Lena's Pov
Alas kwatro palang ng umaga ay ginising na ako ni Ara para maghanda sa training ngayon. Alas singko kami magsisimula. kinakabahan ako. Biruin mo yun! Ang aga pa kaya. pungay-pungay pa ang mata ko. Gusto ko pang matulong pero takot ako dahil baka parusahan ako ni Ara. Sana maging maayos mamaya ang training ko. Unang araw ko ngayon kaya sigurado akong memorable to. May mga nagsulputang tanong naman sa isipan ko. May iba pa kaya akong kapangyarihan. Bakit kailangan pa ng training kung pag-aaralan naman ito namain sa EMA. Bakit niya rin ako kilala at ang buo kong pagkatao? Pagkatapos pa nitong training ako maaring magrasearch sa pagkatao ko. Parang paper lang rin ako dahil sa kalagayan ko ngyon. Hhhhaaaay!!! Ang dami kong problema. Sana pwede ibigay ang problema sa iba para naman mabawasan tong iniisip ko. Pero pagnaimagin ko kung pwede yun ang pangit yata. hahahaha. Tapos na akong maghanda at narinig ko ang tawag ni Ara.
"Lena halika kana. Mag-uumpisa na tayo." sabi nito.
"Opo. Andyan na." pumunta na ako sa kinaroroonan niya sa labas. Ang lamig dahil ang aga pa.
Nagsimula na ang kanilang training.
"Umupo ka at ipikit mo ang iyong mga mata. pakiramdaman mo ang iyong sarili at damahin ang enerhiyang dumadaloy sa iyong katawan. Magfocus ka at malalaman mo kung ano ang kapangyarihan na taglay mo." sabi ni Ara at sinunod naman ito ni Lena ng walang imik. Lumipas ang dalawampung minuto pero wala paring nangyayari.
"Wala naman akong nararamdaman eh." pagmamaktol ni Lena.
"Magkoncentrate ka pa. Minsan kasi aabot iyan ng isang oras." sagot ni Ara. Alam ni Ara namahihirapan talaga sa pagdetect si Lena sa kapangyarihan niya lalo pa't ang kapangyarihan ng apat na elemento ay dumadaloy sa dugo nito. Nagpatuloy parin si Lena sa pagconcentrate at makalipas ang tatlompung minuto ay nakaramdam siya ng kakaibang init sa kanyang katawan at papalakas ito.
"Sigi ituloy mo lang iyang ginagawa mo." sabi ni Ara sa kanya dahil umilaw na ang katawan ng dalaga na sinyales na lalabas na ang isa sa mga kapangyarihan nito.
"AHHHHHHHHHH" Napasigaw ang dalaga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nito ang nakakuyum niyang palad ay biglang bumukas at lumabas ang apoy dito. Napadilat ang dalaga at masaya sa nakita at biglang nahimatay. Hinayaan nalang muna ito ni Ara dahil alam niya na naubos ang lakas ng dalaga sa kadahilanang hindi pa nito control ang kanyang kapangyarihan. Limang oras nakatulog ang dalaga. Paggising nito ay naghhihina parin.
"Magpahing ka muna. Bukas nalang natin ito ipagpatuloy." sabi ni Ara sa dalaga.
"Sige. Sagot ng dalaga." pumunta agad ito sa bahay at nagpahinga pagkatapos kumain. Ang sakit pa kasi ng katawan niya. Para siyang nakipagbugbugan. Kinabukasan ay bumalik na ang kanyang lakas at naghanda para sa susunod na training. Parehong oras parin ang kanilang training. paglabas niya ng bahay ay andoon na si Ara. Nagumpisa agad sila.
"Ngayon ang ituturo ko sayo kung paano controlin ang kapangyarihan mo. Kahapon ay naconsume mo lahat ng lakas mo kaya ka nabang-down. Gawin mo ulit ang ginawa mo kahapon. Mahinang apoy lang muna ang labas mo para hindi ka maubusan ng lakas."
Ginawa naman ni Lena ang sinabi ni Ara. Nagconcentrate muli ito. Dumaloy ang enerhiyang apoy sa katawan niya at napalabas niya ang malakas na apoy.
"Ara! paano paliitin itong apoy"
"HAHAHAHA. Sige lang pakiramdaman mo. Iconnect mo ang utak mo at ang iyong pakiramdamdam para magawa mo ang gusto mong gawin sa apoy." Ginawa naman agad ito ni Lena. At unti-unti lumiit ang apoy sa kamay nito.
"Magaling! Nagawa mo. Hindi ka naman pala mahirap turuan. Sabagay matalino ka naman. Ulit-ulitin mo ngayon ang pagpalabas ng apoy sa iyong kamay at pahinain at palakasin mo ito."
"Pareho lang ang process ng ginawa ko kanina?" tanong ni Lena
"OO. Pareho lang. Gawin mo lang ang ginawa mo kanina." Ginawa muli ito ni Lena at prinactice niya ito hanggang sa nakuha niya ito. Masaya siya sa naging resulta.
"Ngayon kaya mo ng controlin ang apoy sa iyong katawan. Gumawa ka naman ng fire balls. Mula sa maliit hanggang sa malaki."
Gumawa rin si Ara ng barrier para hindi mapinsala ang paligid. Gumawa na si Lena ng Fire balls. Nahirapan siya konti sa malaking fire balls pero nakaya naman ito. Sunoid na pinagawa sa kanya ay fire blades at fire weapon. Gabi na ng natapos. Sa mga sumunod na araw ay barrier, dragon, at armor ang itinuro sa kanya at pagpalabas ng iba niya pang elemento. Hindi niya akalain na taglay niya ang apat na elemento. Natutunan niya rin ang ibang abilities tulad ng mind reading, open and blocking of her mind, telekinesis, teleportation, pati yung super strength niya during combat battles nila ni Ara, time controlling, defusing ability. Kaya niyang pahinain ang kapangyarihan ng kalaban kahit dark magic pa ito.
Natapos na ang dalawang buwan at nagpaalam na sa kanya si Ara.
"Tapos na ang pag-eensayo mo. Magaling ka. Mag-iingat ka. Maraming gusto sa kapangyarihan mo. Sana magtagumpay ka sa misyon mo. Paggising mo, huwag mong isipin na panaginip lang to. Paalam. Pagpalain ka nawa."
Nagising naman si Lena. Nagtaka naman siya sa naging paniginp niya. Tinry niyang palabasin ang apoy sa kanyang daliri kung totoo nga ang nangyari sa kanya at nagpakita ang Goddess of Elements na si Ara. May lumabas naman na apoy sa kanyang daliri at naniwala na siya sa nangyari sa kanya at masaya siya dahil naramdaman niyang malakas siya. Tumayo na siya para pumunta sa library para magbasa ng history book para sa exam nila bukas. Isang oras kasi siyang natulog. Nakita niya si Harris at nagtaka naman siya na natutulog malapit sa kanya si Harris. Wala kasi ito kanina at pinabayaan niya nalang ito at umalis.
BINABASA MO ANG
Elementalia Magicae Academia
FantasiSi Lena Marie Aragon ay isang ordinaryong tao. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang inaakalang kamag-anak. Matalino, maganda, at mabait siya. Masaya siya sa kanyang buhay kahit di sila mayaman pero may kaya naman. Nag-aaral siya sa William Acad...