siguro kasi umuulan ? Haaayy ewan. Baka nababaliw lang ako

Inikot ko yung tingin ko sa library. Konti nalang pala ang nandito. Ang lakas ng ulan, hanggang dito naririnig ko yung pagbagsak ng ulan. Ang tahimik dito, medyo madilim pa. Nakakatakot. Makaalis na nga.

" Ahhh !!! " may biglang nagtakip ng mata ko. Patayo na sana ako kaya lang tinakpan yung mata ko kaya napaupo ulit ako.

Anubey ! Natatakot na nga ako tapos biglang may nagtakip ng mata ko. Sheyt ! Paano nalang kong si Shomba pala to tapos gusto niyang dukutin ang pretty eyes ko. OMO !! Sana po Lord hindi ito kauri ni Shomba or ni Sadaku na gumagapang

" Sino ka !?? " Sabi ko habang pilit na tinatanggal yung pagtatakip sa mata ko. Paksheyt ! bakit ang lakas niya. Hindi tuloy ako maka alis asar ! Natatakot na talaga ako.

Narinig ko pa siyang nag chuckle sa likuran ko. Teka … Kilala ko to ah !?

" Louie " sabi ko. And he removed his hands.

" Paksheyt ka!  muntik na akong atakihin sa ginawa mo" Sabi ko sa kanya. Nagsmile lang siya then umupo sa tabi ko.

" Anong ginagawa mo dito? " Sabi niya

"Wala. nagpapahinga lang"  sabi ko

" Bakit hindi ka nalang umuwi sa inyo ? " sabi niya

" Ayoko pa bestfriend eh. Boring sa bahay ! " sabi ko sabay ub-ob ng mukha ko sa mesa.

tapos may binulong siya na hindi ko naman naintindihan. Wierd niya talaga minsan.

" Ha ? " tanong ko sa kanya

" Nevermind. Gusto mo makarinig ng story "  sabi niya

" Basta hindi nakakatakot ah ! " assurance ko sa kanya. Mahirap na noh ? baka kung ano anong katakutan ang ikwento niya sakin . Nakakatakot pa naman ngayon sa Library.

Tumango lang siya at sinimulan ang kwento

Once upon A time. May isang batang lalaki na sinisisi ang ulan sa pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay. One day, pauwi na siya galing school ng biglang umulan. Dahil nga ayaw na ayaw niya ng ulan sumilong muna siya sa pinakamalapit na playground. Dumaan ang ilang minuto na hindi padin tumitila ang ulan kaya napagdisesyunan niya na maglakad lakad muna sa iba nitong parte para hindi siya mabored. Papalapit na siya sa swing ng marinig niya ang isang batang babae na umiiyak. Noong una natakot siya kasi nga akala niya mult-----

" Ahahahaha ! Kalalaking tao duwag pffft Hahahahaha ! " sabi ko sakanya habang pinupunasan ko ang luha ko sa kakatawa.

Sinamaan niya lang ako ng tingin

" Tapos kana ? " irita niyang sabi. Oppsss … Na offend ko ata si bestfriend hahahaha

tumango nalang ako sakanya

As I was saying , Nakarinig siya ng batang babae na umiiyak. Noong una natakot siya kasi baka multo yun . Pero HINDI DUWAG yung batang lalaki kasi pinuntahan niya padin yung batang babae kahit medyo kinakabahan siya at natatakot. Nilapitan niya yung batang babae at umupo sa katabing swing. Doon niya lang napansin na naka uniform din pala ito ng katulad sa school  niya. Magsasalita pa sana yung batang lalaki ng bigla siyang yakapin ng batang babae.

Pagtingin ko sakanya nakangiti siya na para bang damang dama niya yung kwento or nakakarelate siya.

Imbis na itulak niya yung batang babae, niyakap niya din ito pabalik. Parang nawala siya sa katinuan noong niyakap siya ng batang babae. Yung kahit hindi niya ito kilala, ang gaan gaan na ng pakiramdam niya dito. Ilang minuto lang at kumalas na sa yakap yung batang babae. Naalarma naman siya kasi baka isipin ng babae na nag tetake advantage siya. Unti unting inangat ng batang babae yung ulo niya at doon nasilayan ng batang lalaki ang napaka inosenting mukha ng batang yumakap sa kanya kanina . Para siyang angel na bumaba sa lupa para sa kanya. Nagkwentuhan sila sa swing na para bang matagal na silang magkakilala. Nakwento din ng batang babae kung bakit siya umiiyak. Napatawa ang batang lalaki ng malaman niya na ang rason pala ng pag-iyak ng batang babae ay dahil lang sa paulit ulit siyang nagbibilang ng patak ng ulan tapos bigla siyang mawawala sa pagbibilang kaya inuulit niya na naman. Narealize ng batang lalaki na ang sarap kasama ng batang babae at ang gaan gaan talaga ng loob nito sa kanya. Mga ilang oras din silang nag usap hanggang sa tumila yung ulan kaya nagpa alam na ang batang babae sakanya. Simula noon palagi na silang naglalaro at naging magbestfriend sila. Pero isang araw nagising nalang ang batang lalaki na mahal niya na pala yung bestfriend niya . Kaso natatakot siya na baka pag umamin siya sa bestfriend niya, iwasan siya neto or worst hindi na siya makipag kaibigan dito.

tapos biglang lumungkot at naningkit yung mata niya na parang iiyak na. Damamg dama niya ang kwento hmmm …

"Sa tingin mo may pag asa yung batang lalaki sa bestfriend niya? "

Seryoso niyang tanong sakin . Sabay hawak sa dalawa kong kamay

Ano bayan . Nadidistract ako sa pogi niyang mukha >_<

" Harvey ano na ? " medyo irita niyang sabi sakin.

" Pasensya naman hah ! na starstruck sayo eh. " yan sana sng gusto kong sabihin. Pero sympre hindi ko sasabihin yun. Baka mas humangin yung bestfriend ko . Mahirap na !

" Teka lang naman ! nag iisip yung tao eh " pataray kong sabi sa kanya.

" Kunwari kapa. Wala ka namang isip eh " sabi niya sabay irap. Dukutin ko kaya mata neto .

" Bilisan muna " Sabi niya

" Atat much !? Bakit kasi hindi niya subukan diba ? Malay niya hinihintay din siya ng bestfriend niya " Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Natatamaan ako eh. Kasi parang ako yung nasa kwento kaso nga lang babae ako. Na friendzone eh. Ganun talaga haaay ! Tama kayo ng iniisip Mahal ko si Louie pero sympre kagaya ng nasa kwento natatakot ako … na baka pag umamin ako sa kanya mawala siya sakin

" Hmmm.. ganon ? " Sabi niya sabay harap sakin .

Ano bayan ! Nadidistract na naman ako sa mukha niya. Kaasar kasi eh humarap pa. Feeling ko tuloy nag bublush ako.

" Diba sabi mo bakit hindi niya subukan ? " sabi niya

Tumango naman ako.

nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at ang lapad pa ng ngiti niya. Seriously , Ano nasinghot niya ngayon ?

" Tumayo ka nga dyan. Wala akong piso. Mukha kang pulubi "Sabay irap ko sa kanya kahit ang totoo kinikilig na ako.

pero imbis na sundin niya ang sinabi ko bigla niyang hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko. Sheyt lang ! Ang hirap na magpigil ng kilig . Pero kung nagulat ako sa paghawak niya mas nagulat ako sa sinabi nya.

" Pwde ba manligaw ? "

- End

Counting RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon