Chapter 02: THEM????

22 2 0
                                    

Living Together with Mr. Gangster [On-going]

JM's NOTEESSSS:)

 As I promised kagabi mag uupdate po ako pag may time. Hindi ko kasi kayo matiis eh haha... :)

Maya ko nalang iuupdate yung ibang character pag nakapagisip na ako ng magandang names haha..:)

Nasa Gilid nga po pala yung picture ng tatlo ****************

**********************************************************************************************

Chapter 02: THEM????

Gayle's POV

Andito na ako sa loob ng room 301 napagpasyahan ko narin umupo katabi ni Christine kasi sya pa lang naman ang kilala ko dito eh.

Habang hinihintay ko  ang profesor nakipagkwentuhan na lang muna ako kay Tine. Nga pala i decided to call her Tine kakatamad kase pag buo pero hindi ko pa naman alam ang real name nya matanong nga.

 "Ahmm Tine pwede bang magtanong?" sabi ko sa kanya

"Oh sure thing Gayle. What is it?" sabi ni tine with full of elegance on her face.

"Pwede bang malaman ang real name mo kasi ang alam ko lang sayo eh Christine ang name mo eh para naman kahit papano may alam ako diba kase ikaw palang ang kakilala ko dito eh" sabi ko ng tuloy tuloy. hehe :)

"Ahh ganun ba.  Yun lang pala eh. Sabagay hindi pa pala ako nagpapakilala sayo ng totoo. by the way ako nga pala si Christine Marryknoll Salcedo. Actually hindi talaga kami taga rito. I came from states although hindi naman talaga ako full american pero dun narin ako lumaki dahil doon nakabased yung mga business namin pero meron din naman kaming businesses dito talaga lang nandun ung main company namin ano satisfied?"

"Ganun pala grabe ang yaman nyo pala sabagay hindi ka nga rin pala basta basta makakapasok dito kung wala kang pera hindi ba?"

"Ahmm yeah. Ikaw tell me about yourself. As in all, if you dont mind after all we're friends right?"

"Ahh ok. Sige ako naman. Ahhmm ako nga pala si Gayle Michelle Arevalo. Ulila na ako. My parents died when i was five. Kung tatanungin mo kung may Company rin kami its a big NO NO. Isa lang kaming mahirap pero syempre im proud of it kasi dahil sa pagiging mahirap namin naging malakas ako and i can face all challenges na dumadating sa buhay ko. Wala na rin naman kasi akong natitirang kamag anak. Ewan ko ba pero wala naman akong nakilala ni isa so why should i felt bothered."

"Nakakapasok lang naman ako dito dahil scholar ako ni Madam eh tsaka nagtake naman talaga ako ng entrance examination dito and luckily naipasa ko sya. With all my expenses naman, I 've worked sa isang mini karendirya and other stuffs." mahaba kong paliwanag kay Tine. Grabe para akong naluluha habang kinukwento yung tungkol sa buhay ko. Ewan ko ba parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya kahit ngayon pa lang kami magkakilala.

"Wow i admired your fighting spirit Gayle actually gusto ko talagang magkaroon ng friend here kasi im new here lang din naman eh. And im glad na ikaw kagad ang nakilala ko hindi ako nagkamali sa pakikipagkaibigan sayo. By the way sabi mo may tumutulong sayo na makapasok dito sino si Madam?" tanong nya sakin.

"Ahh sya ba hindi ko rin masyadong kilala si Madam basta na lang nya ako tinulungan nung malaman nyang ako ung nag topnotch sa entrance exam. Siguro natuwa sya kasi nagpupursige akong makapasok dito kahit alam ko naman na hindi ko kaya na makapasok dito. Ang alam ko lang sobrang yaman nya talaga tsaka di ko rin alam ang pangalan nya sabi nya lang tawagin ko na lang syang Madam kaya di na ako nagabalang tanungin siya. Kasi yun ung sabi nya sa akin eh."

Living Together with Mr. Gangster [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon