Bago po lahat lahat ng katangahan na isusulat ko, mag papakilala po muna ako.
Ako nga po pala si Haley Torres, 17 years old at mag sesecond year college na ngayong pasukan. HRM po ang kurso na kinuha ko sa isang paaralan na ayaw ko.
Anong klaseng halimaw este tao ako? Hmm... Simple lang, lalabas nga bahay ng naka jeans at t-shirt lang at syempre sapatos, isang taong mag aaral lang pag ka exam na bukas, laging hawak ang cellphone at nag fefacebook, nag iinstagram at nag hahanap ng trabaho online. Opo, tama po nababasa nyo, nag hahanap po ako ng trabaho. Nakakatawa man pero ito gusto ko e :)
Madami kami sa bahay kasi nga abot langit ang bait nila mama at papa kaya madami silang trabahador. Gumagawa si mama ng cake at syempre masarap bias ako e. Hahaha :D si papa? Si papa naman gumagawa ng flowerets. Yung icing na flower, yung edible at pwede mo ilagay sa cake. Yun yun. dalawa lang kami na magkapatid, si Kuya ko at syempre AKO.
May mga abnormal din po akong kaibigan, si Kym the Alien, Jerrah the Pig, Ennie the Ms. Universe ang peg, Jelan the beki, Katrise the always on the go pero moody. At syempre higit sa lahat *tentenentenenteneeen* Brylle Lopez jowa ko *hart* sila po kasama ko pag pasukan at pag gagala kahit walang pera. Go lang ng go with Globe :D at sila po yung kumokompleto ng araw ko.
YOU ARE READING
A Day in Someone's Shoes
Short StoryIbabahagi ko po sa inyo ang isang life story ng isang tao na malapit sa puso ko. Enjoy reading guys and peace out!