Chapter Two

202 3 0
                                    

CHAPTER TWO- Meeting Derick The mysterious one

"Bakit? bakit mo ko niloko!? binigay ko naman lahat sayo pero bakit???"

"Sorry Kyla, hindi ko talaga sinasadya."

"SORRY!? SORRY LANG MASASABI MO HA!?"

Hindi na ako nakasagot kaya

*SLAP*

"C-U-T!! Good job. That's all for today. you can now go home."

Yes! Tapos na ang shooting. Grabe ang sakit ng sampal nun ah. Well ganun talaga sa trabaho namin.

Nga pala, ako si Derick John Padua, 17 years old, sikat na aktor. Actually ayoko naman mag artista eh. Pero dahil to sa best friend ko nung bata pa ako kaya ako nag-artista. Haist. Namimiss ko na naman siya :(

"Oy DJ anong drama na naman yan at umiiyak ka pa? Di ba tapos na yung shooting?"

Inaasar na naman ako ng magaling kong manager na si Airies. Manager ko siya pero siya din ang best friend ko ngayon. Siya ang nakakaalam ng lahat tugkol sa buhay ko dahil sa tagal na din ng pagsasama namin. Pero wag kayong mag-isip ng iba ah. Manager ko lang siya. MANAGER.

"Luh! Epal na naman nito oh! Bakit nakikialam ka?" Yan ganyan kami mag-usap. Haha. Pero normal lang sa amin yan :)

"Gusto mo talaga sagutin ko tanong mo? Osige nakikialam ako kasi alam kong nagdadra-hmm" bago niya pa matapos yung sasabihin niya ay tinakpan ko na yung bibig niya kasi pumasok na yung driver ko.

"Sir ready na po yung kotse. Pwede na po tayo umalis."

"Oh sige pakihintay na lang ako. Ayusin ko lang mga gamit ko."

Nag-umpisa na akong mag-ayos.

"Bakit ba kasi ayaw mong kumuha ng PA?"

"Ayoko nga kasi ng may buntot ng buntot sakin. Lahat na lang ng naging PA ko patay na patay sakin" -_-

"Oo na. Tara na nga. Naghihintay na si manong"

Pumunta na kami sa sasakyan. Nakatulog ako habang nasa byahe. Nagising na lang ako nung niyugyog ako ni Airies. Grabe talaga tong babaeng to -_- napakasadista.

"Andito na tayo DJ."

Sumilip ako sa bintana at nakita ko na papasok na yung sasakyan namin sa "Watty Memorial Park"

--Author's note

Sorry po kung natagalan yung pag-update. Hindi ko po kasi alam kung itutuloy ko to. Pero sige may inspirasyon naman po ako eh. Haha. Opo fan ako ni Daniel Padilla. Kaya DJP yung kinuha kong name nung character ko. Sana dumami readers nito. Ehehehe.

Best Friend or Lover? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon