Capítulo 35: JourneyDana's POV
Kinabig kaagad ako ni Jhon ng makitang may mga lalaking mukhang binabantayan lahat ng papasok sa boarding gate.
Sobrang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba at takot. Nanlalamig ang buong katawan ko at tila baga may napakabikat na bakal sa paa ko.
"Relax. Walang mangyayaring masama." Umakbay sya sa akin.
"Pano kung mahuli nila ako?"
"Hindi mangyayari yun hanggat nandito ako." Napatingin ako sa kaniya. Sa mga sandaling yun naisip ko na siya pa rin si Jhon na mahal ako. "Mas mabuti pang magbago rin tayo ng pano. Magche-check-in muna tayo sa hotel bago ako kumuha ng bagong flight papuntang Macao."
Sinunod ko lang ang plano niya. Ikinagulat ko ng una ang pagpunta namin sa Resort's World. Kahit na ba may sapat kaming pera, masyadong magarbo kung dito kami mamamalagi.
"Mas makakabuti dito. Sa ganitong establishment mas mataas ang security." Paliwanag nya sa akin bago balingan yung front desk officer. "One room."
Nanlaki yung mata ko. "Anong one room?!"
Kinabig nya ako sa bewang papalapit sa kaniya.
Akala ko nakalimutan ko ng huminga. Hindi pumasok sa isip kong magiging ganito kami kalapit sa isa't isa matapos kaming maghiwalay. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mga labi namin.
"We need to pretend. We don't have to be suspicious." Bulong niya.
"Here's your ID and key Sir. Enjoy your stay and have a happy honeymoon."
Kahit gulat ako sa pinagsasabi ng front desk officer, nakakunot din ang noo ko at namumula sa kahihiyan. Anong honeymoon?
"Sabi ko honeymoon natin, hindi naman nanghingi ng katibayan kaya swerte tayo naka-discount tayo ng isang suite room."
Napatawa ako doon pero natigil kagad ng marinig kong tumawa si Jhon. Kaagad ko siyang tiningnan pero itinigil niya lang ang pag tawa. Balik awkward na naman kami.
<3
"Mahal na prinsesa, gising." May kumakalabit sa akin. Hindi ko kaagad naimulat ang mata ko sa sobrang antok. Parang tatlong oras pa lang akong nakakatulog.
"Prinsesa.." Tawag uli sa akin.
Pero nakakaantok pa talaga. Ayokong idilat ang mata ko pero nagising na yung diwa ko sa boses na tumatawag sa akin. Si Jhon yun. Hayy.. Makagising na n-- bakit ang lapit na naman niya sa akin?
"Ah.. Kala ko hindi ka pa magigising. Kailangan na kasi nating umalis. Isang oras na lang, flight na natin." Umalis kaagad siya sa tapat ng mukha ko at tumalikod ng nagkakamot ng ulo.
Bakit ba parang magkakasakit ako sa puso sa kaniya? Minsan pinapatigil nya, minsan pinapabilis. Minsan pinapasaya niya minsan pinalulungkot niya.
Wag ko na nga isipin!
Naligo at gumayak ako kaagad. Handa na naman kaming umalis papuntang airport. Pasalamat na lang kami't walang mga kahina-hinalang taong pwede kaming hulihin at kunin. Sa katunayan nyan bago ako maligo, ginupitan ko ang buhok ko at naglagay ng bangs. Naglagay din ako ng make-up at nagsuot ng mejo pang matanda. Sana walang makakilala sa akin.
<3
Tahimik lang kami sa boong flight. Na miss ko tuloy ang pagiging madaldal niya. Kung kami pa kaya at wala ibang pinoproblema, magiging ganito kaya ka-boring ang byahe?
Pagkarating namin sa Macao, kaagad na sinalubong ako ng malamig na simoy ng hanggin pero wala ito sa lamig sa Leuropia.
Habang papalabas kami, kaagad na nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. May babae kasing may hawak na papel tapos nakasulat yung pangalan namin ni Jhon.
"Tara na." Biglang sulpot ni Jhon sa tagiliran ko. Nakuha na niya yung napakalaking bagpack niya at yung maleta kong halos walang laman.
Naglakad kami at lumapit sa babaeng may hawak ng papel na may pangalan namin.
Napakalaki pa rin talaga ng pagtataka ko. Bakit may tour guide na naghihintay sa amin?
"Para walang makahalata." Bulong niya.
Napatango naman ako sa lagi nyang dahilan.
"Good morning Ma'am..."
"Dana."
"Yes Ma'am Dana. I am Elisa... And you're her younger brother I guess?" Turo niya kay Jhon.
Napahalakhak si Jhon. Sobrang saya nya na kami nitong tourguide nagtataka.
"I'm not her younger brother." Tawa pa rin sya ng tawa. Nakakamiss yun pero hindi ko naman maintindihan kung bakit sya tawa ng tawa. "Mukha ka kasing matanda sa suot mo."
Nag-Tagalog siya. Hindi naman naiintindihan yun ni Elisa kaya malamang sa akin nya sinasabi yun.
Nagkatinginan kami. Yung ngiti nya dahan-dahang nawala. "I'm sorry." Yumuko pa siya sa harap ko.
Napakuyom ako ng kamao. Ayoko ng trato niya sa akin. Ayoko ng ganito siya sa akin.
"Sorry Elisa," Hinarap nya na yung babaeng tourguide namin. "Yes, I'm her brother..but I'm the eldest."
"Oh, my bad." Napansin kong namula si Elisa.
"No worries. Shall we go?"
"Sure."
<3
Gabi na kami ng mag check-in sa isang hotel. Halos nilibot namin yung buong Macao. Eksaherasyon ko lang. Basta pagod ako. Super.
Pero nag-enjoy ako lalo na sa Macao Tower. Sa tingin ko ganoon din si Jhon. Nakita ko kasing pagkapasok namin sa kwarto diretsyo siyang higa sa kama niya habang tinitingnan yung mga kuha niyang picture sa cellphone pero pagkalabas ko ng banyo, tulog na siya.
Para siya batang matulog. Nakahalukipkip na parang baby sa loob ng tiyan ng ina niya. Napakahaba ng mga pilikmata niya. Ang cute din tingnan ng paggalaw ng bibig niya kahit tulog. Naririnig ko rin ang mahinang paghilik niya.
Hindi ko namalayang naluluha na pala ako.
Bakit ganun, sobrang lapit namin ngayon sa isa't isa pero parang ang layo-layo niya?
---<3
Short lang 'to. Dalawang sunod-sunod na kasing mahaba.
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Подростковая литератураJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?