Dun na ulit ako nakatambay sa may gate… may article na naman kasing assign sakin eh…
Hmm…? Nakatingin ako sa labas habang nag-iisip…
May dumaang bulag… kawawa naman…
Kung about bulag na lang kaya ang topic ko? Hmm… mahirap…! Tumingin-tingin pa din ako…
Nakita ko… TT^TT
Guess who??
Right…
Si Brian na naman with Ashley… Ang sweet nila… Bakit ako? Hindi ko manlang naranasan yun? Sana pala… nabulag na lang ako… para hindi ko na lang sila nakikitang magkasama
TT^TT
ASAR! AFFECTED PA RIN AKO…! Umalis na ako at sa club office na lang ako tatambay… mag-isa lang ako doon…
Minutes later… later…
Wala pa rin akong naisulat…
Much later later…
Wala pa din…
Much much later later…
As usual… ganun pa din...
More much much later later…
Dumating si Kuya pero wala pa din akong nasusulat…
More most much much later later later…
Hay! Suko na ako…
TT^TT
“Pochi, okay ka lang ba?” mukha ba akong okay?
“Opo…. ^___^” hay naku Pochi! Ang fake mo!
“hindi eh!” –si Kuya
O___O pano nya alma?
“may problema ka na naman noh?”
Siguro, psyche si Kuya sa past life nya, galing nyang magbasa ng isip KO…
“nakita mo na naman siya no?”
OW EM! THAT’S IT! Kalahi na siya ngayon ni Madam Auring!!
“haha…. Kuya… tama ka nga… but…”
Tahaha… napapaenglish ako…
“tapos na yun… ang iniisip ko ngayon ay wala pa din akong topic sa article ko…”
“ah ganun ba? hm… try love…?”
-___- si kuya naman… nang-aasar… alam na broken pa ako… love pa ang ipapatopic but why would I give up? Ishould try first di ba… GO GIRL! KAJA! Hmm… ano kayang maganda love story?
…………………………………………………………………………………………………
“HAAAY!!” wala akong maisip…
“oh? Ano na naman?”
“Kuya! Wala naman saysay ang pagsulat ko eh!...”
“Ha?”
“halos lahat na ng klase ng love story naisulat na… may bestfriend type… may aso’t pusa… may tomboy turned to a girl… may heartthrob na nainlove sa isang simple girl… may fixed marriage… blah blah blah… ano pang isusulat ko? Eh pare-parehas naman yan? Iba-iba lang ang character at setting…”
Nagulat ata siya…
“eh ano?? Ang mga mambabasa, nagbabasa yan kahit paulit-ulit.. sa tingin mo… bakit sila nagbabasa kung alam na naman nilang magkakatuluyan ang bida sa huli? Bakit pa nila binabasa kung alam naman nilang hindi mamamatay ang bida kasi bida nga…? Bakit sila naiinis sa mga kontrabida kahit na alam nilang sa dulo, mawawala din sya sa eksena o kaya babait din sila? Alam mo Pochi, isulat mo kung ano ang isinisigaw ng puso mo… Huwag kang mag-isip ng nega… basta magsulat ka lang... “