Chapter 5

73 3 0
                                    

Chapter 5

The next day...

Yun nga preparation namin for the battle of the blocks.

Eto yung contests:

K-pop Dance fever

Battle of the Booths

Chorus

Quiz Jollibee

Ang weird ng names no? Hahaha autistic lang.

Anyway, napagdesisyon ko na tumulong na lang para dun sa Battle of the Booths. Dun yung gagawa yung blocks ng booth then paramihan ng benta.

So yung booth namin ay Kissing booth, dejoke! Photo booth naman.

So ayun, tumutulong ako ngayon sa paggawa ng background para dun sa booth.

Syempre it was Yann's idea nga na be nice eh. Kaya eto na ang pagiging initiative ko!

After a few minutes, I saw Anjella holding a box na mukhang sobrang bigat!

Kaya naman ako to the rescue at kumaripas agad ako mula sa pwesto ko papunta dun sa kung nasan siya.

"Tulungan na kita diyan!" sabi ko sa kanya while I flashed a bright smile.

"Ah hindi na Ian, kaya ko na 'to!"

Pero I didn't listen to her so inagaw ko sa kanya yung box

"Hindi dapat nagbubuhat ng ganito kabigat na box ang mga babae! Ang dapat sa mga babae tinuturing na prinsesa!" sabi ko habang nakatalikod sa kanya

"Wow ang sweet mo naman..." parang nahihiya niyang sinabi. Ohsh*t, ang cute naman niyang pakinggan.

"Sabihin mo kung may kelangan ka ah? Tandaan mo, ako ang magiging superman mo!"

"Ha?"

"Superman! Tutulungan kita palagi!" sabi ko sabay harap ko ulet sa kanya

"A-ah... Hehehe... Nakakahiya naman sayo..." tapos umiwas na mata niya sa tingin ko

"Sus wala yun. Osige na, san ko ba ilalagay 'to?"

"S-sa labas lang..."

Tas tumalikod na ko at lumabas na. Pagkalabas ko ng pinto may narinig akong nagsihulugan na libro sa may likod ko

Mukhang may nabangga yung blockmate ko ah.

"Ah miss sorry! Tulungan na kita."-blockmate

"Hindi ok lang! Kaya ko na 'to." teka? Parang pamilyar yung boses ah?

Pagkalingon ko, nakita ko si Yann na nakaupo sa sahig tas kalat-kalat yung gamit niya.

Naku po! Nakakaawa naman tignan bes ko kaya tumakbo agad ako kung nasan siya tas binitawan ko yung box sa may tabi niya

"Bes! Ok ka lang? Di ka nasugatan?"

"Ang OA mo naman! Natumba lang ako may sugat agad? Ahahaha ano ba bes!"

"Tss. Osige na tumayo ka na nga diyan!" then I offered my hand to her para makatayo na siya. Pagkatayo naman niya pinulot ko na yung books niya tas inabot ko sa kanya.

"Thanks bes ah? Hahahaha kahet medyo ang OA mo. Pero alam mo, dapat di ako tinutulungan mo ngayon. Dapat..." tas nilapit niya mukha niya sa may bandang tenga ko "si Anjella dapat tinutulungan mo!" pabulong niyang sabi

"Ay bes! Eto nga oh tinutulungan ko siya, tignan mo naman yung box na 'to!" turo ko dun sa box sa tabi niya.

"Ah. Eh di mission accomplished?"

"Oo! Ako pa!"

"So eto na yung 4th step." tas bigla na naman siyang bumulong sa kin

"Confess and Court her."

"Ha??Ba't parang ambilis ata?" gulat kong sabi pero pabulong

"Psh. Kung hindi pa ngayon eh di kelan pa? Mas maganda kung malaman na niya ngayon bago ka maunahan ng iba!"

"Hayy... Osige pero bigyan mo naman ako ng time."

"Wag torpe Ian ha? After ng Battle of the Blocks, confess to her na."

"Roger that." I said sabay saludo sa kanya.

"Okay na! Osya bes, alis na ko, kelangan ko pang ibalik tong mga libro sa library." sabi niya habang tinapik ako sa likod

"Osige bes bye!" tas nagwave na ko sa kanya.

"Sabay tayo mamaya ah?"

"Sige hihintayin kita!"

Tas nawala na sa paningin ko si Yann tas bigla namang may kumalabit sa kin.

"Sino yun?"

Ay sh*t si Anjella.

"Ah eh..best friend ko!" natatarantang sagot ko sa kanya

"Ahhh.. Ang ganda niya ah?" sabi niya with a matching angelic smile.

"Hahahaha." wala na kong masabi

"Confess and court her."

Nagflashback bigla sa isip ko yung 4th step.

P*tek.

Kaya ko ba?

------

A/N: Naku! Mag-torpe mode kaya si Ian pag niligawan niya si Anjella? xD

Easiest Ways To a Girl's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon