143 (I WON'T BE)

205 20 9
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

143 (I WON'T BE)

Hello kay jielove123! Thank you for following me. Sana mabasa mo din ang mga story ko.. Love lots! 😊🌞🌞

ON Ruth Ysabelle's POV

Dahil naabutan ako ni Tjay sa guest room na parang hibang at may sugat pa sa tuhod dahil lampa ako, ginusto niya na dalhin ako sa clinic pero hindi ako pumayag kaya dinala niya na lang ako sa isang park.

"Anong masakit sa iyo?" Umiling ako habang ginagamot niya nag dumudugong tuhod ko. Ni hindi ko nga naramdaman 'yung sugat doon dahil mas masakit ang sugat sa puso ko.

Nilagyan niya ng band-aid 'yung sugat ko matapos niyang linisin. Parang wala nga lang sa akin nung nilalagyan niya ng alcohol.

"Hindi ba mahapdi, Mahal?" Umiling ako. Manhid na kasi ako sa sakit. Ah, mali, hindi ko ramdam 'yan dahil may mas masakit.

"Pasensya ka na dahil hindi ko kayang akuin na lang ang lahat ng sakit sa puso mo." Halos madurog ang puso ko sa narinig ko.

Hindi nga lang pala ako ang nasasaktan. Kung mayroong isang taong pinakanasasaktan ngayon ay nag kaharap ko dahil hindi ko siya magawang mahalin muli.

"Tjay.." Pagtawag ko sa kanya. Gusto ko sanang magmakaawa na huwag na lang niya akong mahalin dahil nasasaktan lang siya at hindi ko kayang ako pa rin ang maging dahilan noon.

Huminga ako ng malalim at tinawag siyang muli.
"Tjay..." Ewan ko ba, medyo nabigat ang dibdib ko nang dahil sa pangalan nya.

"Yes.."

"Alam kong kaya mo akong protektahan. Alam kong mahal mo ako, pero..." Tinitigan niya ang mga mata ko. Isang titig na alam mong kayang tumurok sa puso mo. Dama mo ang sakit doon. Ramdam niya nang rejection kaya hindi ko na pinatagal pa.
"..... hindi ako ang babaeng para sa'yo. Kung sana ay ganu'n lang kadali na baguhin ang nararamdaman ko at ibalik ang dati pero, hindi ko magawa. Hindi ko din alam kung hanggang kelan ko mararamdaman 'to. Kung hanggang sa isang araw, sa isang buwan, sa isang taon o sa susunod pa." Naluluha na ang mga mata ko.

"Kaya kong maghintay kahit gaano katagal. You're worth to wait."

Naluluha na rin ang mga mata niya. Halatang pinipilit niya lamang buuin ang boses niya na kahit anong oras ay mababasag na. alam kong masakit para sa kanya nag gagawin ko pero kahit kelan ko sabihin ito, alam kong darating pa rin sa puntong masasaktan at masasaktan ko siya. Gusto kong maging masaya siya at makahanap ng taong magpapasaya sa kanya. Para kahit sa aming dalawa ay may isang maging masaya.

'If I can't return the love he is giving to me, I'm willing to set him free..'

"Tjay, mahal kita, alam mo 'yun pero ayaw kitang paasahin sa isang bagay na hindi ko sigurado kung babalik pa." Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa mata ng isa't-isa. Masakit sa aming pareho. Masakit kasi alam namin na sa pangyayaring ito ay magiging halos imposible nang maibalik ang dating samahan na nabuo ng maraming taon. Ito yata ang tinatawag na consequences ng pag-ibig sa magkaibigan.

Ngayon ko napatunayan na hindi totoo ang 'Platonic Relationship' sa magkakaibigang babae at lalaki. Malaki ang tyansa na may isa sa inyo na mafall sa isa. Minsan naman, katulad ng kaso naming ay kaming dalawa pero sa magkaibang timing. Napag-isip-isip ko tuloy na ang bobo ng puso ko, bakit hindi na lang niya ulit mahalin ang lalaking nasa harapan ko gayong mahal niya ako.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon