LENA's POV
Naglalakad ako ngayon patungo sa library.
Sariwa parin sa aking isipan ang nangyaring training.
Hindi ko akalain na apat na elemento ang taglay kong kapangyarihan.
Ang hirap rin pala ng training.
Sa pagtalo palang ng dragon ang hirap na dahil ang lakas nito at kayang gawin ang lahat ng techniques and movements ng bawat elements at ang matindi sa lahat ang super blast ng fire dragon dahil kalahati ng training ground ay sakop sa pagbuga nito ng apoy.
Nanginginig nga ako ng maeperience ko yun.
Akala ko talaga mamatay na ako sa training pero thanks God buhay pa ako at hindi pa niya ako kinuha. Hahahaha.
Sulit din naman lahat ng mga natutunan ko.
Hindi na ako ngayon takot sa aapi sa akin pero ayoko na malaman nila na apat ang aking elemento lalo pa't ang sabi sa akin ni Ara na maraming naghahangad sa kapangyarihan ko.
Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na sa tapat na ako ng library.
Hindi masyado marami ang estudyante ngayon sa library at in short konti lang.
Pumasok na agad ako at hinanap ang History book ng Elementalia.
Nakita ko ito sa may bandang dulo ng shelf at ito na yata ang pinakamatandang libro dito base sa anyo nito.
Binuklat ko ito habang naglalakad papunta sa isang mesa para may patungan ako.
Nakita ko na ang first page at binasa ito ng tahimik.
Noong unang panahon ay maayos ang balanse ng bawat elemento sa buong elementalia.
Ang Elementalia ang lugar ng mga Maji, ang mga nilalang na may taglay na elemento at ibang abilidad na ikinalamang nila sa mga tao.
Si Ara ang Diyosa na pinagmulan ng kapangyarihan ng bawat Maji.
Ang isang Maji ay may taglay na isa o dalawang elemento lamang at hindi na hihigit pa.
Ang buong Elementalia ay nahahati sa apat na bahagi at ito ang kaharian ngFlamma (fire), Adaquo (water), Aether (air), Mundus (earth). Sa bawat kaharianay pinamumunuan ito ng mga hari at reyna.
Maraming henerasyon ang nakalipas hanggang sa henerasyon ni Haring Laurent Jacob Morgan.
Si Haring Laurent ngayon ang presenteng hari at ang namumuno sa buong Elementalia kasama ang kanyang asawa na si Reyna Ruby Steve Morgan.
Si Haring Laurent ay nagtataglay ng kapangyarihan ng Apoy at Hangin at si Reyna Ruby ay nagtataglay ng kapangyarihan ng lupa at tubig.
Biniyayaan sila ng isang anak na babae at ito ay si Prinsesa AlexiaMarie Steve Morgan.
Prinsesa Alexia Steve Morgan ang totoong pangalan ko edi ibig sabihin sina Haring Laurent ang magulang ko.
Shock ako sa aking realization.
At di ko namalayan ang luha ko ay tumulo na pala.
Pinunasan ko ito agad.
Halo-halo ngayon ang nararamdaman ko.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
Si Prinsesa Alexia ay napakaganda, napakabait at halos ng magagandang katangian aynasa kanya na at namana niya ang lahat ng kapangyarihan ng kanyang magulangkaya siya ang pinakamalakas sa lahat ng Maji at naiiba sa lahat.
Nananalaytay sa dugo niya ang apat na elemento.
Sa bawat henerasyon ay mapayapa pwera lang ng Si Haring Laurent na ang namuno dahil nagkaroon ng digmaan na ang ugat ay inggit.
Si Edward Wolf ang matalik na kaibigan ni Haring Laurent at ang leader dati ng batalyon na pinalitan ni Mark Ashford nang tumiwalag ito sa Elementalia.
Nagflashback sa akin ang sinabi ni Mr. Leopart at bangayan nila nina tito at tita at ang sinabi nila sa akin.
Unti-unti ko nang naiintindihan.
Nainggit ito sa Hari kaya humingi siya ng kapangyarihan mula sa diyos ng kadiliman na si Ero upang magkaroon ng sapat na lakas para matalo ang hari at bumuo ito ng hukbo at alyansa kaya nagkaroon ng digmaan.
Natalo ang kampon ni Edward at nangako itong babalikan niya ang hari.
ito ang umpisa ng pagkahati ng maji.
White maji ang may taglay ng elements at dark maji naman ang may taglay ng dark elements.
Sa kabilang boundery ng Elementalia nakatira ang Dark maji.
Pagkatapos ng digmaan nawala ang prinsesa at hindi na ito nakita.
Hindi alam ng kaharian kung saan na ito.
Hanggang sa ngayon ay hinahanap pa ito.
Ang palatandaan nito ang kanyang apat na elemento.
Tiniklop ko na ng libro.
Sobra na ang mga nalalaman ko ngayon.
Unti-unti ko ng nabubuo ang aking pagkatao.
Royal din pala ako.
Kaya pala nagpakita sa akin si Ara.
Sana makita ko na sina mama at papa.
Natatakot ako sa hinaharap dahil may nagbabadyang digmaan at pwedeng maraming magbubuwis ng buhay. Sana hindi umabot sa ganoon ang sitwasyon. Nakatakda rin siguro ako na isa sa magliligtas lalo pat ako ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Sana maging maayos ang lahat. Hindi muna siguro ako mapapakilala. Ayoko ng atensyon. Tuluyan nalang siguro ako magiging cold. Kailangan ko matutong magpakatatag para sa darating na panahon. Help me Lord. Amen. Balik na muna ako sa dorm.
TO BE CONTINUED ...
________________________
Hello guys! Enjoy reading! Please vote and comment po. Ok lang ba ang bagong cover? Alin ang gusto niyo? ang una o ang bago? hingi lang po ako ng reaction sa inyo.
salamat sa mga nagbabasa, nagvote, at nagcomment. readers free to react kayo ah. wwag kayong mahihiya. hehehehe... see you sa next chapter.
God bless. :)
BINABASA MO ANG
Elementalia Magicae Academia
FantasySi Lena Marie Aragon ay isang ordinaryong tao. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang inaakalang kamag-anak. Matalino, maganda, at mabait siya. Masaya siya sa kanyang buhay kahit di sila mayaman pero may kaya naman. Nag-aaral siya sa William Acad...