Alupihan

195 22 52
                                    

(Sa mga hindi nakakaalam, ang alupihan ay ang centipede kung tawagin. Ayan! 'Pag English, alam mo. 'Pag Filipino, hindi. Walang pagmamahal sa sariling bayan. Hahaha! Jok lang.)

Umaga no'n. Eh nakagawian ko na sa umaga na jumebs. Routine ko na talaga 'yun bago ako maligo. So, nagkape muna ako. Eh kaso, jebs na jebs na 'ko, hindi ko muna inubos kape tapos takbo agad ng CR. Yeees! Hebeeeen.

Nasa gitna na ako ng konsentrasyon ko nang biglang makaramdam ako ng tila may gumagapang sa binti ko. Hindi ko pinansin. Akala ko kasi may patak ng tubig na dumadaloy lang kasi nabasa ko paa ko. Maya-maya, nagtaka ako, bakit parang pataas? Tapos ayun, kinapa ko. Medyo mahaba at parang may tusok-tusok. Aba syempre! Nagulat ako! Nabato ko 'yung bagay na 'yun. Alam n'yo ba kung ano 'yun? Alam n'yo ba?!! Oo! Tama kayo. ALUPIHAN, mga tsong! Isang medyo mahaba at kumikislot-kislot na alupihan! 'Langya! Napaatras jebs ko do'n! Napatulala ako bigla. Ewan ko nga bakit 'di ako napasigaw eh. Pero grabe! Nagulat ako eh.

Minsan kasing nasabi sa akin ng mama't papa ko na kapag daw nakagat ka no'n, (oo, nakagat daw) pwede kang lagnatin kasi parang may lason 'yun eh. At sa ibang pagkakataon, pwede kang mamatay kung mahina resistensya mo. Yep! That's how lethal that creature is.

Tulala talaga ako. Halos malimutan ko na ngang nakaupo pa ako sa inidoro eh. Nakatingin lang ako sa sahig ng banyo. Ang daming bagay na pumapasok sa isip ko no'n, mga p're! Dami ko pa kayang plano sa buhay! Madami pa akong gagawin. Paano ang pamilya ko? Napakabuti ko pa namang anak. 'Yung magiging pamilya ko? Hindi pa nga 'ata 'ko nagkakalablayp eh. 'Yung mga kaibigan kong ako at ang tumutubong tigyawat ko lang yata ang napapansin? Ay sos! Kadalasan talaga, 'yung mga maliliit pang bagay ang may malaking epekto eh. Hindi ko lang talaga matatanggap na isang alupihan lang ang bubura sa isa sa masasamang damo sa mundo. Madami pa naman akong planong kotongan na mga kaibigan ko. Mwahaha!

Pero isang pang bagay ang pumasok sa isip ko.

Magkakaroon ako ng superpowers.

Ang tagal kong hinintay 'yung gano'n! Matutulad ako kay Spiderman. Pero on the other hand, ano naman kapangyarihan ko? Ano ako? ALUPIHANMAN, Ang Tagapangalaga ng Sangkubetahan?

Baduy. Ang baho. Parang hininga mo. Biro lang.

Pero hindi naman din ako nakagat so, wala nang problema.

~~~~~

(9:05 ng gabi, ika-17 ng Hunyo, Biyernes, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM)

The Philosophies of a CornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon