Casey Andrea Salvador's P.O.V.
"Di na talaga ako sasakay sa Roller Coaster na yan. Feeling ko lalabas lahat ng sikmura ko. Ayoko na!" Saad ni Jen. May point siya. May sinat din kasi ako. Kaya nahihilo ako. Kaso, nasisiyahan talaga ako. Lalo na kapag iniisip ko ang mangyayari mamaya.
"Okay ka lang? Kanina ka pa tawa ng tawa diyan, Casey." tanong ni Kim. Hala! May nakahalata na. Arte muna tayo. XD.
"Oo naman! Nagenjoy lang." sagot ko. Maniwala na kayo.
"Nasobrahan ata. Ano meron? May boyfriend ka na noh?" pangaasar ni Andrei. Anong boyfriend ka diyan? Di mo ba alam na ikaw ang gusto ko maging BF. Charot! Tama na nga, nakakabaliw pala ito.
"Hindi ah! Nagenjoy lang talaga ako. Promise!"
"Okay sabi mo."
"Tara isang round pa tayo guys. Last na talaga 'to promise. Please?" sabi ni Ayana. Adik talaga. Haysst! Gusto ko na mag-arcade.
"Oo nga! Last na talaga. Ayaw niyo yun. Adventure." Pagsang-ayon naman ni BF. Si Boyfriend talaga. Hay Casey! Tama na nga ang daydream hanggang best friend lang yan.
Sa huli nanalo kami. YES!! Arcade Time!! I-handa niyo na ang camera para sa best reaction of the day. Excited na talaga ako.
"Guys, sa S.A. Zone tayo. Ano?" tanong ko. Pumayag kayo. Pero siyempre, dapat lang na doon talaga tayo.
"O sige ba! Yun kaya ang pinakasikat na Arcade kaya doon talaga tayo. KKB na ha. Ikaw Andrei libre mo na best friend mo." -Ayana.
"Naku, nakakahiya naman." sabi ni Jen.
"Wag kang mahiya. Akong bahala! Pera lang yan. Mayaman kaya kami."
"Ang yabang dre! Mas madami kaya akong pera sayo." Si Kevin talaga. Pasalamat ka talaga at gwapo ka. Kung hindi, nabato na kita ng aking heels. Baka may heels! Eh, sandals nga lang ang sinuot.
"Tara na na guys!" Pagtitigil sa kanila (in a way) ni Kim. Tama yan! Para magawa ko na ang plano ko. Teka...ayan na naman ang pagsmirk ni Kevin. Ano kayang meron sa dalawa na 'to?
Pumasok na kami sa S.A. Zone. Eto na. Bago yun, let's do the first step.
"Guys, teka lang ha. May kakausapin lang ako." tumango sila sa akin at nagsibilihan ng tokens.
Ayana Lopez' P.O.V.
Ang saya talaga. Di talaga mali ang desisyon namin ni Kim na makipagkaibigan sa kanila. Pagkapasok namin, bigla na lang nagpaalam si Casey na may kakausapin daw. Which is di ko alam kung sino. Di naman ako gossip girl, kaya pabayaan niyo na. Tumango na lang kaming lahat at bumili ng tokens. Siyempre ako ang binayad ko ay worth P500 tokens. Ang yaman ko noh. Pinaghandaan ko talaga. Ang tagal ko na kaya di nakaka-arcade. Puro kasi shopping and stuffs.
Naglaro muna kami ng individual game. Mamaya na yung group. Para di ba, may ticket kami.
Pagkabalik ni Casey, tinawag niya kaming lahat. Ang weird. Ano kaya yun?
"Guys, laban tayo. Group game. Saan niyo gusto?" Ay! Nagmamadali? Kung sabagay, mas masaya din kung may kalaro ka.
"Basketball!" sabi ni Kevin. Ex-classmate ko yan dati. Di pa rin nagbabago. Gwapo pa din........este basketball pa din ang hilig.
"Okay! ^___^" ang saya naman ata. Marunong ba siya nun? Ako nga hindi masyado.
"Pustahan tayo. Matatalo yung girls. Isang libo sa akin." Siyempre ako yun! Tiba-tiba ako nito.
"1.5 sa aming dalawa. Hahaha! Matatalo talaga kayo girls. Pagnanalo kami ha. Yun na yun. Alam niyo na. Money money. Haha!"
"Libre niyo dinner kapag natalo kaming girls. Two vs. Four." sabi naman ni Kim. "How about you Casey. Magkano pusta mo?"
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...