Huli? Oo, may question mark sa dulo. Di ko rin kasi alam kung eto na ba yung huli kong message na isusulat tungkol at para sayo. Haha ang galing, nakakatuwa at hindi ko na alam ang mga sasabihin ko pa sayo. Ewan ko nga kung may nararamdaman pako sayo o natatabunan lang yun ng mga salitang sinasabi ko na "nakapagmove on nako" at "may iba nakong gusto." Pinapamukha ko sa sarili ko na iba na. Hindi na sayo umiikot yung mundo ko. Na ang pangalan mo na dating bukambibig ay hindi na ngayon. DATI nga diba? Haha. Nakakatawa kasi nanghihinayang ako sa mga pangyayari na hindi natuloy dati. Yung mga ala-ala na hanggang dati nalang na dahilan upang ulit-ulitin ko ang mga sandaling iyon para maging sariwa pa sa aking isipan at hinding hindi ko makalimutan. Na maski ang petsa kung kailan mo ako pinakanapasaya at pinakanasaktan ay nandito saking memorya.
Nanghihinayang ka ba sa pagkakaibigang nawala? Malamang hindi. Isa lang naman ako sa mga pagkain na tinanggap ng iyong sistema hanggang sa nairita ka dahil nagiging pabigat nako kaya kailangan mo nang magbawas at iflush nalang sa kubeta dahil napagtanto mo na wala naman pala akong kwenta. Pasensya na kung parang hindi maganda sa pandinig ang ginamit kong panglarawan sa kung ano ako sayo, dahil nagiging hindi rin naman maganda ang araw mo kung marinig mo ang boses ko. Wala pa namang isang taon simula nung nagkakilala tayo at wala pang kalahating buwan tayo naging magkaibigan na walang ilangan kaya sa tingin ko hindi ka nanghihinayang. Kung tatanungin mo ako, oo nanghihinayang ako. Oo nga, tulad ng sabi ko, saglit palang tayo nagkakilala. Ayun na nga eh, saglit palang, kaya may oras pa sana na kilalanin natin ang isa't isa lalo pero wala eh.
Sa totoo lang, isa ka sa mga dahilan kung bakit ang kumpiyansa ko sa sarili ko ay wala na. Na bawat kilos o salita na gawin o sabihin ko ay iniingatan at pinagdududahan ko na, na natatakot ako na baka mali ito at ito ang dahilan kung bakit lumayo ka. Natatakot na rin pala ako, na kausapin ang kahit sino gamit ang pagpapadala ng mensahe sa kanila sa aking telepono, na baka mairita rin sila sakin, tulad mo, at maging sanhi ng pagkakawalan ko nanaman ng kaibigan. Nakakatakot kasi na wala kang kaibigan, na mag-isa ka nalang at kapag may problema ka ay wala ka nang malalapitan. Naniniwala rin ako na hindi ako maganda. Na kahit anong pilit ko na kumuha muli ng "selfie" ay hindi ko magawa. Na kahit na nakunan ko na ng larawan ang aking sarili ay agad ko itong buburahin sa takot na masabihan ng pangit, dahil sa tingin ko, ang pangit pangit ko kaya lumayo ka sakin. Kaya ang dating Layla na halos araw araw nagseselfie ay wala na ngayong litrato na sya lang mag-isa at siya lang ang kumuha. Ewan ko kung bakit pero isa ka rin sa nagpaapekto ng mga grado ko sa ikalawang markahan. Na mula sa mataas na grado ay nabawasan ito ng 1 hanggang 4 na puntos. Siguro kasi ay hindi parin ako makapaniwala noon sa nangyari kaya tinamad akong mag-aral pero buti nalang sinampal ako ng katotohanan at binawasan ko ang pag-prayoridad sa iyo. Kaya eto, pitong medalya ang nakamit ko. Salamat sayo sa pagiging inspirasyon ko. Na sana kahit isang beses ay bumilib ka sa akin dahil ako ang nakakamit ng pinakamaraming medalya pero Congratulations nga rin pala, dahil nakakamit ka rin ng unang gantimpala. Na ang iyong pinagpaguran at pinagpuyatan ay nagkaroon na ng bunga. Diba iyan ang gusto mong makuha? O ayan, congrats, nakamit mo na. Meron pa pala akong kinatatakutan. Ayoko nang maging masyadong masaya dahil sa takot na bigla lang itong mapapalitan ng matinding kalungkutan tulad ng pagpasaya mo sa akin dahil umamin ka na may gusto ko sakin pero bigla mo nalang ako iniwan. Sa ere. Para akong tangang naghihintay sayo. Sa mga pagsagot mo sa mga mensahe ko at sa muling pagpansin sakin akin. Pero ano? Natutuwa ka yatang panoorin ako na nagkakandarapa sayo kaya tinutuloy mo parin. Pero alam mo ba, kahit na may mga takot na nabuo sa dibdib ko, hinding hindi ako magagalit o maiinis sayo dahil lang sa mga takot na ito. Bakit? Kasi hindi mo naman ako inutusan na magkagusto sayo at alam ko namang para sa ikabubuti nating dalawa ang pagsakit sa akin kaya ayos lang. Tsaka wag ka sanang magalit, di ko naman sayo sinisisi yung mga nangyari eh. Alam kong naging childish rin ako tsaka wag ka mag-alala, mas magpapasalamat ako sa'yo.
Habang binubuo ko itong mensahe na ito ay napagtanto ko. Na ang pamagat nitong mensahe na ito ay magtatapos na sa tuldok. Dahil sigurado na ako, ito na ang huli. Ang huling mensahe na binuo ko para sayo. Pero hindi ko ipapabasa to sayo dahil alam ko namang wala kang pake sa nararamdaman ko. So dahil ito na ang huli, may mga sasabihin pako sayo, eto siguro ang final wishes and messages for you. So eto na.
Pasensya na. Sa mga panahong kinukulit kita. Sa mga panahong sinasabihan kita ng mga problema. Sa mga panahong sinasabihan mo na akong tumigil na pero hala sige, hindi parin ako nagpapaawat.
Salamat. Sa mahabang pasensya. Sa mga payo. Sa mga masasayang ala-ala. Nakakalungkot lang na hanggang ala-ala nalang 'to pero anong magagawa ko? Ganyan talaga ang buhay eh. Dun sa ribbon na binigay mo, salamat dun, yun yung isa sa pinakamagandang regalo na natanggap ko nung birthday ko. Alam ko namang hindi naman yun para sakin or di naman talaga yun regalo dahil natapat lang yun sa birthday ko pero salamat parin. At saka salamat rin, nang dahil sa'yo, marami akong natutunan.
Natutunan ko na hindi lahat ng bagay eh makukuha ko. Hindi porket pwedeng maging iyo dahil walang ibang nagmamay-ari ay pwede mo nang kunin. Natutunan ko rin na lahat ng bagay, may hangganan. Buhay nga ng tao may hangganan eh, patience pa kaya? Natutunan ko rin maging matured. Kahit sa tingin ko ay hindi pa halata sa kilos at pananalita ko yun madalas, pero alam kong nag-mature ako, matured mag-isip, ganun. Natutunan ko na isipin muna ng maigi ang lahat ng bagay na sasabihin sa kausap mo. Parang think before you speak. Hindi na rin ako magpapadalos-dalos sa mga desisyon, kasi baka ikasama pa iyon sa mangyayari sa future.
Syempre may narealize din ako. Narealize ko na masyado pakong bata. I'm to young to be in this shitty world of love. Pero buti nalang, di kita minahal, as a friend siguro, oo mahal kita pero as a man? hindi. Like lang to, alam ko. Gusto kita, i like you, ganern. Pero lahat nga ng bagay may hangganan diba? Kaya sa tingin ko, hindi na kita gusto. I don't like you anymore. Magfofocus nalang muna ako sa pag-aaral ko since marami akong goals sa buhay especially sa school year na 'to. Yun din naman siguro yung gusto mong gawin ko diba? By the way, kung gusto mo akong maging kaibigan pa, why not? Yan din naman gusto ko. Yung tipong wala nang ilangan ulit. Yung tawa nalang tayo ng tawa at hindi ka na iwas ng iwas. Imposible mang pakinggan para sakin pero everything's possible naman basta magtiwala ka lang eh.
So, eto na, mag-gu-goodbye nako. Alam ko namang hindi mo ito mababasa kasi hindi ko naman ipapabasa sa iyo to. Well, kung mabasa mo man ito, edi sorry. Sorry kasi baka nairita ka nanaman sakin at nagsulat nanaman ako ng napakahabang sulat para sa iyo. Pero tulad nga ng sabi ko, wag ka nang mag-alala dahil huli na 'to. Hindi na ulit papasok sa isip ko na gumawa pa ng letter para sa iyo. Salamat sa lahat. Hinding hindi kita makakalimutan, mula sa mga sinabi mo hanggang sa mukha mo. Di ko yan kakalimutan. Lol, this is not a dying message okay? Hahahaha. Hindi pala ako maggugoodbye, magsisee you lang pala. See you soon!