Its start with simpleng biruan na nauwi sa laban ng katapangan oo tama ganyang ganyan yung nangyari nung mga panahon na may lakas na ako ng loob para maipakilala ka sa side ng family ko. Masyadong late pero alam kong gusto mo yun pero kinakabahan padin syempre pero nagpapasalamat naman ako at nagawa mong malabanan yung kaba dyan sa dibdib mo. March nung bwan na yun. Birthday ng lola ko niyaya kita ng pabiro na pumumta sa bahay, una parang ayaw mo pa nga pero sa mga sumunod na pangungulit ko eh finally napapayag ka na alam ko naman na simula pa nung naging tayo gusto mo na makilala sila mama. Pero sabi ko right time di naman dahil sa kinahihiya kita kundi nireready ko lang ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Natatakot talaga ako lalo na sa father side kasi iba sila kung magisip. Kaya natakot ako na baka pag pinakilala kita masaktan ka nila ayun ang ayokong mangyari. Nasa work ka nun nung nagsabi ako sayo na may halong kaba syempre diba hmm i think sa cavite ka nagtratrabaho nun. Tinapos mo lang yung shift mo then nagayos ka na para sa pagkikita natin sa guadalupe. Galing kasi ako ng paco manila nun tapos pinaka kitaan natim is guada. Nagkita tayo ng medyo tamang oras naman kumain muna tayo sa makasaysayang jollibee dun tsaka nagdesisyon na umuwi na papunta samin. Kaso sobrang traffic naman halos 1 oras tayo nagantay pero di tayo nakasakay kaya naisipan nating sumakay ng lrt.. ayun kahit ang daming tao at siksikan pinilit natin makasakay ang awkward nga lang kasi sobrang sikip. Tanda ko pa nga nun nasa pinaka gitna tayo nun pero gumawa ka ng paraan para mapunta tayo sa pinakagilid para walang makadikit sakin at di ako masiksik. Sobrang dikit natin sa isat isa at natatawa nalang ako hanggang sa dumating na tayo sa ating station which is kamuning. Para tayong mga basang sisiw nung bumaba pero keri padin kasi ikaw ang kasama ko. Sa bus naman papuntang bahay. Di ka mapakali kahit yung paborito mong almond na bigay ko di mo manguya ng maayos ang lagi mo lang sinasabi "malayo-layo na" sabi ko naman "yung ano?" Tapos sabay sabi mo "malayo layo na talaga ang amin wala ng urungan to" at natawa nalang akp ng sobra. Habang nasa byahe sinabihan mo ako na bumaba muna sa sm at bibili ka ng damit para maganda yung porma mo pag dating sa bahay. Syemprw pinagbigyan naman kita bumili ka ng BUM na tag 700 hahaha. Naloka ako sayo isang gabi lang bumili ka pa. Pagtapos nun sumakay ulit ng bus at ng nakababa na nagtricycle tayo pababa samin. Kinakabahan nga ako kasi kilala ako dun. Baka matsismis ako at makarating sa father side patay talaga ako. Kaya namab binayaran ko ng malaki yung driver para sa katahimikan nya hahaha. Nung makarating tayo sakto andun sila sa labas. Pinakilala na kita sa mga lola ko tita at syempre si mama hayyt ang sarap ng feeling. Andaming tao sa bahay kaya medyo maingay pagpasok natin sa bahay naloka nanaman ako naglinis ng bongga si lola buti nalang diba? Naupo tayo sa sofa at sabay kumain yung feeling na parang di tayo magkakilala puro ngitian lang tayo at titigan kinukulit ka pa nga ng tita ko lasing kasi ang saya saya ko talaga nung araw na yun kung alam mo lang kasi tanggap na tanggap ka nila para sa akin diba. Sana maulit pa ulit ang pagpunta mo sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
My Love Story ❤️
RandomI just want to share my feelings by making this thing ✌️ sana magustuhan nyo first time ko tong gagawin. Hahaha. Medyo kinikilig pa nga ako habang ginagawa ko to! Kapag nagustuhan nyo THANKYOU pag hindi THANKYOU padin Basta this is it!