Lucresia’s Prince
Chapter 1
“Waaaaaaaaahh! Bakeeeet???” umaatungal na parang baka na sambit ni Esia. “Bakit mo ito nagawa sa akin? Anu bang kasalanang nagawa ko? Bakit mo ako pinagpalit sa babaeng yan?” lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak na ni wala namang lumalabas na luha mula sa kanyang mga mata. Kanina pa siya ngawa ng ngawa at nguya ng nguya. Wala siyang pakialam kung mag mukha man siyang tanga o nawawala sa tamang pag-iisip. Gusto kasi niyang ilabas lahat ng kanyang sama ng loob- at nagagawa niya ito sa pamamagitan ng pagngawa habang ngumunguya. Isa iyon sa kanyang “special talent”. Kaya niya itong gawin ng sabay, at take note, hindi man lang siya nahihirinan. Kahit kelan, as in never.
“anong problema ng munti kong prinsesa? Sinong salarin? Sino? Sabihin mo sa akin at ating ipapasalvage? Magsalita ka anak, dali. Sinong may kagagawan at ikay lumuluha, baby?” humahangos na tanong ng kanyang ina, na halos maubusan na ng oxygen sa baga dahil sa dere-deretso nitong pagsasalita. Animo handa itong makipaglaban ng patayan maipagtanggol lamang siya. At talagang naka fighting position pa ito.
Natigil naman siya sa pag ngawa ng makita niya ang hitsura ng kanyang ina. Literal na napangiwi siya ng mapansin niya ang get-up nito: body fit na blouse na kulay orange na pinatungan ng yellow na boxer shirt. Infairness, naghuhumiyaw lang naman ang bilbil nito. At ang pang ibaba naman nito ay short shorts na kulay pink na pinailaliman ng leggings na kulay violet. Hay naku, napakahilig talaga ng kanyang ina sa mga patungang ek-ek.
“Oh, anak? Bakit tumigil ka na sa pag-iyak? Kanina lamang ay halos kinig na ng buong barangay yang pag-atungal mo, ah.” tila naman nahimasmasan na ito at naisip marahil na nag over react lang ito kanina. “Ano bang problema?” sabi pa nito sabay lakad patungo sa kinahihigan niya.
Tsaka naman niya naalala kung bakit siya nag-aalburoto. “eh kasi naman mommy, ikinasal na siya. Iniwan na niya ko.” Tila batang pagsusumbong niya. Pinahid pa niya ang kanyang imaginary tears sabay dakot ng popcorn na dere-deretso din naman niyang isinubo.
Gulat na gulat namang napatitig ang kanyang ina sa kanya. Walang kaide-ideya sa mga ipinagngangata nita niya. “Teka teka, anak. Sino ba itong ikinasal na at iniwanan ka? Is this your boyfriend? Oh no, heaven no, don’t tell me you already have boyfriend and you even didn’t bother to tell it to me. How cruel you are. Ang sakit ng ginawa mong ito anak.” Saklot saklot nito ang dibdib at tila bida sa isang telenobelang pahayag ng kanyang ina. Idagdag pang tila pinahid din nito ang imaginary tears nito.
“Anak, diba ako ang bestfriend mo? Bakit hindi kana nagsishare saken? Nakakasakit ka ng damdamin, you know.” Patuloy pa ding pagdadrama ng kanyang ina.
Napapailing na lamang siya. Akala pa naman niya at kaya nagmamadali itong umakyat sa kwarto niya ay upang aluin siya, yun pala ay balak din lang nitong samahan siya sa pag-iinarte. “mom, wala pa kong boyfriend no! Tsaka, hello, moment ko kaya ngayon, hayaan niyo na munang ako lang ang mag emote ngayon. Bukas na lang kayo kung gusto niyo.” Napapakamot sa ulo na sabi niya. Tila nawala na yung momentum niya sa pag eemote. Ang mommy naman kasi niya eksenadora rin at kalahati.
“Talaga anak, hindi ka naglilihim sa akin? No secrets at all?” tanong pa din ng makulit niyang ina. Hindi man din niya mawari kong nanay ba niya talaga ito. Aba eh mas mukhang makulit pa ito sa kanya.
“Oo nga, Mom. Kulitis niyo mandin”. Hala, nawala na ng tuluyan ang gana niya sa pag eemote.
“Oh, kung wala ka naman palang boyfriend, sino itong sinasabi mong nagpakasal na at iniwan kana? Huwag mong sabihin sa akin na,” biglang nanlaki ang mga mata nito. “isa sa mga lalaki mo? ”