Nagulat ang mga kaklase ni Sky ng makita siya sa campus nila, hindi ito makapaniwala na ganun siya kaganda, ang mga nagsasabi sa kanya dati na pangit ay humahanga na sa kanya. Hindi naman ngtanim ng galit si Sky sa mga ito dahil talagang pangit naman siya dati mga tunay lang niyang kaibigan ang nakakita sa tunay niyang kagandahan.
"Ang ganda mo Sky". puri sa kanya ng kaibigang si Yssa.
"Salamat Yssa, hindi ko nga rin alam na maganda ako". pagbibiro niya sa kaibigan. Napansin ni Sky na lahat ng lalaki niyang kaklase ay nagpapa cute sa kanya. Napansin naman ito ni Yssa."Tumigil na kayo, kasi taken na ang Bestfriend ko sa pinakagwapong studyante dito sa school natin". malakas na bangit ni Yssa sa mga nagpapacute kay Sky. Natawa naman si Sky sa tinuran ng kaibigan.
"Tumigil kana Yssa, nakakahiya". nakangiting saway niya sa kaibigan.
"Dapat lang nilang malaman ano? nagpapacute pa kasi, noon naman hindi ka nga pinapansin nila". Paliwanag nito sa kanya. Tama naman ang kaibigan niya."Sky andito na ang prince charming mo". siko sa kanya ni Yssa. Nandoon pala si Denver sa labas at naghihitay sa kanya. Lumabas si sky at pinuntahan ang kasintahan.
"anong ginagawa mo rito? may klase pa kami". tanong niya sa lalaki.
"Namiss kasi kita". sagot nito na nakangiti at hinalikan siya sa labi nito. Nagsigawan naman ang mga ka klase niya maliban kina Tiffaney at Bernice.
"I miss you too". nakangiti niyang sagot sa kasintahan, Ang sweet nilang dalawa parang ang tagal nilang hindi nagkita.
"Sige na, baka darating na si maam,bye". paalam niya sa binata at bumalik na siya sa upuan niya."Nakakainis!" anang Tiffaney sa katabi nitong si Bernice. "Bakit ba kasi si Sky ang gusto ni Denver?". tanong nito sa kaibigan.
"Ewan, gumawa ka na lang ng paraan para maagaw mo si Denver sa babaeng yan". sagot naman ng malditang si Bernice.
"gagawa talaga ako ng paraan, maghintay ka lng at maaagaw ko rin si Denver sa babaeng yan". galit na sagot ni Tiffaney sa kaibigan habang galit na nakatingin kay Sky ngunit hindi ito nakita ni Sky.Sa math org. office.........
"Hi! are you aaron ang president ng math org?". tanong ni Tiffaney sa lalaki.
"Yes, bakit may kailangan ka miss. Tiffaney?". tanong ng lalaki sa kanya. kilala nito si Tiffaney dahil siya ang nanalo sa beauty pageant sa school nila kaya sikat siya sa campus nila.
"May hihilingin sana akong pabor sayo," . maarting sagot nito.
"Ano naman iyon?". tanong ng binata. Alam ni Tiffaney na may gusto ang binata sa kanya, noon pa may nagpaparamdam na ito sa kanya.
"Gusto kung siraan mo si Sky kay Denver". walang gatol na utos nito. Diba gusto mo ako? pwes kapag nagawa mong i uutos ko ay magiging tayo. May sinabi pa ang babae sa lalaki ngunit sila lamang dalawa ang nakakaalam kung ano iyon.Habang nasa Library sina Yssa at Sky ,papunta naman doon si Aaron.
"Sky, may gagawin kaba mamaya pagkatapos ng klase mo?". tanong ng lalaki sa kanya.
"wala naman bakit?". tanong niya sa math org president nila.
"Gusto ko sanang magpatulong sa iyo para sa org natin". sagot nito sa kanya.
"Sige ,walang problema sa akin, pupunta na lng ako doon mamaya pagkatapos ng klase ko". anang Sky at nagpaalam na ang lalaki sa kanya.Pagkatapos ng klase ni Sky ay agad siyang nagtungo sa Math org office nila para tumulong kay Aaron. i tetext na lng niya si Denver na nandoon siya.
"Hi!". bati ni Sky sa lalaki, nakita niya itong nakatalikod at may ginagawa.
"Oy, Sky nandito kana pala, gusto ko sana na ikaw ang guamawa ng questioners para sa mga bata na tinu tuitoran ng org natin." anang lalaki at inabot sa kanya ang isang blankong papel at ballpen.
"Sige ,walang problema". sagot naman ni Sky habang kinuha niya ang mga gagamitin niya para sa mga questioners,
Nag kukwentuhan sina Sky at Aaron nang bigla siya nitong siniil ng halik, nagulat si Sky sa ginawa, nagpupumiglas siya ngunit hindi niya kaya ang lakas ng pagkahawak sa kanya ni Aaron at ang lahat ng iyon ay nakita ni Denver. Nagulat si Sky ng makita si Denver. Galit ito at bigla na lamang umalis. si Sky naman ay naiwan, sinampal niya si Aaron at saka sinundan si Denver.
BINABASA MO ANG
MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)
Ficção AdolescenteThe love story of a Rich guy Denver Castillo and the poor girl Sky Sebastian. Their story started when Sky got a scholarship from the famous School where Denver is currently enrolled.