*NOTE: HAHAHAHA NAKALIMUTAN KO I-INSERT ANG MGA PHOTOS NA ILALAGAY KO SANA SA CHAPTER3 PART19 KAYA ILALAGAY KO NA DIN DITO. NA-EDIT KO NA DIN ANG LAST CHAPTER.
ANGELIC DRAGON
DRACONIAN
P.S.
PASLANGIN SI KIKO MATOS MAMAYANG 7PM SA URCC!
#TEAMBARON
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Jyx's POV
BOOM!
Nagtalsikan ang mga malilit at malalaking bato mula sa nabutas na stage nang sinuntok ng draconian ang aking kasamahan.
Nakailag naman ito kaya sa stage ito tumama!
Magka-counter attack sana ang kasamahan ko ngunit bigla itong sumipa kaya hindi naituloy ng kasama ko ang ataki.
Mabilis ang pangyayari.
Hindi na sila katulad dati na mga lampa at mahihinang tao na nakakulong lamang sa kulungan ng evacuation center.
Hindi na sila yung mga matatanda at mga malnourish na ibinenta sa akin ng mayor at ng dalhin ko sila dito'y lalo silang naging malakas at determinado.
Lalo na ng makita nila ang training ko na nagpanguya sa malaking pagong na halimaw.
Pinapanuod ko ng mabuti ang laban upang malaman ko ang istilo ng draconian sa paglaban pero hindi talaga ako mapakali sa malaking dragon na nasa kalangitan.
Nanunuod lang ito sa laban at tila may malalim na iniisip.
Hindi talaga ako mapakali.
Hanggang sa mamalayan ko na lang na tumalon na pala sa stage ang kasamahan ko upang tumakbo sa draconian.
Akala namin ay tatalon din ito upang habulin at patayin ang kasamahan namin. Bigla kaming humanda upang pagtulong-tulongan ang kalaban ng aming kasamahan.
Isa kaming pamilya.
At ang pamilya ay nagtutulungan.
.
.
.
.
Sa panahon ngayon na wala ka ng mapagkakatiwalan na kahit na ang mga tunay na magkakapamilya ay nagbebentahan ng bawat isa para lang sa pagkain at kapangyarihan.
Sino pa bang pahahalagahan mo?
Di ba ang mga maaasahan mo kahit natutulog at nakatalikod ka.
.
.
.
Ngunit taliwas sa aming ini-expect ay hindi ito sumugod pababa.
Sa tabi nito'y may isang portal ang lumabas at mabilis siyang pumasok dito.
Sugatan ang kasamahan namin at may malaking kalmot ito sa mukha niya.
Agad akong kumuha ng healing potion sa aking inventory ngunit biglang lumiwanag ang katawan nito't mabilis na gumaling.
Ngunit hindi nawala ang napakalaking peklat ng kalmot sa mukha niya. Nagsimula ito sa noo hanggang sa ilalim ng labi niya.
Hindi nagtagal ay isa-isang nagsi-akyatan ang mga kasamahan ko upang subukang talunin ang draconian ngunit lahat sila sugatang bumaba sa arena.
Sinubukan din namin na tatlo ang umakyat upang pagtulungan ang draconian ngunit laking gulat namin na tatlo din ang mga draconian na lumabas mula sa portal!
May isa din akong kasamahan na muntik ng manalo dahil natyambahan niyang tamaan ng suntok ito na mayroong barang!
Naglabasan ang mga isekto sa buong mukha nito ngunit hindi pa din nagpatinag ang draconian at tila lalo pa nga itong naging mas malakas.
Napailing ako, masubukan nga.
Naglakad ako papunta sa arena.
Nagtinginan ang lahat sa akin at makikita ang tuwa sa mukha nila.
"Ako ng bahala!"
Umakyat ako sa arena, kagaya noong una'y mabilis na lumabas ang portal at mula dito'y may lumabas na draconian. Sa pagkakataong ito ay babae naman ang lumabas dito.
Malaki ang kanyang dibdib at mahaba ang buhok niya.
Mahaba ang kuko at may buong set siya ng armor na parang gawa sa leather ng halimaw na hindi ko matukoy.
Sumipa ito mula sa ground at nagdash patungo sa akin. Gamit ang pwersa na ito ay bumwelo ito upang makasuntok ng napakalakas gamit ang kamao niya na may mga kaliskis ng dragon.
Sinalubong ko ito ng suntok din gamit ang 1/4 na lakas ko. Tignan natin kung anong mas matibay! Ang balat ko o ang kaliskis mo!!!!!!!!!!!!!
"HAHAHAHAHAHAHAHAH! TIGNAN NATIN!!!"
BAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNG!!!!
"BWAHAHAHAHAHAHAH!!! WEAK!!!"
CRACK!!!
Parang tokwa ang sinuntok ko!!! Nagkabali-bali ang buto nito't natanggal ang pagkakabit ng buto ng braso niya sa kanyang shoulder. Nagmukha tuloy na nakasampay lang ang braso niya sa kanyang shoulder.
Parang gulay!!
Biglang tila ginasumot ang mukha ng draconian ngunit wala kang maririnig na reaksyon sa kanya.
Aatras sana ito ngunit bago pa ito makaatras ay hinila ko papalapit ang buhok nito't ginamitan ko ng napakalakas na headbutt!
BOOOOOOM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Napakalakas ng pwersa ko doon!
Bumaon sa arena ang ulo ng draconian!
Medyo gumalaw ang katawan niya ngunit hindi na niya kayang tumayo.
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Ciencia FicciónAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...