// 30. Rony Talks To Kurt

2.3K 28 3
                                    

"Ate!!" bati ni Cheche kay Rony. Umaga ito nagpunta na hindi inaasahan ni Carla.

Narinig naman ni Carla si Cheche. Sumilip siya sa bintana. Napansin niya si Rony na may dala-dala habang kausap si Cheche. Ngumiti siya at bumaba. Umupo sa sofa at inabangan si Rony. Pumasok na nga ito. "Kamusta?" Rony started as she entered.

"Eto, medyo malaki na ang tiyan. Kanina pa kita nakita, dito na kita hinintay." Umupo si Rony. Tinapat ang tenga sa tiyan ni Carla. "Hoy, hindi kita asawa ah."

Tumawa lang si Rony. Nilapag ang mga pasalubong. At kwentuhan lang. Hanggang madako na na kay Kurt ang usapan nila.

"Bakit hindi mo kausapin?" tanong ni Rony dahil cold na nga si Kurt nang lumaki ang tiyan niya.

"Kinausap ko na. Pinapaamin ko nga siya pero hindi naman aamin 'yun kahit sabihin kong okay lang sa'kin."

"You're cool." Namanghang tinignan ni Rony si Carla. "Mahirap sa'yo 'yan alam ko. Nakachat ko nga pala si Dennis."

Kumunot ang noo ni Carla. "Sa ngayon, ayokong problemahin ang ibang bagay, okay?" Sumeryoso ng konte si Carla.

"Ah okay. Na kay Kurt talaga ang problema mo ngayon?"

"Hindi naman talaga problema sa totoo lang."

"So, what's the big deal?"

"Ang cold niya kasi. Alam ko naman na hindi niya ako iiwan pero baka kasi nangbababae siya."

"You know Carla, Kurt came back to you already. It would be enough. Ang mahalaga ay mas maliit ang problema mo ngayon. Balik tayo sa dati 'di ba? Huwag mo nang isipin si Kurt at ang sex life mo para hindi ka na magkaproblema."

"Hindi naman 'yung sex life eh. Ang akin lang baka hindi na niya ako mahalin gaya ng pagmamahal niya before. Masakit parin 'yun syempre."

"Labas na lang tayo. I know naman you have a mood to run out with me."

"Pero ano ba ang alam mo sa mga lalaki? You'd encountered it though."

"Dalawa lang. Una, baka mali ang hinala mo. Pangalawa, baka tama ang hinala mo. Huwag kang mag-alala. Much better to be cool into a state of that situation. Don't you even say na wala ako sa sitwasyon mo. Mas maiging may kaibigan kang magsasabi sa'yo ng dapat gawin."

"What would I say? Pinakinggan mo na ako 'di ba? Hindi naman pwedeng kontrahin pa kita."

"Ayoko nang sisihin ka cause despite of everything you've forgiven me."

"Wala kang kasalanan. Kesa mabawasan ang kaibigan ko, patawarin ka na lang." Carla smiled. Medyo gumaang na ang loob niya.

Meanwhile, Kurt and Marian were continously calling each other. Nakahalata na si Coleen.

"Panay na ang uwi mo nang ganitong oras? Hindi naman sa pinagbabawalan kita. Ang akin lang, dalaga ka pa. Kaya pwede pa akong makialam sa'yo. May boyfriend ka na ba?" she asked Marian habang tinatanggal ang sapatos nito.

"Wala Ate. Kasama ko lang ang mga kasamahan ko."

And Marian is trying to get herself out to avoid Coleen. "Sandali Marian."

"Ate bakit? Magbibihis lang ako."

"Mag-iingat ka ah. Gawin mo ang tama. Nag-aalala na sa'yo si Nanay. Baka napapabarkada ka na."

"Ate, alam ko ang ginagawa ko."

Binirahan na ni Marian ng alis. Afterwards Sumilip si Marian after niyang pumasok sa kwarto. Tatawagan niya kasi si Kurt. Alam niyang pabalik na ito ng office.

"Bukas, huwag na muna tayong magkita." she said dahil kinabahan talaga siya. "Nasisita na ako. Kailangan ko munang magpalamig sandali para hindi na sila mag-isip."

"Tama naman 'yun pero pwede kang magdahilan. Malaki ka na."

"Alam ko. Pero iba si Ate. Basta intindihin mo na lang. Chat or text na lang bukas."

"Okay, sana at least two days more makita kita. Ngayon pa nga lang namimiss na kita."

Ngumiti si Marian. "Sorry ah."

"I was the one who has to apologies. Ako pa kasi ang nagmahal sa'yo."

"Okay lang. Ginusto ko na 'to."

Matapos 'yun ay umuwi na si Kurt. Nadatnan niya si Rony sa bahay. "Oh kamusta?" sabi ni Kurt sa nakangiti na si Rony pero hindi naman siya nagulat nang makita ito.

Pinag-usapan na ni Carla at Rony na kakausapin ni Rony si Kurt pag-uwi. Kaya nagsenyasan na sila at sinundan na ni Rony si Kurt nang dumiretso ito sa itaas. Nagtaka si Kurt nang makita niyang naglalakad si Rony sa likod niya nang nasa taas na siya.

"Why?" Napatigil si Kurt sa paglalakad.

"Gusto lang kitang kausapin."

"Tungkol saan?"

"Mangangamusta lang."

"Okay naman ako."

"Doon tayo sa kwarto. Importante ito."

"It's up to you. Come in." Umupo sa kama si Rony. "Bilisan mo lang. Magbibihis ako." Tinanggal ni Kurt ang polo niya.

"I didn't point it out to Carla.. I can't say to her what's my opinion dahil baka masaktan siya."

Napakunot ang noo ni Kurt. "About what?"

"May babae ka no?"

He pretends to be shocked. "Ano ang pinagsasabi mo?"

"Kurt, huwag ka nang mag-maang-maangan. Hindi imposible na may babae ka ngayon."

"Wala akong babae. Stress lang lagi sa trabaho. Nagsumbong ba siya sa'yo? Expert ka talaga no?"

"Kung totoo ang sinabi sa'kin ni Carla, may chance na may babae ka. Pero maybe baka nga falls alarm lang ayon sa reaksyon mo ngayon. This was if Carla didn't tell the truth. Umamin ka na, Kurt. Kung may kasalanan sa'yo si Carla, sana naman huwag mo siyang pahirapan."

"Rony, pwede bang kahit ngayon lang, itigil niyong mag-isip? Hindi lahat ng hinala ay totoo. I allow you to stalk with me. Wala akong ginagawang masama."

Tumawa si Rony. "Hindi ako nagmamarunong lang Kurt." Lumapit sa kaniya si Rony. "Gwapo ka. Kahit sino ay pwede kang patulan." Nilapit ni Rony ang mukha niya kay Kurt. "I'm here to save you." Hinalikan niya sa pisngi si Kurt sabay lumabas na ng kwarto.

Napatingin si Carla kay Rony habang bumababa ito ng hagdan. "Anong sinabi mo?" tanong ni Carla.

"Wala naman." Nakarating siya sa sofa. Sa tabi ni Carla. "Pinaamin ko lang."

"Hindi siya aamin."

"I know."

"Pero may napansin ka ba?"

"Oo Carla. Ang gwapo ni Kurt."

"Sira!!"

"Kung pwede sana, tuksuhin ko siya para malaman natin kung natutukso siya."

Tinitigan ng masama ni Carla si Rony. "Paano kung matukso? Ayoko?"

"I thought okay lang sa'yo."

"Sabi ko lang 'yun."

"Ayaw mo nun. Oras na hindi matukso si Kurt, totoo na mali ang hinala mo."

"Matalino si Kurt. Kung may babae man siya, hindi siya kakagat sa'yo lalo't kaibigan kita. Tumigil ka. Tigilan na lang natin siya. Baka mamaya lalo lang tayo mag-away dahil baka patulan ka niya."

"Malay mo nga kumagat. Promise walang magbabago."

"Tukso 'yun Rony. Iisipin niyang may atraso ako sa kaniya. Baka pumayag siya sa'yo pero ang totoo.. wala naman talaga siyang babae."

"Well, I bet, meron siyang babae."

Napatingin si Carla kay Rony.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon