February na ngayon pero di mo parin binabawi ang sinabi mo pero last time na paguusap natin may kutob na ako na makikipagbalikan ka kasi wala din naman naguusap padin tayo na parang tayo pero hindi. Habang nagiisip ako biglang tumawag sakin ang kapatid mo tinanong nya ako kung nag break nga daw tayo sabi ko OO sabi naman nya HALA? BAKIT? sabi ko naman EWAN KO DUN BAKA MAY IBA! Sabi naman nya HAY NAKO AYOKO SA IBA! PAG MAY DINALANG IBA DAW YUN DITO SA BAHAY DI KAMI NAPAYAG NG INAY. KAKAUSAPIN KA DAW NG INAY sa kabilang linya naman biglang nagsalita ang inay sabi nya INENG PUMARINE KA SA 13 AT BIRTHDAY NG IYONG TATAY HA. sabi ko naman HALA INAY WALA NAMAN NA PO KAMI NG INYONG ANAK NAKAKAHIYA NAMANG PUMUNTA PA PO AKO DYAN sabi naman nya YAEN NA AKO NAMAN ANG NAGPAPUNTA BASTA AASAHAN KITA HA. pagkakasabi ng kapatid mo namatay na ang tawag. Napasigaw nalang ako ng PATAYYY! tapos kinwento ko sa pinsan ko yung paguusap namin tapos isa lang ang sinabi ng pinsan ko ATE AYUN NA YUNG CHANCE MO PARA MAKITA SYA AT MAKAUSAP NG PERSONAL. Kaya kinagabihan tinawagan kita napagusapan natin yung sinabi ng inay inaya kita na magsabay tayo sa paguwi nung una ayaw mo kasi siguro ayaw mo akong makita. Baka mabawi mo ang nasabi mo pero dahilsa kakulitan ko napapayag na kita. Lumipas ang araw at dumating ang araw ng pagkikita feb 12! Dahil sa pagaalala ni lola sinamahan nya ako sa tagpuan natin sa alabang. Hahaha. Oo sinamahan ako ni lola kaya nakilala ka nya halos 5 years ayyy 5 hours kang nagantay ng makarating kami dun kinausap ka ni lola. After nun umuwi na si lola. Nung tayong dalawa nalang walang imikan parang galit ka kasi antagal mong naghintay kaya nag sorry lang ako sayo. Di ka na umimik kaya tuloy nalang ako sa paglalakad maya maya may lumapit sakin na barker byaheng bicol. Tinanong ako sabi nya MISS PABICOL KA? sabi ko naman HINDI tapos kinukulit padin ako pero di ko na pinansin maya maya hinawakan mo bigla yung kamay ko tapos sabay sabi mo PABATANGAS KAMI BAKIT at take note pasigaw yun ha. Kaya hinatak na kita baka magkagulo pa. Sa bus naman nakaupo lang tayo pero hawak mo padin ang kamay ko. Walang imikan tapos maya maya binitawan mo kamay ko at niyakap ako tuwa naman ako syempre tas sabi ko ANO TO? sabi mo WALA BAKIT? MASAMA? sabi ko naman HINDI NAMAN. sabi mo naman IKAW NGA UNANG HUMAWAK SA KAMAY KO sabi ko naman AYOS AKO PALA HA EDI WAG. Sabay bitaw ko sabi mo naman sakin JOKE LANG NAMAN Sabay yakap at hawak ng kamay sakin hanggang sa makarating tayo sa babaan magkayakap ka parin tayo pero ang inaantay ko talaga ay kiss. Para mapatunayan ko talagang mahal mo parin ako. Pero wala! Tapos nun syempre ako asado padin. Pagkababa natin sa bayan. Nagpasundo tayo sa mga connections mo! Oo muntik ka na kasing tumakbo ng presidente ng batangas. Moving on' may dumating namang tricycle sa loob tayo nakaupo no more touchy moment like yakap at hawak kamay. Nawawalan na nga ako ng pagasa pero pero pero! Nagulat ako ng bigla mo na akong hinalikan sabay sabi ng NAMISS KITA BABY ako naman kilig to the max na ako' tapos kinis narin kita para kwits. Parang fairytale talaga that time! Sa kadiliman ng gabi nagliwanag yun dahil sa pagmamahalan siguro natin oh diba lakas kong mangarap! Pero totoo talaga yun. Ng makarating naman tayo sa bahay nyo nagpahinga agad tayo together' tapos kinabukasan pagkamulat ko ng mga mata ko ikaw agad ang nakita mo. Tapos bigla mo aga ako tinanong kung pwede ba ulit maging tayo bago naman ako sumagot ngumiti muna ako sabay sabi ko naman na OO NAMAN HINDI NAMAN AKO SUMUKO SAYO ALAM KO NAMANG BABALIK KA. Sabi mo naman SYEMPRE ALAM MO SIGURO NA MAHAL NA MAHAL KITA sabi ko naman ABA'Y OO ALAM NA ALAM KO BABY. PERO SANA SA SUSUNOD WAG MO NA AKONG IIWAN DI MO ALAM KUNG ANO ANG PAKIRAMDAM KO. Sabi mo MAGULO LANG ISIP KO NUN BABY SORRY TALAGA AT THANKYOU KASI DI KA NAGSAWA. Sabi ko naman HINDING HINDI TALAGA AKO MAGSASAWA DAHIL MAHAL KITA BABY. Ang huli mong sinabi naman ay MAS MAHAL KITA BABY sabay yakap at halik sa noo. Feb 14 naman nag date tayo together nagsimba at kumain lang tayo. Nakapormatiks tayo naka black tayo tapos nakamotor! Perfect talaga ang araw pag magkasama tayo sana maulit pa ulit.
BINABASA MO ANG
My Love Story ❤️
RandomI just want to share my feelings by making this thing ✌️ sana magustuhan nyo first time ko tong gagawin. Hahaha. Medyo kinikilig pa nga ako habang ginagawa ko to! Kapag nagustuhan nyo THANKYOU pag hindi THANKYOU padin Basta this is it!