Chapter 9

2.2K 56 15
                                    


Alexander pov!

Bwisit na babae to! Humanda ka sakin! Pero hindi pa ngayon. Nagsimula ng magmaneho si Robert kaya kinuha ko na ang research na galing sa investigator ko dahil hindi naman malayo ang pupuntahan namin.

"We're going to meet Mr. Chalinger later and I want you to memorize all the details that I am going to say."

"Bakit?"

"Would you shut up first?" lintik talagang babae to!

"Okay."

"I don't want you to open your mouth unless I'm done. Do I make myself clear?"

"Yes."

"Mr. Klintone Chalinger is half filipino and half American and supposed to be we will meet his father but his father is out of the country for another business meeting kaya yung anak niya ang imemeet natin and according sa source ko mahirap maclose ang deal niya kapag lalaki ang kausap niya at kabaliktaran naman kapag babae kaya malaking possibility na ikaw ang pipiliin niya na makipag.usap sa kanya kaysa sakin na kadalasan niyang ginagawa that's why you need to memorize all the details even the single one. Do you get my point?"

"Oo, pero pwedeng magtanong?"

"Ano na naman?!"

"Sungit naman. Magtatanong lang."

May gana pa talaga siyang ngusuan ako ha? Mukhang hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko siya mapapatay.

"Ano yang walang kwentang tanong mo?"

"Ano nga ulit yung mga sinabi mo? Hindi ko kasi matandaan."

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Hindi ko alam kung binubwisit niya ako o sadyang walang laman ang utak niya.

"BWISIT! Akala ko ba naintindihan mo? Tungkol pa lang yun kay Mr. Chalinger pero hindi mo matandaan paano pa kaya kung tungkol na sa product ng kompanya ang idisscuss ko sayo!"

Bigla siyang napausog sa may bintana ng sumigaw ako. Sino ba naman kasi ang hindi sasakit ang ulo kapag ganito kabobo ang kausap mo? Tiningnan ko siya ng masama at mukhang effective naman dahil yumuko siya na parang maamong tuta.

"Sorry na. Kapag kasi sinabi ko na hindi ko naintindihan ang mga sinabi mo magagalit ka kaya sinabi kong oo."

"Sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako sayo!"

"Sorry na kasi. Sabihin mo ulit ang information tungkol kay Mr Chalinger."

"Lintik! Basahin mo ito at isaulo mo kung hindi mapipilitan akong tanggalin ka mamaya." tinapon ko sa kanya ang binabasa ko kanina. "Sinasayang ko lang ang oras ko sayo."

Kinuha niya naman ito. Himala ata hindi siya nagreklamo. Naramdaman ko na lang na huminto na ang kotse ibig sabihin nakarating na kami. Tiningnan niya ako na parang may gustong sabihin.

"Anong tinitingin.tingin mo?"

"Kasi hindi ko pa nababasa lahat ng detalye sir."

Sir? Buti naman alam niya kung ano ang posisyon niya..

"Problema mo yan kaya ikaw ang humanap ng solusyon."

Binuksan niya ang bag niya at may kinuha sa loob. Isang headset?

"First time ko pa lang naman kaya..."

"What?"

"Pwede bang habang kinakausap ko si Sir Klintone.... pwede bang tawagan niyo ako para alam ko kung anong isasagot ko kapag may mga tanong siya na hindi ko alam.. kung pwede lang naman."

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon