Two updates for a day. I hope you enjoy reading it. ^___^
_eLLemarie_
---
Chanyeol's POV
Nasa classroom kami ngayon at sa likod ako pumwesto katabi si Kris Hyung, Kai, at Sehun. Mga matatangkad daw kasi dapat sa likuran.
(A/N: Edi ikaw na matangkad. Kaya di ka nagkasya sa puso ko eh. Char!)
Pinagmamasdan ko lang si Elle at mukhang wala siyang alam na nandito kami ngayon kasi hindi niya man lang ako napapansin.
"Hyung." Napalingon ako kay Sehun, "Sigurado ka ba talagang kayo na ni Elle Noona?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Sehun, "Malamang. Kakasabi ko lang kanina diba?"
"Eh bakit hindi ka man lang niya pinapansin?" Tanong ni Kai. Bakit nga ba?
"Busy siya." Simple kong sagot.
"Busy saan? Sa kakadaldal sa mga kaibigan niya?" Tanong ni Kris Hyung.
"Teka. Bakit niyo ba ako pinagtutulungan? Ha?" Inis kong tanong sa kanilang tatlo.
"Tinatanong ka lang naman Hyung. Beastmode ka agad." Ismid ni Sehun. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ikaw, saan mo gusto pumunta?" Rinig kong tanong ni Suho Hyung kay Elle. Mgkatabi pala sila? Ba't di ko napansin 'yun?
"Sa Japan." Sagot ni Elle. Ya! Bakit kay Suho Hyung ambait bait niya?
"Eh kasi po mabait din sa kanya si Suho Hyung." Napatingin ako sa nagsalita. Ibig-sabihin ako hindi mabait sa kanya? "Ewan ko sayo." Sabi ko kay Sehun. Nasabi ko yata ang iniisip ko eh.
Nalaman kong special para kay Elle ang Japan at ang mga paborito niyang bulaklak ay Sakura at White Rose. Nalaman ko din na Otaku siya at hindi pa siya nakakakita ng Sakura sa personal.
'Wag kang mag-alala Elle. Dadalhin kita sa Japan balang araw bilang pasasalamat sa pagtulong sa akin.
Maya-maya pa ay dumating na ang adviser namin kasama si Llanah.
"Hyung. Ang ganda niya noh." Biglang sabi ni Sehun kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. May tama na yata 'to kay Llanah. Hahaha.
"Crush mo?" Nakangiting tanong ni Kai. Napansin kong namula ang tenga ni Sehun. Hahaha. Crush niya nga.
"Ewan. Hindi ko pa alam." Sagot niya. In denial ang gago.
"Nagpakilala ka ba sa kanya?" Tanong ni Kris Hyung. Interesado din yata siya sa love life ni Maknae. Ngayon lang kasi ulit nagkagusto si Sehun sa isang babae eh. Ibig-sabihin naka move on na siya?
Umiling lang siya.
"Aish." Reklamo naming tatlo.
"Natotorpe ka na naman yata eh." Panunukso ni Kai.
"Hyung naman kasi. Nakaka-intimidate kasi siya. Tignan mo ah. President ng klase, matalino, maganda, at higit sa lahat napaka bait niya. Tapos ako ano? Sa sayaw lang ako magaling." Masyado naman 'tong si Sehun kung i-down ang sari niya, "Alam mo 'yung kahit na hindi kami close ay nginingitian niya ako palagi kapag nadadaanan ko siya o kapag nagtatama ang mga tingin naming dalawa." Paliwanag ni Sehun.
"Hindi na yata 'to crush eh." Sabi ni Kai.
"In love ka na yata Maknae." Dugtong ni Kris Hyung.
Ineexpect kong magagalit si Sehun pero...
"Talaga? Ganun ba 'yun?" Tanong niya.
In love nga.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
RandomElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...