ERIS' POV:
After that incident, palagi na akong natutulala. I cannot believe that my parents can kill innocent people. As far as I know, they are friend with them.
"Mom, I want to see that kid."
Nabigla si mommy dahil ngayon lang ulit ako nag approach sa kanya makalipas ang isang linggo. Feeling ko kasi pag di ko nakita yung lalaki, naguiguilty ako. Parang ako ang may kasalanan ng mga nangyari.
Simula ng panahon na inapproach ko si mommy, palagi na kaming pumupunta sa bahay ampunan dahil doon namin siya dinala pagkatapos ng insidente. I don't know kung bakit pa nag-aalala sila daddy sa batang lalaki kung pinatay naman nila ang parents niya.
Naging magkaibigan kami dahil na din ako lang yung nakatiis sa mga pagsusungit niya sa mga tao. Tiniis ko kahit palagi niya akong inaaway dahil alam kong ang mga magulang ko ang may kasalanan. Alam kong kailangan kong bumawi. Dahil nga di ako sumuko, unti-unti niya ng naibabalik ang sarili niya sa dati at nag move-on na lang sa nangyari. Naalala ko pa ang mga sinabi ko sa kanya noon.
"Xy, alam kong masakit ang nangyari. Kahit ako ay nasasaktan ng makita ko iyon! Wag ka ng magalit, wag ka ng umiyak. I'm always here for you!"
Iyak kami ng iyak pareho noon at kalaunan ay nagtawanan na din. We're still a kid back then, hindi namin nakakalimutan kung paano ang maging bata.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon na ako lang ang naging kaibigan niya. Ako lang ang naging bestfriend niya hanggang isang araw, may magpamilyang dumating sa ampunan na sinabi ni mommy na isa din sila sa sponsor ng ampunan. Dala nila ang anak nila.
Ayaw ko sa kanya kasi salbahi siya! Palagi niya pa kaming ginugulo ni Xyziro kahit wala naman kaming ginagawa sa kanya.
Birthday namin ng kakambal kong si Chanelle at excited akong pumunta sa bahay ampunan. Maliban kasi kay Chany, si Xy na lang kasi talaga ang kaibigan ko.
Ayaw sumama ni Chany kaya kami na lang dalaw ni daddy ang pumunta habang silang dalawa ni mommy ay pumunta sa mall para gumala. Ayaw niya kasi sa ampunan, hindi siya nag eenjoy.
Dala namin ni daddy ang mga kagamitan at foods na ipamimigay papunta sa ampunan, sabado naman kaya walang pasok. Pagdating namin doon, agad kong pinuntahan si Xy sa tambayan namin sa bahay ampunan, sa garden.
Pagdating ko doon, nawala ang ngiti at excitement ko ng makitang hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang kinaiinisan naming si Jherrone!
Dahan dahan akong lumapit sa kanila habang hawak ko si Mr. Teddy sa isa kong kamay. Nakasuot ako ng isang pink dress at nakablack shoes naman habang ang buhok ko naman ay naka pig tail.
"Anong ginagawa mo dito D?"
Napatingin naman silang dalawa sa akin at nakitang nakakunot ang mukha ni Jherrone o mas tinatawag namin siyang 'D'.
Humarap naman siya sa akin habang si Xy ay nakayuko at parang umiiyak pa.
"Bawal na pala akong pumunta dito Nana? O ayan pala oh, regalo ni Xy sayo."
Tapos inabot niya sa akin ang isang paper bag na parang nabuksan na at nakitang ngumisi pa siya. Kinuha ko naman ito at napatingin kay Xy na nakayuko pa din hanggang ngayon.
"Xy, ano bang nangyari sayo?"
Umiling lang siya habang nakayuko pa din kaya nagtaka na ako at napatingin kay D.
"Anong ginawa mo sa kanya?!"
Inis kong tanong dito. Tumawa lang siya ay pagkatapos tinuro ang paper bag na hawak ko kaya napatingin din ako dito.
BINABASA MO ANG
ERIS: The Gangster Nerd [S L O W U P D A T E]
AcciónErthena Issabelle Perez, a not so ordinary person. She can turn your world upside-down. She's been trying to protect the people around her through hiding herself behind her creepy mask. But everything will change when the wall that she is trying to...