Chapter 2

4 0 0
                                    


     Pasensya na sa late introduction ko. Ako nga pala si Stacey Lei Villarmia. 10 years old, nasa Grade 6 na. Nag aaral ako sa Sacred Heart Academy, sa Bulacan. Hobby ko ay ang kumain, magbasa, maglaro at matulog sa kung saan saan. Walang pagkakataon na habang natutulog ako ay hindi nanaginip. Palagi akong nanaginip at sa mga panaginip ko ay pakiramdam kong parang totoo ang mga nangyayari.

     Ewan ko ba! Minsan nga ang ibang panaginip ko ay nagkakatotoo at minsan may mga bagay na hindi ko inaasahang mangyari sa buhay ko ay panaginip lang pala katulad ng naging marangya daw ang buhay namin at isa daw akong prinsesa... Ang sarap na sana sa pakiramdam nun at nawala nalang sa isang iglap dahil sa ito ay isang panaginip lang. Haitz..

d-.-b

Tok. Tok. Tok..

- Pasok!-

- Anak, sige na bumaba ka na. Kumain na tayo dun, sumabay ka nalang sa papa mo. Ihahatid ka niya bago siya pupunta sa trabaho niya. Bilisan mo diyan baka malate ka pa! Hirap sumakay ngayon ng Jeep dahil sa dami ng mag aaral at may trabaho'ng sasakay ng pampublikong sasakyan.. Ok?- mahinahong sambit ni mama sa akin.

     Tumango tango nalang ako bilang sagot bago lumabas si mama sa kwarto ko.

     Nagpakawala nalang ako ng malakas na buntong hininga. Aaminin kong hindi kami gaanong kayaman. Normal lang ang pamumuhay namin. May trabaho ang papa ko pero ang sweldo niya ay hindi gaanong kalaki. Mabuti na seguro ito kaysa katulad ng iba na walang trabaho at makakain. Maibibigay naman ng mga magulang ko ang mga pangangailangan ko pero yung mga bagay na hindi masyadong mahal..

-.-

     Nagsisipag din naman ang mama ko sa pagsaside line sa pagtinda ng pizza, malapit sa Children's Park. Masipag ang mga magulang ko sa pagtatrabaho para may makain lang kami at palagi din nila akong hinabilinan na magsipag din sa pag aaral...

    Wala naman segurong dahilan para hindi ko sila sundin, ayokong masayang lahat lahat ng pagod at pawis nila upang maitubos lang ako sa pag aaral. Mahal ko ang mga magulang ko, sobra!

     Ayon nga sinunod ko ang mga sinabi ni mama sa akin. Pagkatapos naming kumain, inihatid ako ni papa sa school. 

     Nagpaalam na rin ako kay papa pagkarating namin sa tapat ng gate ng school. Tatlong araw na ng pasukan namin ngayon. Mabuti at maaga kaming pumihit dito sa school upang hindi gaanong karaming estudyante...

Mahiyain kasi ako!

     Pagkapasok ko sa room namin ay umupo agad ako sa silya ko at ginawa ang assignment ko sa English. Tamad akong gumawa ng assignments ko sa bahay dahil pagkarating ko dun galing dito sa school ay matutulog nalang  ako saglit at tatayo para kumain kung hindi magiging mahimbing ang pagkatulog ko. Hehehe..

     Ilang minuto ang nakalipas ay sa wakas tapos na ako, essay lang naman ang pinapagawa ng teacher namin.

Easy as 123!

Hahahahahaha....

     Ba't ang tagal mag ring ng bell para sa Flag ceremony?! Tsk. Naiinip na ako!

d-.-b

- - - - - - - - - -
- - - - - - - - - -

'Bumaba ka diyan! Baka mapaano ka! Woi!' sigaw ko sa lalaki'ng gusto'ng maabot ang isang mapula at mukhang masarap na bunga'ng makopa!

Juskopo! Ako ang mas kinakabahan sa kanyang ginawa.. baka mapaano siya! Konti'ng konti nalang makukuha na niya ang makopa pero..

*ccrrkk*

Sobrang bilis ng pangyayari.. Biglaan akong napatakbo upang saluhin ang lalaki, napapikit pa ako.. Hinintay ko ang pagdapo ng katawan niya sa mga kamay ko pero para'ng isang minuto na ang lumipas, wala akong naramdaman.. Mala Superhero ako sa naging akto ko!

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko..

d-.ob

do.ob

Wala! Nawala ang lalaki.. Nabali nga yung sanga! Nasaan na yun?!

Tatalikod na sana ako at lalakad na pero nagulat pa ako ng iniabot ng lalaki ang bunga ng makopa na halos ikabahala ko!

Inirapan ko lang siya! Buhay niya ang isinugal para lang sa isang makopa at ibibigay lang niya sa akin?!

Nakakainis!

Lalampasan ko na sana siya pero kinilabit niya ako sa kanang balikat pero hindi ko siya nilingon.. Humakbang ako, kinilabit pa rin niya ako!

Kinilabit ng Kinilabit!

>>.<<

Nakakairita! Pero hindi pa rin ako nagpadala..

Hindi nag tagal niyugyog na ng

niyugyog ng..

niyugyog!

' Stacey! Gumising ka! Woi?' familiar ang boses.. Wala'ng tigil pa rin sa pagyugyog sa balikat ko hanggang sa..

' Arrrayyy!' naimulat ko kaagad ang aking mata ng kurutin ng mabait na kaibigan ko ang aking tagiliran. Napangiwi ako at hinagod hagod ito dahil sa sobrang hapdi.. 'Ano ka ba naman..!' hindi ko naituloy ang panunumbat ko dahil ramdam kong may mga mata'ng nakatitig sa akin.. Nilingon ko at nakita ang mga kaklase ko'ng tutok na tutok sa akin kasali na dun si ma'am..

*FacePalm*

'Lagot!'

'A Dream'Where stories live. Discover now