Chapter 31- Dinner with Shaun

394 8 0
                                    

As promised, juminggel lang ako. Tapos kumain na din pala hehe

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Syfred

~*~*~*~*~

Tahimik lang akong nagmamasid. Sumusunod sunod lang ako kay Andrew.

Then may nakita akong isang cute na puting dress.

This time ako naman ang sinundan ni Andrew.

"Bagay kaya 'to kay Kate?"

"Pare iba na 'yan! Wala ka ng ibang bukang bibig kundi Kate. Sino ba yang Kate na 'yan?"

"Wala naman. Siya nga pala 'yung nagtext sa akin kanina. Kung hindi ko pa siya tinext hindi pa siya magrereply."

"O kita mo mukhang nagtatampo ka pa. Love na 'yan pre. Kilala kita. Hindi ka ganyan dati sa mga naging 'Girlfriends' mo."

"Ano ba kasing ireregalo mo sa kanya?"

"Engagement ring."

Nahampas ko siya sa braso sa sobrang gulat.

Shaun

~*~*~*~*~

"Ano Kate? Ready ka na ba?"

"Ipapakilala mo lang naman ako 'di ba? Haha pero kinakabahan ako sa mga magulang mo."

"Don't be. Mabait 'yung mga 'yun."

Maipapakilala ko na din si Kate kila mommy. Tamang tama. Wala ngayon si Kuya. May business meeting for almost a week.

Nakasakay kami ngayon sa car namin. Binilhan ko na din siya ng maisusuot at pinaayusan sa isang sikat na parlor.

"Mas lalong lumitaw ang kagandahan mo."

"Bolero ka talaga."

Pati ako kinakabahan. Aamin na kasi ako mamaya sa kanya. At tsaka sana magustuhan siya nila mom.

Sa kaba namin parehas natahimik na lang kami.

"Malapit na po tayo sir." sabi nung driver namin.

"Wow ang laki pala ng bahay niyo! Nakakahiya naman. Kinabahan tuloy ako lalo."

Hinawakan ko lang siya sa kamay at naramdaman kong nanlalamig iyon.

Pumasok na nga kami sa bahay at pinakilala ko na din siya sa mga magulang ko.

"Mom, dad, si Kate nga po pala."

"Good evening po." Bati niya.

"Good evening din Hi'ja." si Mommy 'yung sumagot. Pagkatapos nun ako naman ang hinarap niya. "Naku Hi'jo, hindi mo naman sinabi na maganda pala 'yung bisita mo."

"Ikaw na ba ang daughter in law ko?" Si dad naman ngayon ang kumakausap kay Kate.

"P-po?"

"Wala 'yun Kate nagbibiro lang si Dad. Tara na sa Kitchen." Baka kasi kung anu ano pa ang sabihin ni Dad sa kanya.

Pagdating namin sa Kitchen, nakahain na lahat ng pagkain. Bumaba na din si Ate mula sa kwarto niya, pinakilala siya dito at pagkatapos naming magdasal ay nagkainan na kami.

"So Hi'ja, what are your parent's work?" Pangungunang tanong ni Mom.

"Parehas po silang empleyado sa *enter compny's name*."

"So girlfriend ka na ba ng anak ko?" Si Dad naman!

"Depende po Dad kung sasagutin niya ako." Singit ko sa usapan nila. Pinapangunahan pa kasi ako!

Natigil 'yung kainan namin nung pumasok si Kuya sa kusina at nagulat kaming lahat sa kanya.

"K-Kuya?"

Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Kate.

"Pokey?" Tanong din ni Kate.

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon