Ikatatlongpu't-tatlong Kabanata

753 12 7
                                    

Lumipas ang dalawang linggo. Hindi ko nakita si Patricia. Ni anino man lang niya o isang hibla lang ng buhok niya sana.

Okay lang pala na hindi kami ganun nagpapansinan pero nakikita ko naman siya.

Sa dalawang linggo na yun, napatawad ko na siya.

Ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa kayang isang tao lamang?

Ang problema ko nalang, kung magkikita kami. Ano na? Awkward kaya?

Nagpunta ako sa park mag-isa.

Ewan ko ba. Dinala ako ng paa ko dun.

I was just sitting alone there hanggang sa may,

“Pwede bang makiupo?”

Boses palang, alam ko na.

Tinignan ko siya. She’s smiling. Ang awkward. Ano? Ngingiti din ba ako?

Sige na nga.

Nginitian ko din siya tsaka ako umusog ng konti.

Umupo naman siya.

SILENCE.

*prutttt*

Shocks. Alam mo yung feeling na katabi mo yung nakaalitan mong bestfriend, silence tas bigla kang nautot? Kill me now please.

“Ganyan na pala pag naaawkward ka. Pffft.”

Napatingin ako sakanya.

Pilit niyang pinipigilan ang tawa niya.

Jusko day. Inday. Bakit ngayon pa ako nautot? Pwede namang kaninang wala siya diba? Ahuhuhuhu.

“Sige, tumawa ka nalang. Palagi mo naman akong tinatawanan nun kapag bigla akong nauutot eh.”

I said while reminiscing those days. Ganun talaga siya eh. Tinatawanan ako. Ang saklap diba? Bestfriend mo pero tinatawanan ka.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ikaw naman kasi. Ewan ko ba sayo, bakit palaging ganyan pag tahimik? Gustong-gusto mo gumagawa ng sounds. HAHAHAHAHAHAHAHAHA.”

Sabi niya na tawang-tawa.

“Tigilan mo nga ako. Malakas lang ang sounds sakin pero hindi mabaho no? Ikaw nga tong walang sounds pero mabaho eh. HAHAHAHAHAHA.”

Depensa ko naman sa sarili ko.

“Uyy, anong mabaho? Di naman ganun kabaho ah. Patas lang tayo ng amoy. Pero pag sa sounds, mas matindi sayo. HAHAHAHAHAHA.”

“Aba aba, mas matindi ka na mang-asar sa utot ko ngayon ah. Nag-away lang tayo, ganyan na. Masakit din. Aray.”
Sabay hawak ko naman daw sa part ng chest ko kung nasaan yung heart ko para kunwari masakit talaga.

Natahimik naman siya. Natahimik din ako.

Akalain mo yun, dahil sa pag-utot ko naging ganun? Nawala yung awkward atmosphere. Pero nakabanggit naman ako ng nakaka-awkward ulit.

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon