~Sab’s POV~
Two Years After...
Dalawang taon na lumipas at wala na kong balita kay Kean. Third year highschool na rin kami. Isang linggo palang simula nung tumuntong kami ng third year. Nagdaan ang mga buwan na si Kean lang ang naiisip ko. Madalas kapag napapadaan ako sa bahay nila, napapangiti ako. Namimiss ko na talaga si Kean.
Mukhang nagustuhan na ni Kean sa loob ng seminary ah. Simula nung nawala siya, mas ginalingan ko pa sa lahat ng bagay. He became my inspiration. I keep him inside my heart. Umangat ang standings ko sa Top ten, at gulat na gulat naman yung mga teachers sa improvement ko.
“Mukhang kinakalaban ako ng isang babae dito ah..” Biglang sabi ni Cheska nang tumapat siya sa upuan ko. Kakatapos lang ng Chemistry subject namin at hinihintay nalang namin yung susunod naming teacher. Hanggang ngayon classmate ko pa rin si Cheska. Masaya ngayong year kasi kasama ko na lahat ng tropa ko. Magkakasama kami sa iisang section. Mas masayang lalo si Cheska dahil sa wakas, naging classmate din niya yung pinakamamahal niyang si Marcus.
“Huy, hindi kita kinakalaban ha..” sabi ko. “Inspired lang ako..” sabay napangiti ako. Si Kean kasi naging inspirasyon ko.
“Because of Kean..” sabi naman ni Mady na lumapit na rin samin. Dumating na rin sina Syd, Rence at Jade.
Bigla akong namula nung mabanggit nila yung pangalan ni Kean. Sinabi ko kasi sa kanila lahat lahat. Gulat na gulat pa sila noon na ako pala yung sinasabi ni Kean nung graduation ceremony namin nung elementary kami. Kinikilig din sila at the same time.
“Umaasa ka pa rin ba na lalabas siya ng seminaryo?” tanong ni Rence.
“Hindi ko alam. Ayokong umasa. Tignan mo, dalawang taon na. Mukhang magpapari na talaga siya nang tuluyan..” sabi ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Pero, good thing na rin siguro yun. Hindi na ko umaasa na lalabas siya para balikan ako..ang mahalaga, nang dahil sa kanya, ginalingan ko sa lahat ng bagay.
“Oo nga..” sabi naman ni Syd. “Sayang no..”
“Yeah..pero bakit hindi mo binibigyan ng pansin mga manliligaw mo?” sabi naman ni Jade. “Ang dami nila kaya..”
Simula nung second year kami, maraming lalaki na nagpaparamdam sakin. Meron sa higher level. Meron naman mula sa mga classmate namin. Isa na dun si Lance.
“Deadma ka pa rin kay Lance, te.” Sabi ni Cheska. “Sagutin mo na para mapalapit ako kay Marcus..haha..”
“Gaga..baka may makarinig sa’yo..” sabi ko. Nasa paligid lang kasi sina Lance at Marcus.
Bigla namang napatahimik si Cheska. Grabe hanggang ngayon patay na patay pa rin siya dun sa Marcus na yun. Aminado ako, sobrang talino kahit tatamad tamad sa klase. Idolo ng lahat, mapa lalaki at babae. Pero nakakapagtaka talaga yung pagiging suplado ni Marcus sa mga babae. Grabe lang talaga. Ni tingin hindi niya magawa at talagang deadma lang. Kawawang mga babae..lalo na dun sa mga may gusto sa kanya. Kahit yung mga baklang classmates ko na may gusto sa kanya, hindi rin niya pinapansin.
Sikat si Marcus sa buong campus namin. Talagang natabunan na nito yung kasikatan ni Kean noon. Ultimate heartthrob at smartest guy sa school. Lahat na ata kayang gawin ni Marcus.
“Mabuti pa, Sab. Kalimutan mo na si Kean. Mukhang tuluyan na siyang magpapari eh. Ikaw lang masasaktan. Move on move on din pag may time..” sabi ni Mady.
Napatingin naman ako kay Mady. Kalimutan si Kean? Mukhang mahirap ata yun. First love ko yun. Mahirap kalimutan yun.
“Hayaan niyo na nga ako…hehe..ang isipin niyo mga sarili niyo. Kayo nga diyan mga wala pang boyfriend eh haha..” sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]
Jugendliteratur"When everything started with HATE, could there be any space for LOVE? Sometimes, love doesn't start with friendship nor at first sight. For some people, hate is also the beginning of LOVE." ~ Sab, short for Sabrielle. She's a romance novel writer w...