Kasalanan Ko Ba? (One-shot)

14.1K 267 95
                                    

Kasalanan Ko Ba? (One-shot)

All Rights Reserved 2013

-----------------------------------------------

Kasalanan ko ba kung lagi mo kong kinakausap? Ikaw naman ang unang lumalapit.

Kasalanan ko ba kung lagi mo kong kinukulit? Ikaw naman ang nanguna nun e.

Kasalanan ko ba kung lagi mo kong tinatawagan? Bastos naman kung hindi ko sagutin.

Kasalanan ko ba kung umasa ako? Di ko naman sinasadya e.

Pero kasalanan ko ba... na minahal kita?

-----------------------------------------------

Sitting prettily while holding a book and munching chips, I saw you coming along.

"Honey babe, penge naman niyan!" sabay lahad ng palad.

"Che, tigilan mo nga yang kakatawag mo sakin ng ganyan! " sigaw ko. Honey babe naman ngayon.

"Eh bakit ba? Ang cute kaya!" ngumuso pa. 

Yan. Yan ang eksaktong dahilan kung bakit ako umaasa na baka gusto mo rin ako. Kung maka tawag kasi sa akin ng endearment, akala mo tayo. Nakakaasar... pero gusto ko. Kainis!

"Sweetie naman e. Sige na! Isa lang naman e. Damot!" sabi mo habang akmang kukunin mo yung Nova.

"Oo madamot ako!" 

Oo, madamot ako. Pero di kita kayang ipagdamot kasi ano mo ba ako? Di kita pwedeng ipagdamot kasi hindi ka naman sa akin. Anong karapatan ko? Isa lamang akong hamak na kaibigan. Oo, kaibigan lang. Alam kong hanggang kaibigan lang.  

Kasalanan ko bang mapalapit ako sayo?

"Hoy Xander, pwede ba? Bumili ka ng Nova mo!"

"Ang damot mo talaga! Wag na nga." at bigla kang nanahimik. Nakakakonsensya tuloy. Jessica, resist him! Aish.

Ay hindi ko na kaya! Inabutan na kita ng Nova. Medyo paubos na pero choosy ka pa? Buti na lang mahal kita , kundi kanina pa kita kinutusan.

Kasalanan Ko Ba? (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon