2nd Christmas.

6 0 0
                                    

Last christmas magkasama tayo kasi diba remember 23 sabay tayong umuwi sa inyo then naging mag girlfriend boyfriend tayo ng 24? Tapos ayun pasko na. Pero ngayong pasko magkalayo tayo ako nasa bulacan ikaw sa batangas parehong B ang initial pero napaka magkabilang mundo talaga. Pero gaya ng lagi kong sinasabi na kahit magkalayo man tayo magkadikit naman ang puso natin. Medyo korni nga pero dahil mahal mo ako naappreciate mo yun. Syempre bago pa man magpasko may anniversary muna kasi 24 diba HAPPY 1 YEAR OF LOVE. Pero dahil magkalayo tayo sa text lang tayo nagbatian ang sad. Pero wala namang magagawa diba? Tapos kinabukasan nga pasko na, nakakainis ka kasi di mo manlang ako matext! Halos magdrama na ako sa text para replayan mo pero wala padin nagalit talaga ako sayo nun pakiramdam ko hindi mo na ako mahal kasi nga balewala na ako sayo at sa ka - OA yan ko may iyak iyak pa akong nalalaman yung iniwan peg lang ayun tapos lagi kong sinasabi na kahit magtext ka o tumawag di na kita papansinin bahala ka na sa buhay mo kahit na alam ko sa sarili ko na di ko naman talaga kaya tapos habang nagmumukmok ako slash nag eemote bigla kang tumawag. Tapos ako naman si tanga kinain ko lahat ng sinabi ko kasi sa kakamadali ko hindi ko nasagot  tawag mo muntikan pa akong masubsob at tsaka alam ko na agad na ikaw na ang tumatawag kasi iba ringtone mo pag tumatawag ka sakin yung kay john lloyd na BEBE KO' ayun kaya alam ko na' tapos ayun sa pangalawang tawag na nga sinagot ko na sabi ko HELLO! pasigaw kong sabi sabi mo naman HI BABY. KAKAGISING KO LANG GALIT NANAMAN ANG BABY KO. Sabi ko maman TSE! PAANO NUNG ISANG TAON PA AKO NAGHIHINTAY SA TEXT MO! Sabi mo naman BABY NAMAN E. KAKAGISING KO LANG DIBA? Sabi ko naman ANONG ORAS NA 10:37 NA KAYA! sabi mo BABY DIBA MAGDAMAG TAYONG MAGKAUSAP KAGABI INABOT NA NGA TAYO NG 3 NG UMAGA? SINALUBONG NA NATIN ANG PASKO NG MAGKAUSAP, Tapos ako naman speechless kasi totoo lahat ng sinabi mo. ang nasabi ko nalang SOOORRRYYY BABYYYY. sabi mo naman IKAW LAGI KA NALANG GANYAN LAGING NAGAGALIT SAKIN PARA BANG LAGI AKONG MAY KASALANAN! Sabi mo sakin na parang naiinis ka na din sabi ko naman E KASI BABY KALA KO BALEWALA NA AKO SAYO. sabi mo GANYAN PALA INIISIP MO BAKIT SA TINGIN MO BINABALEWALA KITA! Sabi ko OO PARANG GANUN NA NGA! Sabi mo GANUN! SIGE TSAKA MO NA AKO TAWAGAN PAG MAY TIWALA KA NA SAKIN BYE! sabay call ended. Ako naman di ko pinansin at binato ko cp ko sa kama. Then nagisip ako kung sino ba talaga ang mali. At napagtanto ko na mali ako kaya tinawagan agad kita dinadial kita kaso naka 2 times na ako wala padin. Nung pangatlo finally nasagot mo na din! Bigla agad akong nagsalita sabi ko BABY SORRY TALAGA KUNG BALIW AKONG MAGISIP LAGI SAYO LAGI NALANG MAINIT ULO KO. MAHAL NA MAHAL NAMAN TALAGA KITA. Tapos sabi mo UNA SA LAHAT BABY BAGO MO SABIHING MAHAL MO AKO DAPAT MAY TIWALA KA MUNA SAKIN KASO ANONG INIISIP MO NA BINABALEWALA KITA? Sabi ko KAYA NGA BABY SORRY. KALA KO KASI PINAGPALIT MO NA AKO SA IBA. sabi mo naman ITONG BABAE NA TO ANG TABA NG UTAK BAKIT KO NAMAN IPAGPAPALIT ANG PANGO KONG GIRLFRIEND SA IBA. Sabi ko naman NAKO NANANAHIMIK NA ANG ILONG KO PINAPANSIN MO PADIN' tapos sabi mo JOKE LANG NAMAN BABY IKAW KASI EH NABABALIW KA NA. Sabi ko naman MAS BALIW KA. Sabi mo OO BALIW SAYO! Sabi ko HAHA DI NAKAKAKILIG! Pero deep inside mababaliw na ako sa kilig sabi mo naman SUS KILALA KO NA ANG BABY KO. BASTA BABY HA WAG KA NG MAGIISIP NG GANUN HA LAGI MONG TATANDAAN NA MALAYO MAN TAYO SA ISAT-ISA IKAW LANG ANG NAGIISA SA PUSO KO. Pagkasabi mo nun napindot ko kaya namatay! Tatawagan na ulit sana kita kaso tinawagan mo na ako sabi mo OH WAG MONG SABIHING DI KA PA KINILIG NON NAPATAY MO NA NGA. Sabi ko naman SO PINAKILIG MO LANG TALAGA AKO! sabi mo OO AT SYEMPRE TOTOO YUN! GALING SA PUSO KO YON! Sabi ko nalang OO NA NGA KINILIG NA HAHAHA! ILOVEYOU BABY sabi mo naman ILOVEYOUTOO BABY KISS MO KO? Sabi ko PAANO MALAYO KA sabi mo naman DITO SA PHONE! sabi ko naman ANDAMI MONG ALAM SIGE NA NGA! MUAHH MUAHH MUAHH. Tapos ikaw naman MUAHH MUAHH MUAHH. WEW ANDAMI NUN HA! SALAMAT NAMIS TULOY KITA sabi ko naman HAHAHA MADAMI NA BA YUN IMISSYOU TOO. Sabi mo OPO! BABY MAY PUPUNTAHAN SANA AKO SA BAHAY NG TROPA KO? Sabi ko naman SINONG TROPA? Sabi mo naman BABY LALAKI YUN HA. Sabi ko naman AH OKAY LALAKI PALA SIGE PAYAG NA AKO BASTA MAGIINGAT KA! MAMAYANG GABI NA TAYO MAGUSAP. sabi mo BAKIT GABI? TEXT NALANG TAYO. Sabi ko naman PACUT NA KASI UNLI KO tapos sabi mo EDI PAPALOADAN KITA NGAYON PACUT NA DIN AKO MAGLOLOAD DIN AKO. SIGE NA BABY BYE NA. sabi ko naman OKAY SIGE BABY MAGIINGAT KA LAGI HA! THANKYOU. ILOVEYOU sabi mo naman OPO BABY KO MAGIINGAT AKO LAGI PARA SAYO. ILOVEYOUTOO. Tapos namatay na ng tuluyan ang tawag. Kinagabihan naman ay nagusap ulit tayo at gaya ng dati inabot nanaman tayo ng madaling araw.

My Love Story ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon