"Derrick....*lumingon ako sa nag salita at nakita ko ang bestfriend ni Macey* Hindi derrick ang totoo mong pangalan."
"Pa-paano mo nalaman." Tanong ko. Hindi pede walang iba ang dapat maka alam ng totoo kong pangalan.
"Simple lang, una dahil stalker mo ang bestfriend ko, ikalawa ikaw ang nawawala kong kapatid." Sabi nya
Ano? Kapatid. Teka naguguluhan ako ang alam ko solo lang akong anak ni mommy at daddy. Hindi kaya anak sya sa labas ? Pero bakit ako ang nawawala ? Ampon lang ba ako !
"Hahahahaha. Chill ka lang CARLITO. Hindi moko kapatid echos lang yun, masyado ka kaseng seryoso e. Hahaha" halos ma matay matay na sya sa kakatawa.
"-_-"
"What's with your poker face.? Hahaha" sya
"Pinakaba moko." Sagot ko
"Hahahaha, sorry na CARLITO, hahahaha" tawa parin sya ng tawa
"Ugh! Fvck! Wag mo nga akong tawaging CARLITO." Kainis , inilibing kona yung letseng mabantot na pangalan kona yan.
"Hahahaha. May pa derrick derrick kapang nalalaman. E carlito naman pala talaga totoo mong pangalan." Dagdag pa nya
"Tsss. Tumigil kana nga, tsaka paki moba idol ko si Derrick ramsy e" humarap na lang ulit ako sa railing ng rooftop kesa kausapin itong balew nato,
"Eto seryoso na... *bigla naman akong kinabahan* ang sabi saken dati ni Macey kababata mo sya,,, at first hindi ako naniwala kase hindi naman kayo close, yun naman pala iniwan mo sya pumunta ka sa ibang bansa kaya pala pag balik mo awkward na. Kaya nya alam na CARLITO ang totoo mong pangalan, hindi nya nga daw alam kung bakit pag balik mo e Derrick na ang pangalan mo e CARL daw ang tawag nya sayo dati, kase ayaw mo na tinatawag ka sa buo mong pangalan." Nakatingin lang ako sakanya ng biglang may luhang tumulo sa mata nya
"Si besha ang sabi nya saken tatawagin ka lang nyang carlito kapag mawawala na sya.....*lalong bumilis ang tibok ng puso ko.* pero kanina nung nagising sya at ako ang nakita nya ang sabi nya saken 'asan si CARLITO' " Pagpapatuloy nya
"A-anong ibig mong sabihin.?" Tanong ko
"Derrick.... Bumaba kana... Kailangan kana nya...." Dali dali akong tumakbo at pakiramdam ko kasunod ko sya...
Bago kame makarating sa kwarto ni macey andon yung mga doktor mga nurse basta andami nila andon narin si tito kasama si tita, lalong dumami yung naka lagay kay macey yung mga aparato nadagdagan narin,
"Ma'am, Sir. Ililipat napo namin sya sa I.CU" gumuho ang mundo ko ng narinig ko ang ICU ang alam ko kase kapag nasa ICU mamatay na. Una yung lolo ko, tapos si mommy, kaya takot na ko sa ICU pero alam kong hindi si Macey. Hindi sya mawawala saken.
Sumunod lang ako habang dinadala sya sa ICU para tong isang panaginip! Bangungot at ayoko ng magising...
Nang makarating kami sa loob ng I.C.U tinap ni tito ang balikat ko
"Sa mga panahong paki ramdam mo hindi mona kaya ang lahat ng nangyayari lumapit ka sakanya *sabay turo sa itaas* sya ang dadamay at sasagot sa mga kahilingan mo" sabi ni tito
Nakaka bakla man pero niyakap ko sya.
Sapalagay ko tama si tito sya lang ang dapat kong lapitan.
Si God....✖
"Natatandaan mo pa po ba nung bata pa ako ?... Yung sinabi kong.... Crush ko po si Pokwang.... Na gusto ko po syang makita ng personal.... Pede po bang kalimutan mo na yon... Pede po bang yung buhay na lang ni Macey.... Pede po bang makasama ko lang sya ng mas matagal kakalimutan kona na nagka gusto ako kay pokwang dati... Please lang po..." Pagkatapos ko syang kausapin bumalik na ako sa I.C.U
nakita ko si daddy sa labas.
"Dad..." Tawag ko sakanya
"Son.... How if ....----"
"Dad please lang, wag mona ituloy... Hindi yun mang yayari" hindi talaga mangyayari yon hindi ako papayag.
"Son... Just accept the fact... Everybody will be die someday. Maybe now, tomorrow, or so whatever. Life is so unpredictable... Who knows ? "
Tama si dad, hindi natin masasabi ang buhay, una-una lang yan.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako....
Nagulat ako ng makita ko ang mga doctor at nurse na papasok sa loob ng I.C.U sobrang clueless ko sa mga nangyayari kaya pumasok kame ni dad sa loob.
Gising na si Macey pero bakit sa halip na matuwa ako parang lalo akong naiyak.
Naka tingin lang saya sa kisame lumapit ako sa gilid ng kama nya nakitang lumingon sya sa pwesto ko naka tingin sya saken ngumiti sya habang may tumulong luha sa mga mata nya... Ramdam ko na sobrang hirap na sya... Agad akong pinatabi ng nurse sobrang naguguluhan na talaga ako. Inakbayan ako ni dad habang naka tingin kame kay Macey
Bigalang nangisay si Macey at sobrang nag papanic na si tita
"Clear!"
"Clear!"
"Clear!"
"Time of death 2:45pm"
"I'm so sorry mr.and mrs. De Leon" lahat ng sinasabi nila hindi ko maintindihan.. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari halos mapa upo na ako sa sahig kung hindi lang ako nasalo ni daddy wala akong ibang marinig kundi sigaw at iyak lang sa loob ng kwarto. Ewan ko pero hindi ko mahanap ang mga luha ko... Hanggang ngayon hindi padin kayang iprocess at mag sink in sa utak ko na wala na sya... Wala na ang babaeng minahal, mahal at mamahalin ko.