Chapter 4

143 5 0
                                    

Chapter 4
Campaign

The Saturday ended fast and then come Sunday, maaga pa lang ay naririnig ko na si Mommy mula sa labas ng kwarto ko na tinatawag si Daddy na tingin ko ay nasa gym room para sa kanyang morning exercise.

"Ramon, get up already." si Mommy, ngayon ay pumapasok na sa kwarto ko at ginigising ako.

I looked at the bedside table and saw that it's only seven in the morning.

"We're going to church, tumawag ang Lolo mo. We'll have lunch at the mansion."

Yun lang ang sinabi niya at lumabas na ulit.

Ilang sandali lang ay bumangon na rin ako. I took a quick shower and went to my closet to find something to wear. Since we're going to church ay nag dress na lang ako, knee length lang ang haba noon dahil hindi allowed sa aming church kung mas maikli pa doon ang length ng skirt. Cream ang kulay noon na pinartneran ko lang ng flats na sandals. I just applied my usual light make up and light lipstick. Ang buhok ko ay niblower ko lang, wavy ito natuyo which I like because I don't want to curl it o kaya ay iplantsa para lang umayos. After applying my signature perfume ay lumabas na rin ako at bumaba.

"Good morning, Dad." bati ko kay Daddy na kasunod kong bumababa ng aming hagdan. He's on his usual white polo shirt and pants.

"Morning, sweetheart." he greeted back, kissing me on my cheeks. "Where's your Mom? Kanina pa siya nagmamadali, tapos ay siya pala itong hindi pa tapos magbihis."

Ngumiti ako at agad na natanaw si Mommy na pababa na rin ngayon. She's fixing her earrings as she walks down our stairs.

"I told you to wear the black one, Kristoph." bungad niya pagkababa. She's referring to Dad's shirt. "That's an old shirt you're wearing."

"It's fine, Darling. Sa church lang naman tayo at sa bahay ni Papa. There's no need to dress too much."

Buong byahe tuloy ay sinesermunan ni Mommy si Daddy dahil sa suot niya. Mom is insisting na dapat ay iyong black na shirt ang sinoot ni Daddy because the white one looks old na raw. Honestly, hindi naman din halata. Mom's just insisting about it because she doesn't want Dad or Me or Her to look less than the other members of the family. Ewan ko ba, she just always likes to compare.

When we arrived at the church ay nandoon na sila Maggie at Leucio with Tito Emmanuel and Tita Lilybeth. Because they are the earliest ay sa may first row sila nakaupo katabi ni Lolo at ng kanyang second wife.

"Good morning, Papa." si Mommy ang unang bumati at yumuko para batiin si Lolo. "Good morning, Marissa." binalingan niya ang katabi ni Lolo at binati rin.

Sunod na bumati si Daddy, katulad lang ng ginawa ni Mommy. Tapos ay ako. After the greetings ay umupo na rin kami sa second row.

Maya-maya ay unti-unti na rin na napuno ang simbahan. Dumating na rin ang iba ko pang mga Tito at Tita kasama ang ibang pinsan. Sa row namin ay nakaupo si Trevor at ang kanyang parents. Ang mga huling dumating ay inoccupy naman ang third at fourth row.

Buong misa ay tahimik lang ako. Noong nag-homily ang pari ay nagulat ako ng siniko ako ni Trevor. Napatingin ako agad sa kanya.

"Look at Leucio." si Trevor, nginunguso si Leucio na nasa aming harapan.

Ngumisi ako at pinigilan ang ngiti noong makita ko si Leucio na seryosong nakikinig sa homily ni Father. Tumatango-tango pa na akala mo ay nakakarelate at naiintindihan ang sinasabi ng Pari.

"After this mass ay tignan mo kung makakailang mura ang isang 'yan." bulong niya.

Natawa ako at agad na nagsisi dahil narinig iyon ni Mommy. Napatingin ako sa side niya at nakita siyang tinataasan ako ng kilay.

"Listen." she mouthed.

I cleared my throat at umayos na ng upo. Hindi na muli pang nangulit si Trevor kaya hanggang sa matapos ang mass ay tahimik akong nakapakinig.

Buti nalang ay after mass hindi na naalala ni Mommy iyong kanina dahil baka ako naman ang sermunan niya sa byahe papunta sa mansion.

At the old house, papasok pa lang kami ng gate ay may mga nag-iikot na na mga trabahante. Others were busy maintaining the garden, iyong iba naman ay namukhaan kong mga tauhan ni Lolo sa farm.

The ride from the gate to the mansion will take a minute or two. Noong huminto ang aming sasakyan sa may main door ay may nakaabang ng driver para kuhanin ang susi kay Daddy para sila na ang magpark sa garahe.

As usual, wala naman nagbago sa mansion. It's still huge as I remember it. The entrance and hallway to the living room is spacious. Kayang-kaya nga maghost ng maraming tao during parties or any get together.

"What's up? Ang bilis niyong nakarating, ah?" said Leucio, pumapasok ng living room kung nasaan kami at nauupo sa empty space sa tabi ko dito sa sofa. "Damn, montik pa kaming maligaw. Nagkamali ako ng street na nilikuan. Dad's pissed dahil montik pang tumama ang bumper ng kanyang fortuner sa poste." tumawa siya.

"Nothing's funny, Leucio! Montik mo nang maibangga ang sasakyan." Umirap naman ang kapatid na si Maggie. She sat at across us. "Bakit ba kasi hinahayaan ka ni Daddy mag drive."

"Inggit ka lang dahil pinapayagan ako ni Daddy. Sa 'yo kasi ay walang tiwala dahil baka maibangga mo lahat ng sasakyan sa bahay!" pang-aasar ni Leucio at nagsimula na silang mag-asaran doon.

The others started to arrived too. Huling dumating si Lolo kaya natahimik na rin sa pagbabangayan sila Maggie.

"The cooks prepared lunch, dito na kayo kumain." sabi niya. "I'll just go upstairs to change my clothes."

My Tito and Titas went to the dining to help setting up the table. Tita Liezel brought some fruits na pinaayos niya at pinalagay sa ref para lumamig mamaya pag sinerve. Naiwanan kaming magpipinsan dito sa living room at inabala na lang ang sarili sa pagtingin ng mga paintings at mga collection ng libro ni Lolo na nandoon.

After a while ay tinawag na rin naman kami kaya pumunta na rin sa dining room. Like the living room, maluwag din ang dining at kasya kaming lahat sa lamesa. Unlike the setup sa church ay pinili ko ang maupo sa tabi ng mga pinsan ko. Wala na rin naman nasabi si Mommy dahil busy na siya sa pakikipagkwentuhan sa mga Tito at Tita ko.

While eating ay doon ko narealize kung para saan ang pag-imbita ni Lolo ng lunch dito sa mansion. It's almost election, kaya nagschedule ng lunch to talk about his plans and how we can all contribute and help.

Noon pa lang, Lolo's already supporting couple of charities na until now ay sinusuportahan pa rin niya. I remember noong last na eleksyon ay nagpunta pa kami nila Maggie sa charity events to show our support. Ngayon ay hindi ko alam kung ano ang magiging plano.

"Romino is an alumni of San Miguel High School, so that's one of my priorities." Lolo said. "I've been told of the improvements needed so we'll see..."

The whole lunch is all about that. Talking about his platforms, some are just continuation of the projects na ginagawa niya naman na ngayon, others are new ones.

As expected, a week after ng lunch sa bahay ni Lolo ay cinontact sila Mommy ng kanyang campaign manager. Mommy's excited to help, ganyan naman siya palagi. She likes the spotlight and she likes being praised by Lolo.

"Ramon, I ordered new things and books for school. I expect you to help deliver them." Mommy said, isang araw pagkauwi ko sa bahay at naabutan siya sa dining room na kakatapos lang makipag-usap sa phone.

"What? Saan, Mommy?" sabi ko, inilalagay ang aking lunch box sa sink.

"For SMHS." she said. "I contacted the school already. At nagsabi na ako sa Lolo mo at sa campaign manager, you'll do volunteer work there starting next Friday."

You Make My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon