My first Surprise.

6 0 0
                                    

Dumaan ang ilang mga bwan wala pa naman tayo naging problema at take note stay strong tayo! Ito yung time ng bakasyon. Nung last na kita natin nung birthday ko. Kung saan nasurpresa ako kasi that time bumisita ako sa taguig. At wala akong idea na magkikita tayo non! Plinano ni ate lahat pareho tayong walang alam. FLASHBACK! Nung nakita kita that time nagulat talaga ako galing ka ng trabaho nun. Nagstay tayo sa taguig kasama si ate ng 3 days and 2 Nights. Ang saya ko nun. Kasi kasama kita naalala ko nga nung unang gabi nagalit ka sakin kasi di kita sinamahan kayaa bumawi naman ako kinagabihan sinamahan kita. Kasi well trusted ka naman na lalaki kaya wala akong takot na naramdaman. END OF FLASHBACK!  Bakasyon na nga yung mga kaibigan ko papunta ngayon sa batangas para mag swimming inaaya nila ako na sumama pero ayaw ko. Kasi nga ang totoo tinatamad ako bago palang sila umalis sinabihan na nila ako. Nung nagkausap tayo naikwento ko sayo ang tungkol dun sabi mo bat di ako sumama dapat daw sumama ako sabi ko wala na ngayon na alis nila. Sabi mo sakin sumunod nalang ako. E dahil di ako marunong pumunta magisa sabi ko wag na di ko alam papunta dyan. Tapos nagulat ako kasi nagalit ka sabi mo BAKIT DI MO KAYA? PAANO NALANG PAG NAGKASAKIT AKO HINDI MO PARIN KAKAYANIN MAGISA. Sabi ko naman HINDI KA NAMAN SIGURO SAKITIN DIBA? Nagbibiro pa ako that time pero ikaw seryoso ka pala magkausap tayo nun sa cellphone. Ang huling sabi mo nalang KUNG AYAW MONG PUMUNTA WAG KANG PUMUNTA BAHALA KA. Magsasalita na sana ako ng bigla mong patayin ang tawag. Tinatawagan at tinetext kita pero di mo sinasagot itinanong ko kay ate kung bakit di ka nasagot sa mga tawag at text ko sabi ni ate galit ka nga daw dahil di man lang kita mapuntahan dyan ng magisa tapos kinwento ko kay ate ang nangyari sabi ko ASAN BA SYA NGAYON? sabi ni ate ITO KUMAKANTA SA VIDEOKE. Sabi ko naman HAHAHA GALIT BA YAN KUMAKANTA PA. Sabi ni ate AY OO. KANINA KA PA KINEKWENTO SA AKIN SABI NYA TANG INIS YAN ATE DI MAN LANG AKO MAPUNTAHAN NI ( pangalan ko ) DITO! MISS NA MISS KO NA SYA! Sa kabilang linya naman di ako nakapagsalita sabi ko nalang TALAGA? Sabi ni ate OO ALAM MO KUNG ANO KINAKANTA NYA? Sabi ko naman ANO? Sabi ni ate HANGGANG KAILAN. Sabi ko naman HAHAHAHA BALIW NA BA YAN? sabi ni ate UMUWI KA NA KASI! sabi ko ATE PAKINIG NGA NG KANTA narinig ko naman at parang nakukunsensya ako sinabi ko nalang sa huli na ATE UUWI AKO PERO SECRET LANG DAPAT SOSORPRESAHIN KO SYA HA. sabi naman ni ate OKAY SIGEE. MAGAYOS KA NA TEXT TEXT NALANG.BYE. Pagkatapos ng tawag nagayos na ako! Natatakot talaga ako bumyahe pero dahil mahal kita kinaya ko. Nagdahilan ulit ako kay mama na may gagawin sa school at salamat binigyan pa ako ni lola ng pera sa byahe puro pagdarasal ang ginawa ko. Nagpatulong ako kay ate sa mga sasakyan at finally nasa bayan na ako halos 8 hrs din byahe mula sa bulacan, nag jeep ako pa punta sa inyo at dahil madilim na at hindi ko maalala ang babaan lumagpas pa ako! Mabuti nalang at mabait yung driver binalik ako dun. Nasa kanto na ako ngayon hinihintay ko si ate ilang minuto lang nakita ko na sya. Habang naglalakad kami nakasalubong namin ang mga tropa mo. At nagtago ako. Nung malapit na kami sa bahay tinawagan kita. At buti sinagot mo na at ang sabi mo BAKIT? Sabi ko WALA MISS LANG KITA sabi mo naman MISS? DI AKO NANINIWALA! Sabi ko HAHAHA OO KAYA ASAN KA? Sabi mo WALA SA BAHAY LANG! Sabi ko O BAKIT ANDYAN KA SABI NI ATE MAY HANDAAN DYAN HA. Sabi mo WALA AKO SA MOOD! ASAN KA BA? Sabi ko PAUWI NG BAHAY MAY PINUNTAHAN KAMI NI MAMA tapos sabi mo KAYA PALA! sabi ko naman GALIT KA BA? SORRY NA ILOVEYOU NA! sabi mo naman GE! Sabi ko SUS TAMPO SIGE NA MAMAYA NA AKO TATAWAG PASAKAY NA KAMI NG TRICYCLE WAG MO AKONG MAMISS HA! sabi mo GE BYE! MATUTULOG NA AKO! Sabay baba mo sa tawag. At napatunayan kong galit ka nga. Mga ilang minuto nasa labas na kami ng bahay nyo hinanap kita sa inay sabi nya andun sa kwarto tulog pagkaturo ng inay pinuntahan agad kita at tulog ka nga maya maya humiga ako sa tagiliran mo tapos sabay sabing HAYYYY! pero nakapikit ka parin kaya kiniss nalang kita sa pisnge at napamulat ka sabay sabi ko na SURPRISE BABY ILOVEYOU. Nagulat ka naman at bumangon sabi mo BAKIT KA NANDITO sabi ko BAKIT AYAW MO BA? SIGE NA ALIS NA AKO. patayo na ako ng bigla mo akong hinatak sabay kiss sa lips. At sinabi mo na IKAW TALAGA PASAWAY KA! BAKIT NAGPAGABI KA! AT TSAKA SABI MO DI KA PUPUNTA DAHIL DI MO KAYANG BUMYAHE MAGISA? ang nasabi ko nalang sayo DAHIL SA SOBRANG PAGMAMAHAL KO SAYO KINAKAYA KO ANG LAHAT. ang huli mo namang sinabi ay NAKO ANG BABY KO TALAGA ANG SWEET KAYA MAHAL NA MAHAL KITA E PLUS MISS NA MISS PA KITA sabay yakap.

My Love Story ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon