Christmas & New Year Together.

2 0 0
                                    

At dahil alam nating dalawa na walang forever magkasama nanaman nating sinalubong ang pasko at bagong taon. Ako kasi pinangako ko talaga sa sarili ko na kailangang makasama kita sa pasko at bagong taon kasi nga alam mo naman ang plano ko sa buhay moving on. 23 palang ata magkasama na tayo. Para mas maging exciting ang kinabukasan which is 24 may ojt pa ako nung mga panahon na yon pero dahil mahal kita at alam kong kaya ko namang ihandle ang lahat pinush ko padin na makasama ka. Nung unang pasko na naging tayo magkasama nating sinalubong yun at masaya tayo nun sobra. Ikalawa ay magkalayo naman tayo at di nabigyan ng chance na makapagusap ng matino kaya medyo nagaway tayo nun pero di naman nagtagal yon at ngayon ayan magkasama nanaman tayo. Maraming naging plano at naging makabuluhan naman ang pasko at bagong taon. Simulan natin nung pasko. Kada pasko sa inyo nagkakaroom ng para bang christmass party kung saan halos lahat ng taga sa inyo ay masayang nagtitipon tipon maraming activities na talaga namang nakakatuwa at nawili naman ako sa panonood. Lets move on sa nung bagong taon. Bago pa man mag 12am e di kita kasama kasi nga busy ka sa mga tropa mo pero nagalit ako sayo tinext kita at ang sabi ko kapag di ka nakarating bago mag 12 isang taon mo akong pinagintay pero so sweet to see you running papunta sa bahay. Saktong nagkadikit tayo ay nag 12 na at ayun ang gaganda ng fireworks yung pakiramdam ko na sana di na matapos ang oras na yun kasi kasama kita. Masayang masaya tayong habang pinagmamasdan ang fireworks ng magkayakap. Ilang saglit pa ay nagsalita ang isa satin at ikaw yun sinabihan mo ako ng "Baby Happy New Year Mahal na Mahal kita" sabay sa paghalik sakin at syempre bago ako nakasagot ngumiti muna ako, speechless ako nun kasi oveload yung kilig na naramdaman ko nun e. And after kilig moment nagsalita naman ako "Baby masaya ako na dahil nakasama kita sobrang nagpapasalamat ako kasi tayo pading dalawa at alam kong tatagal pa tayo Happy New Year din baby at lagi mong din tatandaan na Mahal na Mahal din kita" kasabay ng paghalik ko sayo at pagyakap. Matapos ang not so long message pero meaningful naman pumasok na tayo sa bahay para kumain na. After nun nagpaalam ka na aalis ka muna para makiparty sa mga pinsan mo at pumayag naman ako syempre hindi ko naman balak na maging hadlang sa kaligayahan mo, pagkaalis mo naman pumasok na ako sa kwarto para maglinis at mahiga na para na rin makapagpahinga hanbang nakahiga ako iniisip ko kung ano kaya mga pinaggagawa mo sa buhay dun sa bahay ng mga pinsan mo akalain mo yun saglit na oras pero namimiss kita ng sobra.

My Love Story ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon