Prologue

1 0 0
                                    

1 new message

From: +639261234567

Hello. :)

Napakunot ang noo ko nang mabasa ko iyon. May bago nanamang nagtext sa akin. At alam kong si Ate Jean ang may pakana nito. Hay masyadong syang seryoso sa paghahanap ng lalaki para daw maging boyfriend ko. Lihim akong napangiti.

To: +639261234567

Yes? Who's this?

Napabuntong hininga ako. Hindi naman ako nagmamadali magka-boyfriend. Ewan ko ba sa mga tao sa paligid ko, parang napaka big deal sakanila ang lovelife ko. Ganon kaya talaga kalungkot ang buhay ko at sila na ang gumagawa ng paraan para naman sumaya ako?

Pero naisip ko, sasaya ba talaga ako kung sakaling magkaroon nga ako ng boyfriend? Parang mas lalo lang ata ako malulungkot. Sakit sa ulo yang mga lalaking yan. Mostly, masakit sila sa puso.

Bigla naman umilaw ang cellphone ko.

From: +639261234567

Pj. Tropa ni Jean, binigay nya number mo sakin. :)

Sabi na eh. Simula nung isang araw ang dami ng nagtetext saakin na pinagbigyan nya ng number ko. Baliw kasi yon. Atat na atat na magkaboyfriend ako. Napag iiwanan daw kasi ako ng panahon. Grabe nga yun akala mo naman tumatandang dalaga na ako, samantalang 18 pa lang naman ako. Hahaha!


Kakatapos lang ng shift ko. Kasalukuyang nandito kami sa crew room habang saglit na nagpapahinga.

"Kapagod!" reklamo ko, "Kung kailan malapit na tayong mag-out tsaka naman biglang humaba yung pila kanina." dagdag ko.

"Madaling-araw na ang dami pa ring patay-gutom" sabi naman ni Kat na kahilig ang ulo sa lamesa. "Pinagmadali tuloy ako ni Sir Bern sa pagpupull-out nung fries. Ay jusmiyo! Kung masama ugali ko di ko na sasabunin iyon eh." singhal nya na mejo natatawa.

"Sana nga iniwanan mo na lang sa back area. OT TY nanaman tayo eh, kainis." 30 minutes overtime kami tapos thank you lang yon.

Bigla naman lumabas si Ate Jean mula sa C.R habang inaayos yung hinubad nyang uniform. Agad namang tumayo si Kat para sya naman ang magbihis.

Naiwan naman kami ni Ate Jean.

"Bakla bilisan mo ha, baka naman maligo ka pa eh pauwi na rin naman tayo." paalala ko. Ang tagal nya kasing magpalit ng damit, tapos paglabas nya mukha na syang bagong ligo.

"Oo na." sagot naman ni Kat.

"Uuwi na ba kayo?" tanong bigla ni Ate Jean. "Tara chill muna tayo. Sweldo naman, T.Ice lang, pampaantok. Hahaha" dagdag nya.

"Ay nako ate, next time na lang, pagod much ang lola mo. Si Kat, baka gusto nya." sabay ayos ko naman sa buhok ko. Inilugay ko ito at bahagyang ginulo. Nagmuukha tuloy itong bagong kulot. Nakaboknay kasi ako buong shift.

"Ang ganda mo neng, bakit wala kang boyfriend?" bigla naman akong napalingon sakanya pagkasabi nya non.

"Ay ate tinatanong ko rin yan Sakanya kung bakit wala ako non." bahagya akong tumawa "De joke lang po. Ewan ko po, walang magkamali eh." biro ko.

"Loka!" pabiro akong hinampas ni Ate sa braso ko "Seryoso kasi, maganda ka, mabait pa at higit sa lahat matalino kang babae. Kaya nakakapagtaka na wala kang boyfriend."

"Ate" nilingon ko sya at hinawakan sa magkabilang braso nya "Wala akong pera, wala akong ibabayad sayo. Kulang yung sasahurin ko eh."

She let out a chuckle "Sira ka talagang bata ka!" she tuck my hair behind my ears. "May naisip ako! Operation: Hanapan ng papalicious si Aly!" sabay pakawala nya ng malakas na tawa.

"Ay gusto ko yan." pagsang-ayon ko "Come to mama baby boys!" at nagpakawala kami pareho ng tawa.

"Hoy para kayong baliw" napalingon kami pareho ni ate sa baklang sumapi sa katawan ni Kat. Hahaha!

"Pake mo?" sabay tawa ko ulit.

"Baliw" at bahagya syang napatawa.

"Basta bukas neng, dadagsain ka ng mga baby boys mo. Mamili ka na lang." sabi ni ate.

"OH EM GEE! Me is so excited" at sabay kaming tumawa ni ate.



Akala ko nagbibiruan lang kaming dalawa nung gabing yon. Hindi ko naman alam na seryoso pala talaga sya sa sinabi nyang iyon.

Kinabukasan nun, ang dami ng nagtext sakin na puro kaibigan nya. Wala namang kaso sakin yon, nakikipag kaibigan lang naman silang lahat. Ano ba naman yung madagdag sila sa mga kaibigan ko. Harmless naman yon, alam kong hindi ako ipapahamak ni Ate Jean.

Biglang umilaw ulit yung phone ko.

From: +639261234567

Hello Aly. Busy ka?

Ay nakalimutan ko na pala syang replyan.

To: +639261234567

Nah, sorry nag space out ako. Mehehe. Hi Pj, paano mo pala nalaman pangalan ko?

Hahaha! Ang shunga nung paano niya nalaman pangalan ko. Malamang tinanong niya yon kay Ate Jean. Pero siya pa lang kasi yung nagtext saakin na alam agad pangalan ko. Wala pang isang minuto umilaw ulit yung phone ko.

From: +639261234567

Nakaukit sa puso ko yung pangalan mo, paanong hindi ko malalaman? :)

Napangiti ako bigla. "Sira ulo to ah."

To: +639261234567

Ah ganon ba? Ang galing naman non. Hahaha!

Sa lahat ng nagtext sakin siya ang unang bumanat ng ganyan. Yung iba kasi pabebe o papogi. Sus!

From: +639261234567

Hahaha! Ikaw kasi eh, hindi ka pa dumadating nasa puso na agad kita. :)



Para namang may kung anong namuo sa may tyan ko. At bumilis tibok ng puso ko. Ilang salita pa lang yon pero naramdaman ko na agad to. Ni hindi ko pa nga sya nakikita pero naiparamdam na agad nya sakin to.









Hindi ko inaasahan to. Wala ito sa plano ko. Hindi. Wala talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALYSSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon