Chapter 33- Beauty Contest

357 9 0
                                    

Kate

~*~*~*~

"Papaano akong napasali dito?" Tanong ko kay Lallaine nung nasa katinuan na ang isip ko.

"Aba malay ko sa 'yo. Nag register ka din 'di ba?"

'Din'? So ibig sabihin sumali din si Lallaine?

"Oo pero pangalan mo sinulat a este...ano..."

"Anong sabi mo? Ikaw naglista ng pangalan ko dito?"

"Uhh...O look! Si fafa Bernard o!"

"Ano 'yung sinabi mong ikaw 'yung nagsulat nung pangalan ko?" Kinukurot na ni Lallaine 'yung pisngi ko.

"Aray! Waaaaaaaaaahhh! Masakit."

"Okay lang, pangalan mo din naman sinulat ko dun e haha asa namang sasali ako sa ganyan."

Waaaaaaaaaaaaaahhhh!

Ang hirap talaga kapag puro baliw ang mga kaibigan mo.

Okay? Papaano kaming mananalo? Ang gaganda ng mga kalaban namin.

Papakamatay na ako.

Nakita ko naman na 'yung idol ko na TB e okay na sa akin ang binigay ni God na nineteen and a half years existence.

Ang dami pa kasing gagawin.

Magbebenta ka pa ng ticket and so on.

Parehas na lang kaming nayamot ni Lallaine.

Hindi ko maimagine ang kahihiyang dadanasin ko dito!

Pag-uwi ko kaagad sa bahay naghanap ako ng lubid pero wala akong makita. Garter lang, 'yung pang chinese garter na laro.

Kung gusto mo 10-20.

Hindi ko pa nga nasosolusyonan 'yung issue ko sa LIM brothers may kasunod nanaman.

Pumunta ako sa sala. Nakatali na 'yung isang dulo ng garter sa leeg ko, naghahanap na lang ako ng masasabitan. Nahaharangan ko na pala si Ate Melissa sa panonood ng TV.

"Tabi!" Sigaw ni Ate.

"Teka lang. Naghahanap lang ako ng masasabitan." :(

"Tabi! Hindi ko makita 'yung pinapanood ko! Shoo!"

"Ang sama mo Ate."

Tumayo si Ate Aya sa kinauupuan niya tapos hinawakan niya ako sa magkabilang braso habang nakatalikod ako sa kanya. Dinala niya ako malayo dun sa TV.

Effort a? Pwede naman kasing magsalita na lang.

A oo nga pala, paninindigan nga pala niyang three letters per sentence lang siya.

Bumalik ako dun! Haha

"Pst! Huy! Ano ba? Dun ka magpatiwakal sa wala kang mahaharangan!"

"Ate Melissa..." :'( "Ang sama mo talaga."

"Ano ba naman kasing klaseng pagpapakamatay 'yan, garter 'yung gamit. Ano bang problema mo?"

"Badtrip kasi si Lallaine! Sinali niya ako sa Beauty contest nung School namin! Waaaaaah!"

"Ikaw? Kasali? Pfffnnggggzzzz." Nung una nagpipigil lang siya ng tawa then nauwi sa malakas sa halakhak. Nakahiga na siya ngayon sa sahig habang nakahawak sa tiyan niya.

Okay.

Siya na masaya.

"Jusme naman!"

'Yan ang mga ate. magpapakamatay na ako't lahat sa harapan nila tinititigan lang ako.

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon