"POPOY?!"
Napangiti si Popoy saakin habang nakasilip sa cubicle na kinalalagyan niya."Takte, kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala! Anung nangyari sa'yo? Bat di mo sinasagot mga tawag namin? Bakit nandyan ka? Ikaw ba yung nambomba dito sa--"
"Pwede isa-isa lang? Mahina kalaban! Mamaya ko na sasagutin yung mga tanong mo kasi mas importante ang tanong ko.""Ano yun?"
Nagseryoso yung mukha niya at dertso niya akong tingnan. Bigla akong kinabahan.
"May tissue ka?"
****
Sa wakas at nairaos na ni Popoy ang problemang pangtiyan niya. Kaya naman pala hindi siya pumasok noong 1st subject ay dahil balak niya talagang maghalf-day, ang kaso pagpasok niya sa school ay biglang nag-alburoto ang tiyan niya kaya't dumeretso siya sa banyo.
"Minalas nga lang dahil sira pala yung flush ng toilet tas nakalimutan ko pa yung tissue ko sa bahay." Kwento niya saakin habang naglalakad kami.
"Ang malas mo nga. Oh sige uwi na ako." Sabi ko at kakaripas na sana ng takbo kaso nahawakan ni Popoy yung collar ng uniform ko.
"Hephephep! Akala mo nakalimutan ko na ha. Tatakasan mo pa talaga ako ha." Sabi niya saakin at bigla akong binatukan.
"Aray! Ikaw pa talaga yung may ganang manakit no?"
"Eh sa tatakasan mo ako eh." Sabi niya at kinaladkad ako habang hawak niya ang collar ko.
"T-teka! Hoy! ANO BA?! BITAWAN MO NGA MUNA AKO!"
"Ayoko nga, tatakasan mo nanaman ako eh."
"Takte, Poy nasasakal na ako!" Patalikod kasi ako maglakad dahil hawak niya pa din yung backside ng collar ko.
Di niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagkaladkad saakin, kaya no choice na lang ako kundi ang sumunod sakanya.
"We is here." Sabi ni Popoy at binitawan na din ako sa wakas.
"Tangna akala ko mapupugutan ako ng ulo dun ah. Sakit ng leeg ko."
"May leeg ka pala?"
Sinamaan ko siya ng tingin pero ningitian niya lang ako.
"Nasaan ba kasi tayo? Ani ba kasing balak---"
Natigilan ako. Ngayon ko lang napansin na kinaladkad pala ako ni Popoy papunta sa GIRL'S VARSITY CR.
"ANONG GINAGAWA--" agad na tinakpan ni Popoy yung bibig ko
"SHHHHHHHHH." Sabi niya saakin with matching talsik laway pa.
"Wag ka nang maingay!" Bulong niya sa tenga ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya't tinulak ko siya.
"Eh bakit kasi nandito tayo?!"
May dinukot siya mula sa bulsa niya at inilabas ang kulay pink na telang napaka pamilyar saakin."Ibabalik na ang dapat ibalik."
Napakunot ako ng noo at pinanuod lang si Popoy na pumasok sa koib ng banyo.
"Hoy samahan mo ko ugok." Sabi niya at hinatak ako papasok. Kahit kailan hind8 ko pinangarap na pumasok sa loob ng cr ng babae, kaya't agad kong napansin ang malaking pagkaka-iba ng banyo naming mga lalaki sa banyo ng mga babae. Pero bat ganon? Ang bango ng banyo ng mga babae, amoy bagong labada at pulbos. Habang sa banyo naming mga lalaki, ang panghi. Tas mas malaki yung salamin nila kesa sa amin, yung tipong nasasakop na niya yung isang buong pader. Di naman ata makatarungan ito.
Pumunta kami sa shower room nila kung saan naklagay ang hile-hilerang lockers ng mga babeng varsity players namin. Hindi ko alam kung paano, kailan, o bakit alam ni Popoy kung nasaan yung locker ni Barbie dahil walang pang aalinlangan niyang pinick lock ang kandado ng isang locker na punong-puno ng sticker ni doraemon.
"So eto yung panghenyo plano mo? Bubuksan yung locker ni Barbie at ilalagay dun yung panty niya?"
"Yep." Sabi niya sa akin ng di man lang ako nilingon.
"Teka, pano ka nakakasiguradong locker niya to?"
"Sabi saakin."
"Nino?"
"Basta."
"Sigurado ba yang source mo na eto yung locker ni Barbie?"
"Oo."
"Eh paano kung mali tayo? Pano kung mali yang source mo? Ano nang mangyayari saa-- aray." Aba gago to ah, ihahis ba naman sa mukha ko yung padlock ni Barbie. Swak pa sa noo.
"Pwede ba? Itigil mo nga nga yang pagdakdak mo! Nakakaloka ka ha."
"Hah?" Hundi ko kasi narinig yung huli niyang sinabi.
"Sabi ko itigil mo yung kakadakdak mo, nakakabwiset." Inilahad niya yung kamay niya.
"Oh ano yan? Wala akong barya."
" Gaga, yung panty akin na." Nagsalubong yung kilay ko.
"Hah? Wala saakin."
"Sows, binigay ko kaya sa'yo." Sabi niya at bigla siyang ngumisi."Ano?" Sabi ko sa kaniya nakakunot ang noo.
"Ikaw ha, pinipilit mo pa akong ibalik yung panty eh gusto mo rin pala."
"Hah? Ano bang pinagsasabi mo?"
"Yung panty ni Barbie, tinago mo.""Gago ka talaga. Wala nga talaga saakin, seryoso."
Napalitan ng pagtataka ang mapang-asar niya mukha.
"Eh nasan na yun?"
"Eto bang hinahanap niyo?"
BINABASA MO ANG
Kilabot Ng Bayan (On Going)
HumorMinsan kailangan mong umasa, mangarap, at maniwala sa himala. Kahit mukhang imposible, basta't pursigido ka, magiging posible. Gagana kaya ang ganitong paniniwala sa isang "kilabot ng bayan" para makamit ang matamis na oo ng kaniyang iniibig?