54th Chapter

137 13 2
                                    

•••••

[Pryztel]

Nasa kwarto namin ngayon si Hajie. Nagsisimula na silang magbonding ni Chammy at Hyui kasi may similarities daw sila na di ko pa matukoy kung ano.

"Pano ba yan?Extended tayo dito?"-nagdiwang ang mga bruha. Naiwan kasi kami ng bus na sasakyan namin dapat. Bukas pa darating ang susunod na bus so we got to spend the night here.

" Oo nga so ano,magkwento na kayo kung anong peg nyo sa gitna ng dagat kanina"-excited na sabi ni Chammy.She really loves storytelling.

*knocking sound*

"Ako na"-sabi ko at umahon na sa kama.Nang nasa harap na ako ng pinto bigla akong kinabahan.Dahan-dahan kong pinilit ang doorknob pabukas.

" Yuan"-parang di ko magugustuhan ang mangyayari ngayon gabi.

"Zic"-I mentioned his name thinking was it a fake name also.

" Can we talk?May sasabihin lang ako"-mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba.Di ako makapagsalita kaya tumango nalang ako at lumabas ng kwarto. Di na ako nagpaalam sa tatlo.

Sinundan ko sya kung san nya gustong mag-usap kami. Narating namin ang tahimik na parte ng resort. Naupo ako sa swinging bench soon habang sya nanatiling nakatayo at nakatalikod sa akin. His hands were inside his pockets. Pinagmamasdan namin ang ganda ng paligid.

"Yuan,anong nangyari sa inyo?Bakit kayo nagpunta dun?"-talaga?Gusto nyang magpakwento?Ngayon nakaharap na sya sakin pero limang metro ang kayo nya sakin.

Napatingin ako sa paa ko.Ayokong salubungin ang mga tingin nya.

" Ano ba yung sasabihin mo?"-tanong ko.Alam ko naman kasing hindi lang yun ang gusto nyang sabihin.Narinig ko ang pagkawala ng mabigat na na hangin nila sa bibig nya.Sa totoo lang alam kong masasaktan ako sa sasabihin nya pero dapat ko na ring marinig ang katotohanan.

"Yuan,I'm sorry"-unang linya pa lang nya parang aagos na ang mga luha ko.Di ako umimik at alam kong mangangatal lang ako sa pagpipigil ng luha.

" Kasi nagsinungaling ako. Hindi ako mahirap,wala akong pamilya sa probinsya.Anak ako ng Fiore.Nanggaling ako sa makapangyarihang pamilya sa Tokyo."-umamin na sya ngayon.

"Ano pa?Ano pang kasinungalingan ang pinalabas nyo ni Corrs?Ha?Sabihin mo Zic! Kung yun man ang totoo mong pangalan"-tears starts to run down on my face. Bahagya syang nagulat sa sinabi ko.

" Yuan,I'm really sorry. Pero totoo Yuan,totoo ang nararamdaman ko para sayo.Mahal kita Yuan"-lumapit sya at pinahid ang mga luhang sunud-sunod na kumawala sa mata ko.

"I hate you.I hate you so much!Pinaglaruan nyo ako!Bakit?!Ano bang ginawa ko sa inyo para gawin to sakin?!Mahal mo ako?!Tama na!Tama na lahat ng kasinungalingan Zic,naaawa ka lang sakin!Sabagay kasalanan ko naman ang lahat! Karma ko na rin to!Ayoko na!"-humahangos na ako at pilit syang tinulak papalayo sa akin.

" Yuan please pakinggan mo ako"-nagsisipatakan na rin ang mga luha nya.

"Ayoko ng marinig ang mga kasinungalingan mo!Si Akane,di ba hindi sya girlfriend ng kapatid ko?!Dahil fiancée mo sya!"-ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Mas masakit pa sa dati.

" Hindi ko sya mahal ikaw ang mahal ko Yuan please maniwala ka"-nilapitan nya ako ulit at niyakap. Nag-iyakan lang kami. Higpit na higpit ang yakap nya pero lalo lang akong nasasaktan.

"Zic,"-kalmado kong sabi sa kabila ng pag-iyak ko.

" Yuan please,"-nababasa na ng mga luha ko ang damit nya dala ng pagkakayakap nya sakin.Kumawala ako sa yakap nya.

"Di ba,tinatanong mo kung anong nangyari kanina sa amin ni Hajie?"-ngayon sinubukan ko na syang titigan sa mata.

" Yuan hindi na yun mahalaga. Please makinig ka muna sakin."-hindi ko sya pinakinggan at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kasi habang nag-eempake ako kanina,may napulot akong bagay na di ko pag-aari. Naisipan kong isoli yun sa may -ari kaya hinanap ko sya. Napadpad ako sa dalampasigan,nakita ko sya kaya lang di ko na nasauli kasi may kasama syang iba. Nag-uusap sila kaya hindi na ako nang-istorbo. Umalis ako at nakita ko si Hajie sa isang bangka. Sumakay ako kaya lang yung tali natanggal. Napalayo kami.Nahulog ako sa bangka,akala ko mamamatay na ako. Pero niligtas nya ako sa pagkalunod. Nag-aalala akong di na kami makakabalik pa dito pero dumating kayo."-ngumiti ako kahit sobrang sakit ng kalooban ko.

" Tapos ngayon nahanap ko yung may-ari kaya ibabalik ko na sa kanya ang mahalagang bagay na naiwala nya"-kinapa ko sa bulsa ko ang singsing. Kinuha ko ang kamay nya at pinatong ito sa palad nya.May halong gulat sa ekspresyon nya pero ngumiti lang ako.

"Zic,napulot lang kita ka gaya ng singsing nato.Hindi ka naman sa akin. Kagaya ng singsing nato sandali ka lang naging sakin. Kailangan kong gawin ang dapat."-I closed his palm that was holding the ring.

" Hindi kita pag-aari Zic,pansamantala ka lang naging akin. I-Ibabalik na kita sa kanya"-namanhid ang buong katawan ko.Napakaliit na parte ng katawan ang puso.Pero pag ito ang nasaktan,sobrang sakit.

Tinalikuran ko sya at parang nakalutang na naglalakad.Wala na ako sa huwisyo ko.Ang bigat ng loob ko lang ang dama ko.Mahirap bitawan ang taong alam mong gusto mo pang makasama sa buong buhay mo.Pero wala kang karapatang angkinin ang di sayo.

Napatigil ako sa paglalakad nang naramdaman ko ang kamay nyang nakayapos sa akin habang nakatalikod ako.

"Watashi wa itsumo anata o aisuru koto o oboete oite kudasai,Yuan-chan"-he whispered. (Remember that I will always love you Yuan)

Now it makes it all harder for me. I didn't responded. Inalis ko ang kamay nya at patakbong umalis.

•••••

xoxo

D

erpyYeolie


My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon