tapat na pag-ibig.. <3

884 6 3
                                    

Isang araw, pansamantalang pumalit para magturo sa isang klase si Jacob. May napansin siyang isang simpleng babae na aktibong makinig sa klase niya. Siya ay si Trixie. Maingay man sa klaseng iyon, nandoon pa rin si  Trixie sa harap para makinig.

Hanggang sa pag-uwi, hindi maalis sa isipan ni Jacob si Trixie, tila na “love at first sight” ata siya. Kinabukasan, sabik na pumasok si Jacob sa eskwelahan dahil inaasahan niyang magkikita ulit sila ni Trixie. Makalipas ang dalawang araw ng kanyang pagtuturo, in-add ni Jacob si Trixie sa facebook, doon nagkakilala sila ng maigi. Maliban doon, nakakalabas din sila. Nagkahingian ng numero. Matapos ang isang buwan, niligawan na ni Jacob si Trixie, at matapos ulit ang isang buwan naging sila na.

Naipakilala na ni Trixie si Jacob sa kanyang pamilya, ganoon din naman si Jacob sa kanya. Naging masaya ang kanilang pagsasama. Matapos ang anim na buwan nilang magnobyo, nagkaroon sila ng hindi pagkaka-unawaan. Kaya napagisipan nilang magpahinga muna ang kanilang relasyon..

Habang nagpapahinga sila, hindi maiwasan ni Trixie na mahulog sa iba. Lalo na’t nakakita siya ng mga katangian ng isang lalaki na alam niyang wala ito kay Jacob. Kahit na sila pa ni Jacob nagkaroon din si Trixie ng relasyon sa ibang lalaki un ay si Lance. Ngunit patago nila itong ginagawa. Naging maganda rin ang kanilang pagsasama bilang magnobyo. Ngunit makalipas ang dalawang buwan, hindi matiis ni trixie si Jacob. Kaya naman dinalaw niya ito sa bahay nila.

Naging maayos ang kanilang pag-uusap. Walang problema. Magkaibigan ulit sila. Para kay trixie wala na silang relasyon ni Jacob. Ngunit para bang naging malabo ang pagkakaintindi ni Jacob sa kanilang pag-uusap. Dahil ang pagkakaalam ni Jacob ay bumalik ang kanilang dating relasyon.

Ngayon, naguguluhan si Trixie kung sino ang dapat niyang piliin. Mahal niya itong dalawa, kaya naman di niya maiwanan ang isa sa kanila. Ngunit di niya magawang ipagtapat sa dalawa ang nangyayari. Dahil ayaw niyang makasakit ng damdamin ng iba. Naiipit na si Trixie sa sitwasyon. Di niya malaman kung ano ang gagawin.

Mahal ni Trrixie si Jacob at mahal din ni Trixie si Lance..

Sino ang pipiliin niya? Kung parehas niya itong mahal?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

tapat na pag-ibig.. &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon