34: Escaping

23.4K 305 9
                                    







Capítulo 34

: Escaping






Dana's POV








Gulong gulo ako sa pangyayari. Natatakot ako.. Bumabalik lahat ng masasamang alaala ko..





Ang Leuropia...





Ang pagtakas ko..





Ang mga kalunos-lunos na tao..





Ang gera..





Hindi ko mapigilang maluha.





Tulungan nyo ako!








"Dana"Napadilat ako at kaagad na nasilayan si Ellah. "Ayos ka lang ba?"


Umiling ako at patuloy pa ring umiiyak. Ayoko ng ganitong pangyayari. Parang nauulit lang ng bago ako umalis sa Leuropia.


"Thanks but Dana and I need to go." Nabigla ako ng hablutin ni Jhon ang braso ko. "Let's keep this a secret." Sabi niya sa dalawa bago ako tuluyang hilain papalabas.


Mabilis nya akong hinila hanggang makarating kami sa sasakyan niya. Pinaharurot niya yun kaagad.


"S-san tayo pupunta?" Tanong ko.


"Safer place."


"Gusto kong makausap si Papa."


"Mamaya na."


"Jhon!" Napasigaw ako. Hindi ko alam pero naiinis ako sa pagsagot niya sa akin. Walang gana at walang emosyon.


Pumreno siya bigla bago ako tiningnan. Matatalim ang tingin niya.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Madiin niyang tanong.


"Ano bang sinasa--"


"Damn Dana! Stop acting like your innocent!" Nanlaki yung mata niya na.parang may naalala. "I'm sorry...your highness."


"Jhon..."


"From now on things will be changing. Alam ko na Dana.. Ikaw ang prinsesa ng Leuropia."


Hindi ko alam ang sasabihin ko.


"Sorry for treathing you like the way I treath you before. Nagkamali ako. Hindi ko naman alam na ikaw ang prinsesa. Sorry your highness."


"Jhon...sorry.." Gusto ko siyang yakapin. "Patawarin mo ako kung naglihim ako.."


"Naiintindihan ko." Muli niyang pinatakbo ang sasakyan.


Huminto lang kami ng makarating sa farm niya. Sa loob ng bahay pinapasok niya ako sa isang kwarto para magpahinga. Nabanggit nya na rin.na tinawagan na niya si Mirko.


"Salamat." Sabi ko.


"Hindi mo kailangang sabihin yun. Trabaho ko 'to."


Hindi ko naintindihan yung sinabi niya pero kaagad na umalis sya kya hindi ko na siya natanong.


Hindi ako makatulog sa pamamalagi sa kwarto. Nag-aalala ako sa mangyayari sa akin, kina Mirko at sa pamilya niya, at lalong lalo na sa Leuropia.






Napaluha na naman ako. Eto na ang pinakatatakutan ko... Ang maging agresibo ang kalaban sa pagkuha sa akin.








<3





My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon