"Kiks ngapala saan ka papasok ng college?"
"Hmm baka di na ako umabot don cassandra."
"Uh? Bakit kiks may taning na ba buhay mo?"
Shems Bakit ganon?
Siya na nga lang best friend ko e tapos iiwan pa niya ako.
"Aray naman pag ako nag ka amnesia ah!"
Sinapok na naman kasi ako e.
"Anu-Ano kasi pinagsasabi mong abnormal ka."
"Ang serious mo naman kasi e. Maka cassandra ka e."
"Para intense ahahahah."
"Sira Bakit nga?"
"Ayoko na umasa kay Mayor e. Masyado magastos ang kolehiyo alam mo namang sakto lang pinapadala ni nanay. Tuition lang naman sinasagot ni Mayor Paano yung ibang expenses?"
"Naks expenses English yon bes. Hahahaha"
"Cassandra naman e. Seryoso naman ako e."
"Hahahaha joki lang e. Sige continue. "
"Parang masama din naman loob ni Tita Agatha sa pagpapaaral sakin ni Mayor e. Pinag-aral nga nila ako simula umpisa pero para naman akong alalay sa kanila. Hindi naman sa nagrereklamo ako kaso ayoko na mag kautang na loob sa kanila e. Mahirap Cass masakit dito."
Sabay turo sa puso niya.
"Tama na yung napagtapos nila ako hanggang Sekondarya. Naging tatay na siya sa akin don. Hanggang doon na lang siguro yon. "
"Bes Mmk magpakailanman?"
"Dear papa dudut Bess."
Napatawa naman kaming pareho.
"Pwede naman siguro akong mag apply."
Dugtong pa niya.
"Saan naman?"
Tanong ko ng nakakunot ang noo.
"Sa ABS CBN "
Seryosong sabi niya.
"ARAY naman Cassandra Seraphine!"
Sinapak ko tuloy.
"O de MMK nga. Papa dudut ka pa dyan."
Natawa ulit kami ng sabay.
"E ikaw Bes san ka papasok?"
"Di pa namin napag-usapan ni mama e."
Nag shrug lang siya.
"O tapos na ba kayo? Tara na?"
Si mama. Galing kasi siyang CR e.
"Salamat Tita, Salamat Cass Congratulations!"
"Thanks Kiko. Grants din!"
"Maglock ka ng maigi dyan Kiko ah. Madaming loko ngayon."
Habilin ni mama kay kiko.
"Ako pa ba Tita."
Sabay pakita ng Biceps nya. Sus yabang muka namang kargador sa palengke.
"Osya Goodnight!"
Sagot ni mama bago pumasok sa loob.
Sumunod na din ako sa kanya.
"Ma hindi na daw papasok si kiks ng college."
"Uh? Bakit?"
"Uhm ayaw na daw niya umasa Kay Mayor. Kung yung perang pinapadala naman ng nanay niya aasahan niya di kaya ma e."
"O anong balak niya niyan?"
"Mag a-apply daw siya ma e."
"Saan naman?"
"ABS daw. Ma parang tanga sya no. Taas mangarap."
"Nak hindi masamang mangarap. Maganda nga yon e may pangarap ka, may goal ka hindi ka maliligaw."
Napatango lang ako kay mama habang nag iisip.
"E ma ako ba? Mag aaral pa ba ko? Kaya pa ba?"
Katulong si Mama sa isang mayamang pamilya dito sa pilipinas. Hindi ko alam kung kakayanin din ni mama pag pinagpatuloy ko pa ang kolehiyo.
Doon pa nga lang siguro sa kinainan namin kanina ubos na yung isang taong ipon ni mama e. Hayyy buhayy why so hard.
Napahinto naman si mama.
"Oo naman anak tutuloy anak."
Ngumiti si mama.
Kami nalang ni mama ang magkasama sa buhay iniwan daw kami ng tatay ko nang malaman niyang buntis si mama.
"Kaya ba ma? Wag na lang kaya? Sasama nalang ako kay kiks mag hanap ng raket."
"Anak natatandaan mo ba si Ms. Devorah?"
Napaisip ako.
"Yun yung mayordoma sa pinagtratrabahuhan mo diba ma?"
"Oo anak diba nag paalam ako sa kanya na ano hmm na pwede ba ako lumiban ngayon kasi nga a-attend ako ng graduation mo na kailangan nandoon ako kasi valedictorian ka."
Excited na kwento ni mama.
"Oh tapos ma?"
"Tinanong niya kung saan daw kita balak ipasok ng kolehiyo.
Wala akong nasagot anak hindi naman kasi ako sigurado kung kakayanin nga alam mo naman diba?"Tumango-tango ako at nakinig pa kay mama.
"Sabi niya Pwede ka daw pag-aralin ng amo namin anak. Kasi matalino ka naman daw pala pwede ka daw niya ipakiusap sa amo namin may mga ibang anak din pala ng katulong ang pinag-aaral ng amo namin. Alam mo namang si Ms. Deborah lang ang nakakaderetcho don."
Oo nga iyon ang kwento sa akin ni mama. Hindi daw sila deretchong nakikipag usap sa amo nila. Si Ms. Deborah lang
daw ang pwedeng kumausap dito. Palagi din daw naman Wala ang mga amo nila. Out of the country ganun."Talaga ma?"
Excited kong tanong kay mama.
"Saan daw ako ipapasok ma? Excited na ako."
"Sa The Crown Royal Academe Nak."
Tuwang-tuwang sabi ni mama.
The Crown Royal Academe?
"AYOKO MA!"
BINABASA MO ANG
The Crown Royal Academe
FanfictionThis is a school for elites, For the students who came from a well known families, And also know from their own capabilities. Inside and outside the country their names can be heard. What if Cassandra Seraphine, a poor girl from the low classes wil...