Hindi na muna ako dumiretso sa office ko. Pumasok ako sa office ni Andrew na nakaharap lang sa laptop niya.
"Pare." tawag ko sa kanya.
"Oh? Napadaan ka pare." ani niya pero nasa laptop pa rin ang tingin niya.
"Ano ba yang ginagawa mo?"
"Wala." lumapit ako sa kanya at bigla niya namang sinara ang laptop niya pero nakita ko na ang tinatago niya.
"Si Thea?" tinitingnan niya ang mga pictures ni Thea na bestfriend namin. Sumasidelines kasi siya bilang model kahit ang yaman yaman ng parents niya.
"Namimiss ko na pare. Kailan niya kaya ako patatawarin? Tulungan mo naman ako pare oh." tumawag yun sakin kahapon pero hindi ko na sasabihin dahil ayokong maipit sa kanilang dalawa ni Thea. Hindi ko naman siya masisisi dahil ganyan ang nagagawa ng pag.ibig. Ginagawang tanga ang mga tao.
"Lakas ng tama mo ah?"
"Oo pare nalintikan na ako ng pag.ibig. Hindi naman ako makapunta sa Paris si dad kasi. Hanggang ngayon pare nakafreze pa rin ang mga card ko. Tindi niyang magalit kausapin mo naman si dad pare."
"Problema mo na yan Andrew kaya labas na ako dyan. Sa susunod maglasing ka ulit tapos lahat ng kotse banggain mo." sumandal ako sa desk niya. Parang may mali, hindi ako mapakali. Bakit kaya?
"Huwag na baka patayin niya na ako niyan."
Ang laki ng binayaran ni tiyo dahil sa kagagawan ni Andrew kaya bilang parusa hinold lahat ang card niya at pinatalsik sa kompanya kaya nandito siya sa Pilipinas at nagtatrabaho siya sa kompanya ko para may magkapera siya pangpabayad ng condo niya. Bilin sakin ni tito na hayaan ko daw siya na magtrabaho para malaman na hindi madali ang humanap ng pera.
"Maiba tayo pare. Bakit ka nga pala nagpalabas ng bagong memorandum? Alam mo pare nagdududa na ako sayo. Ano naman ang kinalaman ng sapatos na ganon sa kompanya at pinagbawal mo rin ang perfume na sarili ng kompanya. Pare tanong ko lang, bakla ka ba?" sabi na nga ba iba ang iisipon nila sa pinalabas kong memo.
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ko. Kung alam niya lang kung ano ang ginawa ng babae na may ganoong pabango at kung bakit ko pinagbabawal ang ganoong sapatos, ganoong lang namang sapatos ang pinangbato sakin ng bwisit na babaeng yun! Napagkamalan pa tuloy akong bading pero mas okay na yun sakin kaysa malaman niya ang dahilan pagtatawanan niya lang naman ako at pagpipyestahan ng mga kaibigan ko dahil siguradong pagsasabi ni Andrew ang tungkol dun once na malaman niya.
"Hanggang kailan ka dito?"
"Pare huwag mo naman akong paalisin dito. Masyado ka namang pikon. Sige na binabawi ko na ang sinabi ko. Tunay ka namang lalaki Xander. Ayokong mapalayas sa condo ko baka marape ako kapag sa kalsada ako matulog."
"Lakas din ng tingin mo sa itsura mo pero hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi mo kanina." naglakad ako papunta sa glass wall. Kanina pa ako hindi mapakali kaya sumilip ako sa labas at hindi maganda ang nahagip ng mga mata ko,
sa H.R office na kaharap ng office ni Andrew. Hindi ako nagkakamali siya nga yun."Nakikinig ka ba Xander?" tawag pansin niya sakin. "Kanina pa ako dito salita ng salita hindi ka naman pala nakikinig. Ano ba kasing tinitingnan mo dyan?"
"Wala." nilagpasan ko siya at lumabas sa office niya. Dumaan ako ng dahan.dahan sa h.r office para siguraduhin kong siya nga yun. Confirmado. Kapag nga naman sinuswerte.
"Humanda ka sakin!" nagpatuloy na akong maglakad at sumakay sa elevator papuntang office ko para maisakatuparan ang plano ko. Hindi pa ako nakakaupo kinuha ko agad ang telepeno para tawagan ang nag.interview sa kanya. After some ring he answered the call.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...