53rd Chapter

140 14 0
                                    

•••••

[Pryztel]


Narinig kong may tumatawag sa akin. Nandito na ang magrerescue sa amin.

Gumaan ang loob ko kasi sa wakas di kami mapagpipyestahan ng mga pating dito.

Papalapit na sa amin ang bangka.Nagbago ang ekspresyon ko nang makita kung sino ang lulan nito.

"Yuan!"-nagkatinginan kami ni Hajie.Naikwento ko na kasi sa kanya lahat ng totoong nangyari.

" Bat sinama pa nila ang pusit na yan?Tsk sabihin mo lang Bessy ibabalik ko sya sa dagat"-bulong sa akin ni Hajie.

"Bes kalma ka lang. Nasa teritoryo nya tayo."-hinawakan ko ang kamay nya and I pressed it lightly.

" Tsk pano ako kakalma eh pati yung siokoy na si Jade eh kasama bwisit."-war pa rin silang dalawa ngayon. Hayy.

"Yuan pinag-alala mo ako...kami!"-salubong ni Corrs sa amin. Naiinis ako sa ginawa nya. Kaya di ko magawang ngumiti o magpanggap man lang.

" Okay lang kami ni Hajie."-sagot ko lang. Lumipat kami ng dahan-dahan sa bangka nila.

"Yuan I'm glad you're safe"-nagulat ako nang yakapin ako bigla ni Akane. Alam mo yung salitang plastic?Sarap ihulog nito sa dagat. Malamang di sya lulubog.

Di ako umimik. Nakasakay na rin si Hajie,niyakap din sya ni Jade. Buti pa sila.

Umupo na ako sa bangka.

" Okay ka lang ba?"-tanong sa akin ni Zic.Katabi ko na sya,nilalagyan nya ako ng tuwalya sa balikat ko di pa kasi kami natutuyo ni Hajie.

Tinanguan ko lang sya at inayos ang buhok ko.

"Bat ba kayo napunta dito?"-tanong ni Jade.

" Wala kang pakialam tss"-inirapan sya ni Hajie.Ewan ko pero ang cute nila tingnan.

"Sorry na nga babes. Please?"-suyo ni Jade sa kanya.Napangiti nalang ako.

Bigla nalang kami napatingin kay Zic nang sumuka ito sa dagat.

" Kyu are you okay?"-lalapitan ko sana si Zic para icheck sya pero naunahan ako ng dikya.Napakunot ako ng noo at tumingin nalang sa ibang side. Ang lakas ng hangin ngayon Buti nakakatulong to sa pagbalik ng luha kong nagbabadya ng tumulo sa mata ko.

"Yuan"-untag sa akin ni Corrs.Nag salubong ang kilay ko sa pagharap ko sa kanya. Nagtitigan kaming dalawa at nakita ko ang itsura ko sa mukha nya.

Ang hirap ng kambal kayo,magkadugtong pati puso nyo kaya alam kong alam nya kung anong nararamdaman ko ngayon.

I saw sadness in his eyes. Maybe because of her.I tried to hate my twin pero hindi. Mas nauunahan ako ng awa.

" I'm fine."-sabi ko. Pero alam naman nyang nagsisinungaling ako.

"You should go check him out"-sabi nya.

" Hayy nako Corrstin paano nya machicheck ang boyfriend nya kung umiepal yung girlfriend mo?"-sinagot ni Hajie sa kanya.Narinig ng lahat yun kaya tiningnan ko ng masama si Hajie.

"I'm just concerned since Zic is my friend"-banat naman ni Akane.

" Oh yun naman pala eh.FRIEND ka lang si Yuan,GIRLFRIEND kaya respeto naman. Di ka na nahiya at kinalimutan mo ang posisyon mo."-pagtataray ni Hajie.

"Hajie,tama na"-sita ko sa kanya.

" Yes tama na girls. And teka,why so sudden na pinagtatanggol mo si Pryztel ngayon babe?Mukhang nakasundo na kayo ah?"-tiningnan sya ng masama ni Hajie.

"Babe-bin mo mukha mo tss.Ang dami mong sinasabi magsagwan ka nalang jang damuho ka"-napailing nalang ako. Dati gusto ko sila ang mainggit sa amin pero ngayon naiinggit ako sa kanila.

•••••

" Pryzieee omg!Buti ligtas ka nag-aalala kami"-niyakap ako agad nung dalawa nang makarating kami sa dalampasigan.

"Okay ka lang ba?Bat basa ka?Nagwrestling ba kayo nung bitch na yun sa dagat?"-sabi ni Chammy.

" Who are you calling a bitch?"-may umiksena sa aming tatlo.That was Hajie's voice at tinabihan nya ako.Lagot ka Cham.

"Haha girls,si Hajie at ako,okay na kami. Were back to being friends"-hinawakan ko ang kamay ni Hajie.

" OMG!Does that mean kasama na natin sya sa grupo?"-di makapaniwalang sambit ni Hyui.

"Of course. So you should be good to me. In fact hindi na ako ang atribida sa buhay ni Pryztel no,kundi yung nagkamagandang sakang na yun"-naparoll-eyes si Hajie.

" Sakang?Who?"-tanong ni Chammy.Nagkatinginan kami ni Hyui.Nangungusap ang mga mata namin.

"Pryz,may nalaman ka di ba?"-tanong nya. Napayuko ako at nagpalipas ng silang segundo bago magsalita ulit.

" Hmm pag-usapan nalang natin kapag nakapagbihis na kami"-pinilit kong ngumiti.

"Miss Yukawa,Miss Imperial,we almost reported to the police that the two of you are missing ano ba ang nangyari?"-inapproach kami ng handler namin. Were in big trouble.

" Sir it was an accident.Before we explain things to you can we please change our wet clothes first?"-pumayag naman ang handler sa pakiusap ni Hajie.

Papaalis na sana kami ng may humila sa kamay ko.Paglingon ko nakita ko sya.Kanina pa kami hindi nagkikibuan.

"Yuan,"-bakit ganun?Parang naulit na naman ang sakit ng ginawa sakin ni Jade noon.Ngayon si Zic na ang panibagong nagbibigay sakit sa puso ko.

" Mamaya nalang tayo mag-usap please?"-pakiusap ko.Wala pa ako sa mood na kausapin sya.Kailangan ko pang mag-ipon ng lakas ng loob para prangkahin sya sa lahat ng nagawa nya.

"S-Sige"-binitawan nya ang kamay ko at di sya makatingin sa akin.

Tumalikod na ako sa kanya at sumunod na kina Hajie.

•••••
[Zic]

" Bro"-tinapik ako ni Corrs sa balikat. Bakit bigla nalang naging malamig ang trato niya sakin?

"Corrs,I think its time to tell her the truth"-Tama na.Pagod na akong maguilty,mas lalo pang gaganahan si Akane na paglaruan kami.

" Handa ka na ba sa mga mangyayari pag ginawa mo yan?"-Humugot ako ng hininga.Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko.

"Oo Corrs. Bago pa nya malaman kay Akane o sa iba. Mas mabuti ng manggaling mismo sakin"-disidido na ako dito.

" Ako rin,I have to apologize.Kasalanan ko naman talaga to"

•••••

xoxo

DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon