KIDNAPPER#19

38.3K 427 60
                                    

Dedicated for you~ Salamats sa pag basa! :) Lovelovekiss :*

Thank you so much kay @EmperorsEmpress (twitter) Hindi ko alam username mo dito :( Pero salamat ng marami sa pagedit ng picture ;)

Picture at the side, FARRAH&ASHTON :) ------------->

---------------------

FARRAH'S POV:

"Farrah? Are you alright?" H-huh?

"Ah.. O-opo tita.. Medyo masakit lang po talaga ulo ko. Wala pa po kasi akong tulog." Totoo naman. Wala naman talaga akong masyadong tulog. Jusko. Anong oras na ba kami natapos magkwentuhan kagabi ni Ashton?

"Oh. Why dear? You should rest." hinawakan ni Tita Jes yung kamay ko. Ang bait bait niya talaga. "Take a sleep after we eat okay? Mamaya magkasakit ka pa." Tumango na lang ako bilang sagot.

Nandito kasi kami sa may Garden. Nandito kasi yung catering. Lahat nagsama-sama. Pero hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Ashton. Baka tulog pa. Baliw kasi eh.

 "Ehem. Ehem.." Napatingin naman ako kay Crystal.

"Hey, are you okay?" Tanong ko sakanya. Pero hindi niya ko sinasagot. Nakatitig lang siya sa may mini stage.. 

"Ang.. gwapo.." Bulong niya. Huh?

Napalingon naman ako sa tinutukoy niya.. Sino ba - - - - - - - - 

"Good morning everyone."

Si..si Ashton.. He looks.. Stunning..

"Good morning sir!" Sagot ng lahat. May sumigaw pa nang, 'Sir ang gwapo mo!' Narinig ko namang tumawa si Tita Jessie. Kaya napalingon ako sakanya.

"Look what you did to him Farrah. He really looked better." Napangiti na lang ako. Ako ba talaga dahilan niyan?

"Magkwento ka naman kasi Friend. Masyado kang palatago. Naiiwan tuloy kaming clueless ni Tita. Napaka'unfair." Pagmamaktol ni Crystal.

"Aba. Makapagreklamo akala mo hindi rin nagtatago. May Brando ka ngang hindi pinapakilala sakin eh." Namula nanaman yung mukha niya pagbanggit ko sa pangalan ni Brando. Haynako. Sumasakit lang lalo ulo ko dito eh.

"Hey, stop arguing. The prince is coming~" Kinanta pa ni Tita yung 'coming'. Mga baliw na po talaga sila.

Napatingin naman ako nang umupo sa tabi ko si Ashton. Whoa. He really look so handsome right now, mas lalo na pag malapitan.

"Good morning." Binigyan naman niya ko ng nakakalusaw na ngiti. eh kung ganito ba naman lagi kong makikita eh.

"Good morning din." simpleng sagot ko.

Napahawak naman ako sa sentido ko. Pumipintig nanaman kasi yung sakit.

I'm His Sexy Kidnapper(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon