Loraine's POV.
Nandito nako sa school.
Sa school na kung saan ilag lahat ng tao saakin.
Bakit?
WEIRD daw ako eh.
Siguro nga Weird na kung Weird pero nag umpisa lang naman to nung nawala ang mga magulang ko.
Di nyo naman ako masisisi dahil sa Sobrang lungkot na bumalot sa pagkatao ko, ay mas pinili kong mapag isa.
siguro kung sa iba nangyari yan, mga kaibigan nila ang lalapitan nila.
pero Ako??????
Mas gusto kong sarilinin ang problema ko.
Ayoko nang mandamay pa ng iba.
Para san pa?? Baka maistorbo ko lang sila.
"Loraine!!!" tawag sakin ng classmate kong super epal! -.- Si Jojo.
"Bakit? kung manggugulo ka lang at mang iistorbo, umalis ka na." iritable kong sabi.
Ewan ko ba dito sa taong to kung bakit palagi nya kong ginugulo. Sa lahat ng estudyante dito sa school na to, sya lang ang nagtiya-tiyagang kausapin ako. Isa sya sa mga famous dito sa campus dahil di naman mapag kakailang Gwapo sya. Isa pa, Varsity rin sya ng basketball kaya naman marami ang nagkakagusto sakanya.
"Ang Sungit mo naman! May itatanong lang sana ako."
"Ano naman yun? Ang dami dami ng pwede mong pagtanungan dyan ako pa ginugulo mo."
"Psh. itatanong ko lang kung kumain ka na ba? Lunch break na kasi nakatunganga ka pa dyan. tualala kapa. Ano bang iniisip mo? Mukhang malalim masyado."
Oo nga pala! Di pa ko kumakain. Nagugutom nako pero wala akong balak kumain. Ang dami naman kasing dpat gawin eh. Hay! :3
"Anong pake mo? Di pa ko kumakain. Eh ano naman sayo?"
"Bakit ba ganyan ka? Ako na nga lang nagtiyatiyagang kumausap sayo sinusungitan mo pa ako. May problema ka ba? Andito naman ako eh. makikinig ako sayo."
"Problema? Wala no! Di kita kailangan. Sige na. dun ka na."
tuluyan na nga siyang umalis at naiwan naman akong nakaupo dito sa armchair ko.
Kung tutuusin, mabait naman si Jojo eh. kaya lang hindi ko talaga feel makipag usap sa ibang tao. Hindi naman ako lumaki na may kaibigang kasabay. Tanging mga magulang ko lang ang kalaro, kapatid, bestfriend at kababata ko. Kaya siguro hindi ako approachable pagdating sa mga gantong bagay..
Problema? Gusto kong sabihin na OO napaka rami kong problema!! feel ko nga any minute bibigay nako eh. Pero hindi ko naman masabi sakanya dahil wala akong tiwala sa mga ganung bagay. Mamaya samantalahin nya lang kung magiging mabait ako sakanya.
Panay lang bugtong hininga ang ginagawa ko habang nakapalumbaba. Ewan ko ba. Sobrang lungkot ng nararamdaman ko.
"Sabi naman kasi sayo nandito lang ako. Kung kinukwento mo na sakin yang problema mo? Edi nabawasan yang lungkot mo at tumigil ka na sa pag bugtong hininga."
Nagulat naman ako nga biglang may magsalita sa gilid ko. At teka, pano nya nalamang iniisip ko yung mga problema ko? Teka, Mind reader ba to?
"Ay pusa naman o! Hay, Ano ba kasi problema mo at bigla-bigla ka nalang sumusulpot??"
"Binilan kasi kita sandwich. kumain ka muna. eto oh." sabay abot nung sandwich na nakabalot sa tissue.
"Thankyou." sabi ko nung kinuha ko yung sandwich. kakagat na sana ko, pero..
"Teka! Baka may Lason to ah.?! May balak ka bang patayin ako?"
"Uy wala ah! kung meron man, wag ako sisihin mo! yung canteen. Binili ko lang yan dun eh.. Ayaw mo ba? AKin na nga! ako nalang kakain!"
Aagawin nya na sana pero nilayo ko yun sakanya.
"HEH! Ayoko nga! Nagugutom nako eh. Thanks by the way."
"Kakainin mo rin pala nag iinarte ka pa."
"Eh ano naman? Teka, Ba't ba kita kinakausap? Di naman tayo close ah?"
"Syempre Classmates tayo! Natural lang yun no. Friends?" SAbi nya sabay abot ng kamay nya.
Makikipag shake hands ba ko o hindi? Hay.. Sige na nga! pasasalamat manlang sa sandwich na bigay nya.
"Friends." Sabi ko sabay abot ng kamay ko para makipag shake hands at ngumiti ng malaking Fakesmile. Parang ganto oh. -------> ^_________^ pero Fake!
"So Ano? Dahil Friends na tayo, dapat ikwento mo na sakin yang problema mo ha? Game! Umpisahan mo na."
"Okay. I will start from my past." panimula ko. "Ulila na kong lubos. Namatay yung daddy ko nung 13 palang ako because of highblood attack. Si mama naman namatay nung 14 ako because of suicide naman. Di nya kinaya yung lungkot nung nawala ang daddy ko. Namuhay ako ng mag isa nung mawala sila. Wlang kumupkop sakin na kahit sinong kamag-anak ko. Dahil nga di naman nila ko kilala at di ko rin sila kilala dahil sa di naman kami nakikipag bonding sa ibang kamag anak namin. Tapos yung ba---"
"Wag mo na ituloy. Pakiramdam ko kasi any time babagsak na luha mo. Sabi na ba e. Malaki ang problema mo. Well, Andito naman na ako eh. Kaya dapat ish-share mo na sakinyan ha? Wag mong sarilinin ang problema. Nakakamatay yan. Wag kang mag alala. Ramdam naman kita eh. Ako rin naman kasi patay na mom ko, Ang dad ko naman nasa ibang bansa. Kaya parang pareho lang tayo. Simula ngayon Bestfriend na kita ha? Dapat mag start ka na ng New Beginning! iwanan mo na yung Painful Past mo. Karapatan mong lumigaya. Kaya always smile ha?"
"Thankyou Jomari Pascual! After how a year, Ngumiti nanaman ako ng ganto." ^_____^
"Always welcome. :)
Sige na. Balik na ko sa arm chair ko. Maya nalang ulit. Bye bestfriend." *wink!* ^.-
BINABASA MO ANG
Incomplete Me.
Genç KurguGaano nga ba kahirap ang mabuhay ng mag isa? Makakaya mo bang salubungin ang bawat problemang binabato sayo ng tadhana? Susubukan mo bang ipaglaban ito at patunayan kung anong kaya mo, O hahayaan mo nalang na bumagsak ang sarili mo at bumigay sa baw...