Kakauwi ko lang galing trabaho.... Pagod na pagod na ako kaya dumiretso na agad ako sa kama...
Tinext ko si Ruby sabi ko.
To: Mahal <3
Mahal nasa bahay na po ako. Ikaw asan kana?
Maya maya nagreply na sya.
From: Mahal<3
Nasa bahay lang. Matutulog na inaantok na ako Mahal, dami ko kasing ginawa.Nalulungkot ako kase 'di ko na sya mapupuntahan balak ko sanang yayain sya magdate eh kaso pagod na baka lagnatin pa.
To: Mahal <3
Ah sige good night na din Mahal, I LOVE YOU.
Mga ilang minuto di parin sya nagrereply, siguro ay nakatulog na. Grabe dati-dati lang binu-bully ko sya, lagi kong pinagtitripan. Nagsisisi ako na ginawa ko sa kanya yun.
Pero okay lang din kung 'di dahil sa kanya 'Di ako makapag babago... sya lang kase ang babaeng nakapag pabago ng buhay ko.
Kung 'di dahil sa kanya edi sana tamad at gago parin ako hanggang ngayon.
Kinabukasan maaga akong nagising upang mag luto ng aking umagahan. Wala kasi akong kasama ngayon sa bahay dahil umalis sina mama at papa papuntang aming probinsya.
Naisipan kong papuntahin si Ruby sa bahay para hindi ako maging malungkot.
Syempre hindi ako tulad ng ibang lalaki na i didiresto agad sa kama yung girlfriend. Matino ako, masipag at syempre responsableng kasintahan ni Ruby. Hindi na ako tulad ng dati.To: Mahal <3
Mahal punta ka sa bahay. Magluluto ako ng paborito mong adobo <3Ba't kaya paboritong paborito ni Mahal ang adobo? Tanong ko sa sarili ko
Nag-vibrate ang aking phone.
From: Mahal <3
Ah? Ganon ba? Sige Mahal papunta na ako.Hay salamat makakasama ko rin sya... makakausap ko na rin sya ng matagal. Minsan na lang kami mag usap dahil sa sobrang busy namin. Teacher kasi siya sa isang pribadong paaralan at ako naman sa call center nag tatrabaho.
Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan... Pagbukas ko ay si Ruby.
"Mahal upo kana kukunin ko na yung adobo mo"
Pinaupo ko na sya at kinuha ko na ang adobo na mabango at mukang masarap.
Nilagyan ko ang plato nya ng Maraming adobo dahil mahilig mamapak ng ulam yun. Sobrang takaw pa.
"Salamat Mahal, kaya mahal na mahal kita eh. I Love You"
Sinabi nya habang namumula ewan ko ba kung kinikilig o ano.
"Syempre alam mo namang mahal na mahal kita... kaya pagsisilbihan kita, ikaw ang reyna ng buhay ko"
Ngumiti sya sakin at sabay sabi
" Kumain ka na nga nambobola ka pa eh"
Sabi ko naman......
"Bola ba yun? Di kaya! Totoo yun" pa tampo kong sagot.
Hindi na sya umimik dahil punong puno ang bibig nya ng pagkain.. ewan ko ba dito ang takaw takaw pero hindi nataba. Ano to? May buwaya sa tyan? Isip isip ko.
Kumain kami ng marami at nag movie marathon. Syempre ang paborito ko yung horror. Pinanood namin yung Conjuring 2 grabe naman pala yun sobrang nakakatakot.
Habang nanonood kami naka akbay ako sa kanya at kinakalabit ang braso nya na para bang tinatakot ko..
"Mahal naman eh alam mo na ngang takot ako nananakot kapa lalo" nanginginig nyang sinabi.
Then tumawa lang ako at sinabing....
"Wag kang mag alala po-protektahan kita nandito lang ako....mananakot sayo"
Hinampas nya ako sa kamay ng sobrang lakas yung akala mo na kinagat ka ng napakaraming langgam sa sakit.
Sanay na ako sa mga palo nyang yun... Yun kase ang lagi nyang ginagawa pag natatawa at kapag kinikilig.
Sobrang saya namin at syempre madaling mapagod tong Mahal ko kaya ako na ang naghatid sa kanila. Ako ang nag hatid sa kanya kase parang di na nya ata kaya pagod na nga kase.
Pag dating namin sa bahay nila andun ang mama nya si Elizabeth. "Hi tita! " masaya kong pagbati.
"Oh, san pala kayo galing?" Tanong nya
"Sa mall po nanood po kami ng sine, duwag po talaga ang anak ninyo" pabiro kong sagot.
"Hay nako! Duwag talaga yan mula pag kabata" Natawa ako at syempre nakita ako ni Ruby at hinampas nanaman ako.
"Sige po tita paalam na po gabi narin po kase" paalam ko.
"Sige ingat ka iho.. madilim na sa daan" pag aalala nyang sagot.
Sumakay na ako ng kotse. Sobrang saya ko kaya binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse para matawagan kona agad si Ruby. Mabilis ko kase syang nami-miss agad.
"Grabe ang saya nang araw na ito! Sana ganito na lang kami araw araw" nakangiti kong sinabi sa sarili ko
Madilim na sa daan at mabilis ang pagpapatakbo ko ng kotse kaya di ko na namalayan na nasa gitna na pala ko.
Napapikit ako dahil nasilaw ako sa kotseng kasalubong ko. Hindi ko alam na may kasalubong pala akong malaking truck
Bumunggo ang sinasakyan kong kotse. Nauntog ako sa manubela at tumulo ang dugo ko mula sa aking noo. Bumaliktad ang aking kotse at kapira piraso ang kotse ko. Hindi ako maka alis dahil naiipit ako sa upuan...
Sumisigaw ako ng "TULONG" pero walang nakakarinig sakin. Biglang lumabo ang paningin ko at naalala ko ang lahat ng nakaraan...
Ganito ba talaga pag mamamatay kana? Babalik ang lahat ng nakaraan mo? Maaalala mo ulit lahat? Tanong ko sa sarili ko. Naalala ko si Ruby....
"Pano na kapag nawala ako? Paano na ang MAHAL ko? Pero.... Hindi ko na kinaya at nawalan na ako ng malay...
Then.......