Birtwal na Pakikipagrelasyon

68 0 0
                                    

"Bro, ayan na oh. Connected ka na." bulong sa akin ng isa kong kamag-aral sabay nguso sa cellphone kong nagva-vibrate. Kinakabahan ako kasi unang beses kong gagawin ito. Hindi kailanman aakalain ng mga kamag anak ko na magagawa ko ito. Hindi masusukat ng kanilang mga isip na ako, isang masipag na mag-aaral na mataas ang pangarap, ay nagbabayad ng pagkamahal-mahal na tuition para maghanap ng isang fubu (fuck buddy). Malamang, kung makarating ito sa nanay ko, agad niya akong itatakwil bilang isang anak.

Kabado kong itinype ang "hi." Nakatitig kaming magkaklase sa cellphone ko habang hinihintay kung ano ang isasagot nitong kachat ko. Wala akong alam kung sino yun — baka pedophile o sex maniac o drug addict o kung anu-ano pang termino para sa mga villain. Pero pwede rin namang gwapo siya, malaki ang katawan, may dimple, maputi, at naka pabebe wave.

Matapos ang ilang sandali, biglang nagtype. Tuwang tuwa kaming dalawa. Nakakakaba kung ano ang isasagot niya. Napasigaw pa nga kami at isang solid na "SSSSSSHHHHHH" ang narinig namin mula sa librarian. Nakakakonsensya pa na dito kami naggaganito samantalang ang nakalagay dito sa mesa ay "for studious people only." Nahiya naman ako sa mga nagbabasa ng readings at nagnonotes na alam ko naman ay hindi rin nila maintindihan kung ano ang binabasa nila.

Ang tagal niyang magtype. Mag iisang minuto na siyang typing. Nagulat ako nang bigla na lang itong nag-disconnect. Napasinghap na lang kaming magkaibigan. Baka hindi ngayong araw ang suwerte ko. Kasalanan ko pa kasi hindi ako nagbasa ng horoscope ngayon at hindi ko tuloy alam kung ano ang lucky number at lucky color ko. Iyon sana ang sinuot ko ngayong araw.

Tinapik lang nitong katabi ko ang balikat ko't sumenyas na bibili lang siya ng tubig. Nawawalan na ako ng pag-asa. Hanggang dito ba naman, paasa pa rin? Hanggang dito pa rin ba, namimili ang mga tao nang kung sino ang kakausapin nila? Ano ba ang mayroon sila na hindi matatagpuan sa akin? Ako nga ba ay kakaiba sa kanilang paningin?

Pero hindi dapat ako mawalan ng pag asa. Sabi nga nila, mas marami, more chances of winning. Wala namang limitasyon ang pakikipagchat kaya hanap lang ng hanap hanggang sa makasungkit ng isda sa dagat. Naniniwala akong kapag may tiyaga, may papa ka.

OMEGLE — ANO NGA BA ITO?

Unang semestre ko bilang freshman nang mauso sa klase namin ang Omegle — isang online dating site na maaaring makipag-chat sa mga taong hindi kakilala. Dito pwedeng makahanap ng mga fubu (fuck buddy) o di kaya, kung masuwerte ka, ng tunay na kasintahan.

Halos araw araw, habang naghihintay kami sa mga guro namin ay yun ang usap-usapan sa klasrum. Yung isa, tuwang tuwa dahil napakagwapo raw ng nakilala niya na nagkataong Tomasinong Inhinyero. Magkikita raw sila pagkatapos ng klase sa McDo Lacson. Yung isa naman, sawi dahil mukhang pedophile ang nabingwit niya — yung tipong mala-60 years old na. Mukhang pareho kami ng kapalaran. Yun nga lang, may sumabit sa pamingwit niya. Sa akin, wala talaga.

Hindi ako yung tipong sumusunod sa uso — hindi dahil sa sikat o trend ay gagaya na rin ako. Sa totoo nga lang, gustong gusto ko na ako lagi ang naiiba. Kung naka iPhone ang lahat, naka samsung ako. Kung nakaputi ang lahat, nakaitim ako. Pero dito sa Omegle ako pumitik. Alaws, eh. Halos ihi na nga lang ang nagpapakilig sa'kin. Kahit magtalik pa sa harap ko ang JaDine at magkatuluyan pa ang KathNiel ay hihikab lang ako't makakatulog. Kaya sabi ko sa sarili ko, "I'll give it a try."

Naghintay pa ako nang ilang ulit pa. Binago ko rin ang interest ko. Kung kanina, masyadong school pride na "ust400", ngayon naman ay mas tahasan at direkta sa punto. Nang maghanap ako gamit ang "sex" bilang interest, wala pang isang segundo ay nakakunekta na ako. Dahil sabik na sabik na nga ako, ako na ang naunang magchat.

You: Hi! ^.^V

Stranger: Oh! Hello there. Asl? (Age, sex, location)

You: 18, Male, CAL... u?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Birtwal na Pakikipagrelasyon at iba pang SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon