PART 1
VANESSA'S POV
"Ahhh... ano ba meron sa araw na to" inis kong sabi habang tinutusok tusok ang baon kong manok. Kasalukuyang na kame sa canteen dahil lunch break na.
"Ano ba? Ano nanyayari sayo ha?" takang tanong ni Lucas na abala sa pagkain ng baon nya.
"This is not happening, right?" inuntog ko ang ulo ko sa mesa.
"Hoy! bat ka ba nagkakaganyan? Why don't you forget everything that happened between the two of you para manahimik kana dian."
"Hindi mo kasi ako naiintindihan Lucas." Naalala ko ang lahat na nangyari kanina sa bathroom at napakaimpossibleng mabura at kalimutan agad yun.
"I understand you friend. Pero kahit anong reklamo mo wala kana magagawa dahil nangyari na at tapos na yun"
"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko. I felt ashamed and humiliated because of that arrogant, cold blooded, pervert na lalaking yun." Halos magutay gutay na ang pakpak ng manok sa kakatusok ko ng tinidor.
"For god sake maawa ka naman sa manok Vani" singhap ni Lucas sa akin.
"No, this is not happening. This is crazy. Maybe I'm just hallucinating, right? Maybe I......I can't believe na kaklase kuh pa sya and seatmate pa kame. Grabe! How am I supposed to react? Magkaklase kame!!!" with matching gestures pa ako ng kamay ko sa tindi ng frustration ko.
"Grabe naman un lang pala. Anong big deal dun. Masuwerte ka nga kasi katabi mo sya. Halos lahat ng girls sa room gustong gusto makatabi iyon tapos ikaw. Tsusi moh naman teh!."
"Anong masuwerte ka dian! Tsusi? Whoa, Akala mo ba gusto ko makatabi ang lalaking iyon, No way! Not in my dreams. Kung pwede lang sana makipag exchange ng upuan ginawa ko na basta malayo lang ako sa lalaking yun."
"If I were you, kakalimutan ko lahat na nagyari. At itutuon ko nalang ang isip ko sa pag aaral. Marami pa taung rerebyuhin sa Social Science, hello."
"Ahhhhhhh" sabay kamot sa ulo ko na kala mo pinamahayan ng san damakmak na kuto.
"Ang mabuti pa kalimutan mo na yun at kainin mo na yang baon mo bago pa mamatay sa kakatusok mo ng tinidor. Tingnan mo nga nangyari sa manok."
Maya maya pay......
"Sige Lucas kita nalang tau sa taas, naiihi na naman aq eh" paalam ko kay Lucas.
"Gosh pang apat na beses mo na yan ah" palabas na kame ng canteen.
"Wala ako magagawa, hindi ko mapigilan eh" maikli kong sagot.
"Okey, see you later" sabi nya bago ako tumakbo palayo. At sa pagkakataong iyon ay hindi na ako magkakamali pa. Sinigurado ko talagang nasa tamang banyo ang napasukan ko.
Habang naghuhugas ako ng kamay, bumukas ang pinto ng CR at pumasok sa loob si Angela. Tumabi ito sa akin. Umurong naman ako at dumistansya sa kanya.
Hindi ko napigilang titigan sya na abalang abala sa paglalagay ng make-up nya.
Napansin nya siguro na nakatingin ako sa kanya.
"Bakit?" tanong nya habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.
"Ah----, ah. . . ." mautal utal kong sabi. "Ba-bagay sayo ang kulay na pink." mahina kong sabi.
"I know. It's actually my favorite." sabi nya tapos ngumiti sakin bago pinagpatuloy ang gingawa.
Papalabas na sana ako ng bigla nya ako tinawag.
BINABASA MO ANG
This I Promise You
RomanceThis is one of the stories I wrote when I was in high school. I haven't finish it yet as I lost some of the drafts, so sad.