ika-apat

156 5 4
                                    

Nandito nga pala ako sa labas ng bahay at naglalakad sa may eskinita.

Habang naglalakad, may nakita akong apat na lalaki na nambubugbog sa isang lalaki.

Ang porma nga e. Gusto ko tulungan yung lalaki. Kaso parang napako yung dalawa kong paa sa semento.

Hindi ko alam kung ano yung mga problema nung apat na lalaki at nagawa nilang suntukin yung kawawang lalaki. Wala man lang siyang kasama.

Kung ako sa kanya dapat kapag lalabas ng bahay laging may resbak para kung sakaling may rumble at ikaw napabuntunan e may kakampi. For emergency purposes ika nga.

Nilapitan ko na yung mga nagsasapakan sa may eskinita. Ang lalakas ng loob nung mga lalaki na yun. Ang dami kasi nila. At habang papalapit ako sa kanila, tuluyan kong nakita ang mukha nung lalaki na pinagtutulungan nila.

Tang-ina yung mga gago, kapatid ko pala yung binabanatan.

Madali akong tumulong at ako na yung bumugbog sa apat na lalaki. Paker wala akong paki-alam kung apat sila. Basta tutulungan ko yung kapatid ko. Nakipagsuntukan ako kaya nga lang masyado silang madami. Pero wala akong paki-alam.

At habang pinagtutulungan na kami ng kapatid kong si Jonathan bigla na lang

Tumunog yung cellphone ko!

Nagising ako, ang sakit sa ulo. Tae yan! Panaginip lang pala. Buti na lang. Kung hindi, hindi ko na alam. 

Bumangon na ako sa kama at pumunta sa banyo. Gaya pa din ng dati, walang kain sa almusal. Pero parang may biglang nag-iba. Ako na lang mag-isa sa bahay at nawawala yung t.v namin.

Pambihira talaga oh. Sa lahat naman ng tao dito sa squatter kami pa napagtripan?

Pare-pareho nga lang kaming walang kaya dito. Nakakawala naman ng gana. Pagbalik ko na nga lang aasikasuhin tong panibagong problema. 

Habang naglalakad may apat na lalaki akong nakita na nambubugbog sa lalaki na nag-iisa.

Nilagpasan ko lang, kaya nga lang bigla kong naalala yung panaginip ko. Tae baka si Jonathan yun. Kaya bumalik ako sa mga nagsusuntukan at buti na lang mali ang hinala ko. Nakahinga ako ng maluwag pero kahit na hindi si Jonathan yung binugbog nila e tinulungan ko na yung lalaki.

Hindi nga kapatid ko yung nabugbog e ako naman yung hindi na halos makatayo ngayon. Hindi na ako makakapasok nito sa opisina. Tatawag na lang ako sa mga kasamahan sa trabaho. Maiintindihan naman siguro nila.

At nagpapasalamat ako sa mga taong umawat pati sa mga nag-iikot na kasamahan sa baranggay. 

Kung hindi siguro sila tumulong baka natuluyan na ako dito. Inihatid na nila ako sa amin at hanggang ngayon wala pa ring ibang tao sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan si Alfred at Joshua. E mga wala namang pasok yun mga yun. Limang taon na si Alfred at ganun din naman si Joshua kaya nga lang pass muna sila sa pag-aaral.

Kambal sila kaya magkapareho ng edad. Ang babata pa tapos labas na ng labas. Paano kung masagasaan yung mga yun. Palibhasa kasi walang natitira sa bahay. Si nanay naman kasi madalas wala dahil sagana sa labada. Nagdodoble kayod para mabuhay kami.

Sabi ko nga sa kanya nung nagsisimula na akong magtrabaho, na itigil na nya yung paglalabada nya dahil kumikita naman na ako. Kaya nga lang sabi niya, yung kita ko daw e gamitin ko na lang para mapagpa-aral ang mga kapatid ko. Kaya yun ang ginawa ko.

Wala pa naman kasi nun sila Alfred at Joshua. Kumbaga hindi pa sila ginagawa. Kaya malakas pa ang loob ko na gawin yung sinab ni nanay. Kaya nga lang biglang nabuo yung kambal kaya ngayon problema pa yung magbabantay sa kanila. Hindi na nga sila nabibigyan ng sapat na atensyon kahit sila pa yung bunso. Wala kasing nag-aasikaso. Naaawa nga ako sa kanila minsan dahil lagi na lang daw nasa labas at nasa bahay ng kung sinu-sinong kapitbahay. 

Ayos lang naman daw sa kanila dahil cute daw yung mga kapatid ko. Sa isip-isip ko lang, wala na nga masyadong laman yung dalawa dahil wala masyadong makain, buti at nakita pa nila ang kacutan sa ganoong klase ng pangangatawan.

Nagpapasalamat na rin ako kahit papano dahil sila na yung nagbibigay ng atensyon sa kambal kahit na yung nanay ko dapat ang gumagawa nun. Pero wala e, mahirap ang buhay at kailangan magtrabaho kaya laking pasasalamat ko talaga sa mga kapitbahay naming nag-aaruga sa kapatid ko. Kahit wala silang hinihinging kapalit. 

Ang kwento sa loob ng kwento (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon