Lory Pov!Napagod pa ako hindi rin lang naman ako natanggap. Hingal na hingal akong bumalik sa kotse ko at alam niyo kung bakit? Galing third floor ng kompanyang yun bumaba ako gamit ang hagdan dahil ayokong gumamit ng elevator alam niyo rin ba kung bakit? dahil baka katapusan na ng buhay ko kung sumakay ako ng elevator. Tinapon ko ang bag ko sa katabing upuan ng kotse ko at sinimulan ko ng magmaneho.
Hinding.hindi na ako magaapply ng trabaho kahit kailan. Ipamukha ba naman sakin ng interviewer kung gaano ako kabobo. Hindi daw ako pwedeng ipasa dahil hindi sila tumatanggap ng ganoong kabababang grades.
"Bwisit na interviewer yun! Akala mo naman kung napakasikat na kompanya ni hindi ko nga kilala ang kompanya nila."
Pinaarangkada ko na ang kotse ko para makauwi na ako at makapagmukmok sa kwarto. Kahapon isa lang ang ikinalulungkot ko tapos nadadagdagan pa. Ngayon dalawa na ang dahilan ng pagmomokmok ko kaya mukhang magdamag akong iiyak mamaya.
Pinarada ko na ang kotse ko sa harap ng bahay at nandoon na si mom at dad sa living room pagpasok ko ng bahay. Ang aga naman ata nila. Mukhang kakarating palang din nila dahil hindi pa sila nakakapagbihis
"You're here." sabi ni mom ng nakangiti katabi ni dad na kagaya niya parang sabik na sabik na malaman ang resulta ng paghahanap ko ng trabaho. Ngayon ko lang naisip na napakaswerte ko sa parents ko pero sila napakamalas nila sakin. Naiiyak na naman tuloy ako.
"Ang aga niyo po ata?" usually kasi seven or eigth na sila umuuwi ngayon lang sila maaga nakauwi.
"Umuwi talaga kami ng maaga para sayo. Kumusta ang lakad mo princess?" tanong ni dad.
Sana pala ipinagpaliban ko muna ang balak kong umiyak. Sana hindi na muna ako umuwi. Sana naghanap pa ako ng ibang hiring na kompanya o kahit hindi na kahit karinderya sana o tagabantay ng tindahan sa palengke basta natanggap ako para hindi sila madissapoint sakin kagaya ng palaging kong ginagawa. Mukhang hindi ko na mapipigilan ang luha ko. Tumayo sila palapit sakin.
"Nagkita kayo ni Mike? Bakit ka umiiyak?" tanong ni mom. Niyakap niya ako pero hindi naman yun ang iniiyakan ko.
"Kasi..."
Biglang tumunog ang cellphone ko. Istorbo! Kita ng nagdadrama ako. Hinanap ko ito sa loob ng bag at sinagot ang tawag galing sa unknown number.
"Hello?"
"Good Morning. I'm calling for Miss Lory Briones."
"Si Lory po ito."
"Miss Briones this is James Delcrus from THE GOOD WILL COMPANY I just want to inform you that you passed the interview a while ago and you can start tomorrow morning at exactly 8 a.m."
Hindi ako makapagsalita dahil sa narining ko. Nagtataka naman sila ng hindi ako kumikibo.
"Miss Lory are you still there?"
"Op..opo, opo."
"And by the way I'm sorry about what happened during the interview and about the result."
"It's okay Mr.Delcrus."
"So see you tomorrow Miss Lory?"
"Yes sir and thank you so much sir."
"Good bye Miss Briones."
Naputol na ang linya pero hindi pa rin ako makapaniwala.
"Anak are you alright?"
"Yes dad. Ang saya ko po. Nakapasa ako, nakapasa ako sa interview at magsisimula na ako bukas." sigaw ko pero napatigil ako sa kakasigaw ng wala silang reaksyon sa sinabi ko. "Hindi po ba kayo masaya?" nagkatinginan sila.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...