Sa anino ng mga puno't bakod ng maliliit na village kung saan tinitirhan ng apat na tribo ay may mga marahan na nagtatago na tao. Bigilante ng mga itong ina-approach ang bawat butas na makita nila upang makapasok sa loob ng mga village habang nasa labas halos lahat ng mga malalakas na fighters upang bumili at mag-inquire sa mga lalaking nagbebenta ng iba't ibang mga skill books, potion, at weapons.
Ito ang planong binuo ni Jyx upang makontrol ang apat na tribo.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Sa 'Tir Tribe
Ang laking tuwa ng pinuno sa tribo ng makita niya ang iba't ibang variety ng skill books at weapons na binebenta ng isa sa mga tagabantay ng banal na lupain.
Bumili ito ng marami hanggang sa maubos ang mga gold coins nito. Hindi pa ito nakuntento at pinakalap lahat ng available na gold coins sa buong tribo!
Tuwang tuwa itong bumalik papasok sa tribo.
Dumiretso ito sa mismong bahay niya.
Ang hindi nito alam ay mayroong isang lalaki na nakatago sa isang bahay na dinaanan niya ang bumulong sa sarili.
"Barang....."
.
.
.
.
Pero syempre hindi niya alam ito.
Masayang masaya itong pumasok sa kaniyang tirahan at pinahanda ang kanyang mga mandirigma!
"Humanda kayo! Bukas na bukas susugudin natin ang 'Rio Tribe!"
Tuwang tuwa ito sa bagong skill na magagamit niya upang makolekta ang labing apat na susi.
Hindi lang sa 'Tir Tribe nangyari ito. Katulad ng pinuno ng 'Tir Tribe, ganoon din ang nangyari sa apat pang mga tribo.
Hindi nagtagal ay may mga malalakas na sigaw ang maririnig mula sa mga tirahan ng mga pinuno ng mga tribo.
Sa bawat butas ng mga katawan nila ay napakaraming bilang ng isekto ang mabilis na lumalabas at kinakaen ang balat nila upang makapasok muli sa loob.
Lalabas at pipiliting pumasok sa loob.
Hanggang sa nawalan na sila ng buhay.
Nagkagulo ang mga tribo't mabilis na pinaghinalaan ang bawat isa.
Napakalaki ng pagkagalit ng mga ito't nagsugudan sila hanggang sa malaman nilang pare-parehas lamang ang nangyari sa apat na tribo.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Hahahahaha!! Anong sabi mo J'rah? Inakala nilang sumpa ito ng halimaw na tagabantay sa banal na lupain?"
Tawang tawa ako sa malaking kalokohan ng mga ito.
"At kusa nilang ibinigay ang mga susi sayo upang mabantayan ng ayos?"
Napapailing na lang ako sa mga pangyayari.
HAHAHAHAHAHAHAHA
HAHAHAHA
Tang ina ang sakit ng tiyan ko! Hahahaha
Simula ng apocalypse hanggang ngayon, ngangayon-ngayon na lang muli ako nakatawa ng ganito.
Hahahahaha xDDDD
After ng 30 minutes ay nakapag-usap din kami ng ayos.
Magpapasama kami sa isang loyal na tauhan ni J'rah upang samahan kami sa banal na pinto na nakatago sa gubat ng matatarik at matataas na bato. Habang si J'rah naman ay papasok sa Giant Portal patungo sa floating island upang makipag-coordinate kay Lily.
Pinag-isa na lahat ang apat na tribo at si J'rah ang nagsilbing pinuno nito.
Bilang myembro ng Crowe Clan ay siguradong tutulungang palakasin at gawing stable ang tribo na ito ni Lily at Mavis.
Mabilis ko namang pinuntahan ang sinasabing banal na pinto na matatagpuan sa gubat ng matatarik at matataas na bato.
Sa pinakadulo ng mga ito'y may isang butas sa lupa na hindi madaling makita dahil sa mga damo na tila noong kanunuan pa ng simulang sumibol.
Sa likod ng masukal na mga damong ito ay mayroong maliit na pinto na kasing taas lamang ng aking shoulder.
Kasama ang 22 na clansmen ko na bumubuo ng Lunatic Sinners ay pumasok ako.
<Bloodline Legacy Temple: The Angelic Dragon's Tomb
Congratulations!
By discovering the bloodline legacy temple of the last angelic dragon family, you and your companions are now a potential inheritor of an extinct species's bloodline.
You cannot exit the legacy temple until someone beat the highest score that the angelic dragon set before he died to find his legacy inheritor.>
Tang ina naman oh! Ganito nanaman!!
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Science FictionAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...